00:00Patuloy na tututukan ng Kamara ang pagbasa sa ilang priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council at iba pang
00:07mahalagang panukala hanggang Hunyo.
00:10Nagbabalik si Vell Custodio.
00:1436 na panukalang batas na ang nailusot sa third and final reading, habang 27 naman sa second reading, kabilang ang
00:22limang priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council, o LEDAC.
00:27Ayon kay House Speaker Faustino Boji D. III, patuloy na tinututukan ang mga panukala sa nalalabing araw ng sisyon ng
00:34Kamara hanggang June 4.
00:36Kabilang sa mga naipasa sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Kamara, ang House Bill No. 9257 sa LEDAC Priority Measures
00:45na layong amyendahan ang BASIS Conversion and Development Act of 1992.
00:48Sa pamamagitan ng pagdideklara ng ilang bahagi ng mga lupain ng BCDA bilang alienable and disposable na sasa ilalim sa
00:57masusing pagpaplano at pag-aproba ng Pangulo.
01:00Sa ilalim ng panukala, bubuksan para sa development ng 10% na kabuang lupain sa mga economic zones na pinamamahalaan
01:08ng BCDA.
01:09Tinutugunan ang panukala ang matagal ng limitasyon sa kasalukuyang leasehold framework sa mga lugar ng BCDA, kung saan marami pa
01:17rin manggagawa ang nakatira malayo sa kanilang pinagtatrabahuan dahil sa kakulangan ng abot kayang pabahay.
01:24Aprobado na rin sa ikalawang pagbasa ang Digital Media Anti-False Information Act na nagpapataw ng 6 hanggang 12 taon
01:32na pagkakakulong na may hanggang 2 milyong pisong multa
01:35laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon online na maaring makapagdulot ng pinsala sa publiko o banta sa national security.
01:43Ayon kay Majority Leader, Sandro Marcos, kasabay ng pagprotekta sa freedom of expression, ay ang pagtitiyak na may pananagutan ang
01:51mga sadyang nagpapakalat ng mapanirang kasinungalingan.
01:54Kaugnay nito, aprobado na rin sa ikalawang pagbasa ang Right to Information Act na nagsusulong ng full public disclosure, kabilang
02:02ang mga transaksyon at budget ng lahat na ahensya ng pamahalaan, kabilang ang LGU at GOCC.
02:08Ang isang key feature ng bill na ito ay yung paglikha ng isang Right to Information Commission.
02:17Parang dun sa Data Privacy Act, merong Data Privacy Commission, so dito may Right to Information Commission na siya yung
02:25magpitiyak sa implementation ng mga ahensya ng mga freedom of information or Right to Information requests.
02:34So, umaasa tayo na may papasa ito at magiging isang hakbang tungo sa inaasam ng mamamayang Pilipino yung magamit ang
02:51informasyon ng gobyerno mismo para mapanagot ang mga kailangang panagutin at ang mga korap at mga nag-aabuso.
03:04Samantala, lusot na sa ikatlong pagbasa ang panukalang itaas ang retirement age ng Philippine National Police.
03:11Mula 56 ay gagawing 57 years old, nakapareho ng naunang batas ang retirement age ng Armed Forces of the Philippines.
03:18Layunin itong mapakinabangan ang kakayahan ng mga pulis, palakasin ang stability at leadership sa haray ng law enforcement.
03:25Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments