- 6 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Arestado ang isang lalaki at kanyang kasama matapos tangkang takasan ng checkpoint sa Maynila
00:05at mahulihan pa ng droga at baril.
00:07Ang lalaki, nabisto ring sangkot sa holdapan nitong Abril.
00:11Balitang hati ni Jomara Presto.
00:27Kuhay yan sa loob na isang Korean Mart sa Santa Cruz, Maynila noong Abril.
00:31Natangay ng armadong lalaki ang tatlong cellphone at cash ng tindahan na abot sa 100,000 pesos ang halaga.
00:37Tumakas ang lalaki sakay ng isang motorsiklo kasamang isa pang lalaki.
00:41Makalipas ang mahigit isang buwan, nahuli ang sospek matapos tangkang umanong takasan ng Oplancita ng Alvarez PCP sa Rizal Avenue
00:49kahapon.
00:50Ayon sa pulisya, sakay ng isang utility van ng 24-anyos na sospek kasamang 21-anyos na babaeng nililigawan umanong
00:58niya.
00:58Hindi po uminto sa Oplancita, kaya po hinabol ng tropa hanggang nahuli po sa karekada.
01:05I-check lang po sanayin natin yung license nila kung meron talaga, tsaka yung ORCR.
01:11Nakuha sa kanilang ilang sasya ng hinihinalang shabu at isang baril na pinaniniwala ang ginamit noon sa panguhold-up.
01:17Sa investigasyon ng Alvarez PCP, ang utility van na gamit nila, carnap pala, at ilang araw nang hinahanap ng may
01:24-ari na Taganueva, Isiha.
01:25Bari nangyari po ito noong May 25 lang. Noong chinek po natin yung cellphone nila ng sospek, nakita po may
01:34conversation po siya na meron siyang buyer po ng L300 sa Manila.
01:42Ayon sa 35-anyos na negosyating biktima, nagulat sila nang wala na sa harap ng bakuran ang kanilang sasakyan.
01:49Mabilis yung pangyayari, sir. Nakamotor siya eh. Inima niya yung motor, sinakayan niya yung L3, umalis siya.
01:54Tapos mga ilang minuto bumalik siya, may kasama na siya kumuha ng motor, tapos sabay na silang umalis.
02:00Inaalam pa ng polisya kung sangkot din ba ang lalaking sospek sa iba pang insidente na mga nakawan sa iba't
02:04ibang lugar.
02:05Tumanggi naman siyang magbigay ng pahayag.
02:08Wala akong sakorte na lang po.
02:09Ang babae namang kasama niya, wala raw alam sa lakad ng sospek at inaya lang daw siya nitong lumabas.
02:16Ang alam ko lang po mamamasyal lang po ako. Nandiligaw lang po yun sa akin.
02:20Madamay po ako na wala pong kasalanan.
02:23Nasa kustodiyan ng Santa Cruz Police Station ang dalawa na maharap sa patong-patong na reklamo.
02:28Isinailalim na rin sa ballistic examination ang baril ng lalaki.
02:31Tukoy naman na ng polisya ang pagkakakilanlan ng kasabuat niya sa panghold up sa Maynila.
02:35Inaalam pa kung siya rin ba ang kasabuat ng sospek sa pagtangay ng utility van sa Nueva Ecija.
02:41Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
02:49Patay ang isang babae at kanyang apat na taong gulang na anak sa San Pablo Laguna matapos hampasin ng martilyo
02:56sa ulo.
02:57Base po sa investigasyon, nangyari yan.
03:00Nang maiwan sa bahay ang mag-ina matapos umalis ang padre de familia at isa pang anak.
03:05Pag-amin ang binatilyo sa pulisya, pinagpapalunya gamit ng martilyo ang babaeng amo na nagluluto noon.
03:13Hinampas din niya ng martilyo ang batang anak nang marinig niyang umiiyak.
03:18Kinabukasan, sumuko sa mga otoridad ang binatilyo.
03:21Nagawa niya raw yun dahil nalaman niyang papainan siya ng pera ng amo dahil matagal na raw siyang pinagdududahan na
03:29kumukuha ng pera.
03:31Dahil minor de edad, nasa kustudiya po ngayon ang DSWD ang binatilyo.
03:35Nakaburol po ngayon sa tagkawayang Quezon ang mag-ina.
03:39Nananawagan ng hustisya ang kanilang kaanak pati ng tulong pinansyal para sa pagpapalibing sa mag-ina.
03:47Patay ang isang babaeng 89 anyos matapos sa kalin sa loob ng kanyang bahay sa Iloilo City.
03:53Sa kuha ng CCTV, pinapasok ng biktima ang isang lalaki sa kanyang bahay sa lapas nitong linggo ng umaga.
04:00Makalipas ang ilang minuto, may bit-bit ng plastic bag ang lalaki nang lumabas ng pintuan.
04:05Tumakas ang suspect na tangay ang ilang alahas at pera na ibinalot sa damit.
04:10Sa investigasyon ng pulisya, agad tumawag ang anak ng biktima na nasa abroad sa kanyang pinsan
04:15na puntahan ng kanyang ina matapos makita sa CCTV ang pananakal sa biktima.
04:21Hindi sinapubliko ang video recording na ito.
04:23Kinilala ang suspect na si alias Pablo, dating trabahador ng biktima sa kanilang negosyong construction.
04:30Pagnanakaw at galit ang tinututukang motibo sa krimen.
04:33Ayon sa mga otoridad, matagal nang tinanggal sa trabaho ang suspect na nakulong dahil sa illegal gambling.
04:40Patuloy siyang tinutugis.
04:42Sinusubukan pang makuha na ng pahayag ang mga kaanap ng biktima.
04:52Nakatakdang sampahan ang kasong plunder ng ombudsman si Sen. Jingoy Estrada
04:56dahil sa pagtanggap umano ng kickback sa flood control projects.
05:01Inaasahang makakasuhan din si Sen. Joel Villanueva
05:04habang may hanggang sampung senador ang iniimbestigahan pa ng ombudsman.
05:08Balitang hatid ni Joseph Moro.
05:13Well, ang pinakamalapit na, hinug na hinug na, at pipirmahan ko yung information against Sen. Jingoy Estrada.
05:26So, webes, sinasahang isasampahan ng ombudsman ang kasong plunder lagang kay Sen. Jingoy Estrada.
05:32Isa sa mga pinagbasehan ng ombudsman ang rekomendasyon ng National Prosecution Service o NPS ng Department of Justice.
05:39Kasama umano kasi si Estrada sa kalakaran ng pagkuhan ng 30% na kickback sa mga flood control project.
05:46Ang impormasyon galing sa mga insider o kasabwat sa proyekto, tulad din na dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
05:53dating DPWH NCR Director Gerard Opalencia, at DPWH Balacan First District Engineer Henry Alcantara,
06:00ng mga state witness na ngayon.
06:02Kung maayahain ng ombudsman sa Sandigan Bayan ang kaso laban kay Sen. Jingoy Estrada,
06:07susunod na ang proseso ng paglalabas ng arrest warrant laban sa kanya.
06:12Ayon kay Estrada, ikokonsulta niya sa mga abogado ang mga reklamo.
06:15Well, if this is the price that I have to pay for standing on my principles of what I believe
06:20in, so be it.
06:23Politika pa sa tingin.
06:25Your guess is good.
06:27Tumanggi siya magkomento ng tanongin kung itinuturing niya bang panggigipit ang inihahandang kaso.
06:32Nakoment.
06:33Basta akong alam ko, nasabi na LBR Rambo, wala akong resursion.
06:38At wala akong sinasabi nila, yung first blue ribbon hearing committee,
06:43o yung binulgar ni Bryce Hernandez sa house na meron ako insertion.
06:48At kataon na dito sa LBR Rambo, wala silang record na ako ay may insertion.
06:55Ganyan din ang Depensa ni Estrada nang lumabas ang DOJ resolution
06:59na nagre-recommenda ng kasang plunder laban sa kanya.
07:02Batayan niya sa record ng Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office,
07:06walang record na may insertion siya sa budget.
07:10Internal nila yan, wala akong ano dyan.
07:11Kasunod ni Estrada, si Sen. Joel Villanueva naman,
07:14ang nakatakbang kasuhan ng ombudsman.
07:17Baka dalawang linggo pa.
07:19Yan ang isang hinug na rin.
07:21Ngunit kinakailangan kasi puliduhin ang gusto yung pagkakalahad ng informasyon
07:29at ang ebidensya na kasama nito. Plunder rin.
07:33Sinubukan naming makunan ang pahayag si Sen. Villanueva.
07:36We're in two weeks though, sabi ng ombudsman.
07:40Bukod kinestrada at Villanueva na pareho majority Senators,
07:44merong siyam hanggang sampung Senador pa ang iniimbestigahan ng ombudsman
07:49kaugnay sa flood control projects pero hindi pinangalanan.
07:52Tinanggi ni Remulya na ginigipit nila ang mayorya sa Senado.
07:56May inaharap ding reklamo si Majority Sen. Rodante Marcoleta
07:59pero para sa mga hiwalay na reklamong plunder, indirect bribery at paglabag sa batas
08:04laban sa pagtanggap ng mga regalo ng mga pampublikong opisyal.
08:08Dahil yan sa umunay pagtanggap niya ng donasyong 75 million pesos mula sa ilang individual.
08:15Lahat ng ebidensya nito galing niya sa kanya, sinasabi niya sa Komelec, sa mga kanyang pag-amin.
08:21Pero sir, hindi sila sinisingle out yung majority? Hindi niyo pinapira?
08:24Hindi, ano yan? Ang trabaho ng ombudsman, lahat eh.
08:29Iniimbestigahan din si dating Senate President Francis Chisa Scudero
08:33kasamang ilang kongresista tulad ni dating House Speaker Martin Romualdez.
08:37Ayon kay Remulya, dalawang kaso ang inihahanda laban kay Romualdez.
08:41Isa pang manilwadering case na mabigat.
08:44At of course, yung the grandest case of them all, itong pinakamabigat na kaso dyan,
08:51the conspiracy to defraud the treasury, yun talaga yan sa pamamagitan ng budget.
08:57First time ito gagawin sa kasaysayan ng Pilipinas na magkakaroon tayo ng gantong klaseng kaso.
09:02Kog na ito sa 2024 at 2025 national budget, particular ang pagpasok umuno ng flood control budget sa small committee.
09:11Pero pinahihirapan umuno sila ng Committee on Appropriations.
09:14Pinapasampira namin yung records sa small committee at ng Committee on Appropriations at ayaw nila ibigay.
09:21Hinahanap mo rito yung amendments na wala man sa record eh.
09:32Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag si late 1st District Representative Martin Romualdez
09:36pero dati na niyang itinanggi ang mga aligasyon laban sa kanya kaugnay sa national budget.
09:42Dati na rin niyang sinabi na hindi siya naging bahagi ng mga deliberasyon ng small committee.
09:46Wala rin pang tugon dyan si House Committee on Appropriations Chair Michaela Swan Singh.
09:51Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA News.
09:55O mis-made si Pangulong Bongbong Marcos nang tanungin tungkol sa aligasyon ng kanyang kapatid
10:00na si Sen. Amy Marcos na may planong no-L o no-election scenario sa 2028.
10:19Tinanong ang no-L sa Pangulo bago bumiyahe papuntang Japan kahapon para sa kanyang state visit doon.
10:24Ang no-election scenario ay binanggit ni Sen. Marcos sa sasyon ng Senado nitong lunes.
10:29Anya, pinaplano umano ng Pangulo at ng ilang mambabatas ang charter change para ma-extend ang kanilang mga termino.
10:37Pinabulaan na na yan ng mga membro ng Senate Minority.
10:40Itinanggirin ng ilang kongresista ang mga aligasyon ni Sen. Marcos.
10:43Si House Deputy Speaker Ferdinand Hernandez na pinangalanan ni Sen. Marcos,
10:49hindi na raw papatulan ang mga anyang espekulasyon at chismis.
10:53Sabi rin ni House Deputy Speaker Janet Garin,
10:56posibleng paglilihistang lang daw yan ngayong malapit na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
11:02Ayon naman kay impeachment prosecutor Jonathan Keith Flores,
11:05hindi na pag-usapan ng no-election scenario o charter change sa impeachment proceedings laban sa Vice.
11:13Nag-inspeksyon si DILG Secretary John Vic Remulia sa gumuhong under construction na gusali sa Angeles, Pampanga.
11:20Update po tayo sa latest na sitwasyon doon sa ulot on the spot ni EJ Gomez.
11:25EJ?
11:30Connie, matapos nga ang dalawang araw nang mag-transisyon sa search and retrieval operation,
11:36ang mga otoridad dito sa gumuhong gusali sa barangay Balibago na inanunsyo ng BFP tuloy o balik sa search and
11:44rescue ang operation ayon sa DILG.
11:46Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia, hindi nawawalan ng pag-asa ang pamahalaan na may buhay pang na trap
11:53sa gumuhong gusali.
11:57Sa panayam ng media, kaya DILG Secretary John Vic Remulia ngayong umaga,
12:02sinabi niyang search and rescue pa rin ang operasyon sa ground zero ng gumuhong gusali.
12:07Pusible daw kasi na may nabubuhay pa na nadaga na ng mga steel bars, concrete slabs at debris kasunod ng
12:13pagguho.
12:14Magpapatuloy daw ang koordinasyon ng Angeles City Government, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at iba pang ahensya ng
12:21gobyerno
12:21para mahanap ang mga nawawala pa, buhay man o patay.
12:26Kailangang mag-ingat ang bawat galaw lalo't masela ng operasyon.
12:29Kaunting galaw lang kasi, pwedeng may pagguho ulit.
12:32Ipatatawag na rin daw ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang may-ari at kontraktor
12:38ng gumuhong gusali para sa posible na lang criminal negligence dahil sa pag-alaw nitong mag-stay o matulog
12:45ang mga empleyado nito sa loob ng construction building site.
12:48Kagabi sinabi ng Angeles City LGU na sa unang araw ng pagguho, isang taong nagpakilalang kaibigan
12:54ng may-ari at sinabing nasa abroad daw ang may-ari nang itinata yung gusali.
12:59Sabi ng DILG to check down nila ang immigration records para makumpirma ito,
13:04magkakaroon din daw ng whole departure orders sa may-ari at kontraktor ng gumuhong gusali.
13:09Ayon pa kay Rimulya, ang CIDG ang nakatuon o inatasan sa fact-finding sa insidente ng pagguho ng gusali rito
13:17sa Angeles, Pampanga.
13:18Narito ang pahayag ni Secretary Rimulya.
13:24Makiniwala kayo sa amin, nagagawin namin na lahat para ma-recover ang lahat ng mga tao buhay man o patay.
13:32Nangyayari na po na minsan dalawang linggo na nasa ilalim ng gato klaseng trahedya ay naaanap pa rin buhay.
13:39Nakaisang linggo na po tayo, hindi po tayo nawawalo na pag-asa na meron pa rin.
13:49Cody, tirik na tirik ang araw pero patuloy itong search, rescue and retrieval operation na ginagawa ng mga otoridad,
13:55particular ng BFP dito sa ground zero ng gumuhong gusali.
13:59At dumating din dito sa site si bagong upong doles, Secretary na si Mr. Francis Tolantino.
14:05At maya-maya lamang ay makakapanayam natin siya.
14:07Yan muna ang latest mula po dito sa Angeles, Pampanga.
14:10EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
14:14Marami salamat EJ Gomez.
14:18Unti-unting tinatangay ng rumaragasang tubig ang bahagi ng naputol na tulay na yan sa Yubei, China.
14:25Ilang sandali lang, nadagdagan pa ang bumigay na bahagi ng tulay at nahulog ang kotse na roon.
14:32Sa ulat po ng local media, nagkaaberyah ang sasakyan kaya hindi ito na iatras.
14:38Nakalabas naman daw ang mga sakay ng kotse bago ito nahulog sa ilog.
14:42Nitong lunes isinailalim sa red flood warning ang lugar dahil sa masamang panahon.
14:50Pinatawa ng isang buwang preventive suspension sa Department of Labor and Employment Region 3 Director Geraldine Panlilio.
14:59I'll be placing Director Panlilio under preventive suspension for one month while investigation is gone going.
15:07I-anunsyo yan ni Dole Secretary Francis Tolentino habang nasa likod niya si Panlilio
15:12na sinuspindi habang iniimbestigahan ang gumuhong gusali sa barangay Balibago sa Angeles, Pampanga.
15:17Tutukuin daw kung may pananagutan ang mga opisyal ng Dole roon sa nangyari.
15:21Kasama sa mga aalamin ay kung may nangyaring violation sa occupational safety at health standards.
15:27Ayon kay Tolentino, dati nang inisuhahan ng work stoppage ang proyekto dahil sa safety deficiencies.
15:33Ikinagulat man, tanggap daw ni Panlilio ang suspensyon.
15:40Ready to face po kung anuman ang kahihinat na nito dahil ako po ay siguradong sigurado sa ginawa po namin
15:52na trabaho.
15:57Hanggang ngayon, hindi pa rin nagpapakita o nakikipagugnayan sa mga otoridad ang may-ari at contractor.
16:02Nang gumuhong gusali.
16:04Inadalahan na raw sila ng siyokos order ng ahangila City LGU para magpaliwanag kaugnay sa pagguho.
16:13Kaugnay sa pagtatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos ng bagong kalihim sa Department of Labor and Employment.
16:19Makakapanayin natin live si Dole Acting Secretary Francis Tolentino.
16:23Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
16:30Magandang umaga po, Rafi. Magandang umaga sa inyo mga tikasubaybay.
16:33Opo. Ano po yung direktiba at dahilan ng Pangulo sa paggata talaga sa inyo bilang bagong kalihim po ng Dole?
16:44Ang marching order talaga eh sangayon sa ligang batas ng Pangulo to protect the dignity of our working class.
16:52So bahagi po yun, bahagi po doon yung buong kapakanan nila.
16:56Kaya yung working conditions, lahat na yung wages, so yun po yung ating tututupan.
17:01Meron bang inaasahang balasahan po sa Dole?
17:09Hindi naman ganun. Yung kahapon eh was brought about by this incident.
17:15Nandito ko ngayon sa Balibago sa Angela City.
17:17So hindi naman massive.
17:19Ang atin po eh talagang ma-professionalize, ma-institutionalize din yung mga pinaplano kong gawin.
17:25Lalo sa Inspectorate Division ng Dole, yung mga labor arbiters, maayos po yung kanilang training, kagaya po ng mga judges
17:34na tinetrain ng Supreme Court.
17:37Bagamat bago pa lang po ang inyong pagkakatalaga dyan, ano po nakikita niyong mga issue na dapat pagtunan ng pansin
17:44ngayon dyan po sa Dole?
17:49Ang marami po, lalong-lalo na yung senador pa ako, tinututukan ko noon eh yung gig economy na kailangan natin
17:57bigyan recognition din and protection.
17:58Yung ating mga platform riders, yung mga nagdi-deliver ng kapi ninyo ating gabi, yung nauulan na, ninahabol na nga,
18:06so kailangan magkaroon din po ng karampatang protection sila.
18:10So, I intend to put up a hotline that will cater to the complaints and needs of our gig economy
18:16workers, mga freelancers.
18:18Gano'n ba kalaki yung kinokontribute ng mga ito sa ekonomiya at sa workforce ng bansa?
18:27Kung isasama po sila sa informal sector, baka 42% po yan.
18:32Ito po yung mga, pero kulang po sila sa binipisyo, halos wala po yung PhilHealth, wala po yung SSS, wala
18:38po yung pag-ibig.
18:39So, napakalaki po ng bahagda nila sa ating ekonomiya.
18:43Kung wala po sila siguro, mahina din yung mga restaurant, mahina rin yung mga nagsusupply ng mga pagkain, yung mga
18:51ingredients at yung mga palengke.
18:53At paano nyo po pula nung palakasin at paramihin pa yung bilang ng mga trabaho sa bansa?
19:02Alam nyo, yung ganun tanong, it's all-encompassing.
19:07You talk about the economic environment, kasama po dyan ang presyo po ng bilihin, kasama po dyan ang inflation, kasama
19:15po dyan yung job opportunities.
19:17Ang gusto kong ma-address ay yung education to employment pipeline, na yung ating mga kabataan masanay, hindi lamang sa
19:27trabaho ngayon, kung hindi sa trabaho ngayon, kung hindi sa trabaho bukas.
19:31At sinasabi ko lagi, kahapon pa, we should train our youth not for the jobs of yesterday.
19:37So, hindi lang po ako tatrabaho nito, marami pong ahensya, yung po yung aming pagtutuun-tuunan.
19:41At isa pong malaking usapin dyan, yung AI. Paano po palalakasin ng DOLE, yung pag-transition into artificial, paggamit ng
19:50mga artificial intelligence?
19:52Yung, we recognize that, kaya siguro maglalabas ako ng isang administrative order, nasa hiring processes, ay dapat ilahad na nila
20:04kung yung evaluation is with the use of AI.
20:07Although we recognize the value of algorithmic management, ay dapat tao pa rin na mag-evaluate po sa kakayahan at
20:13kapasidad ng isang pumapasok na empleyado.
20:17Mapunta po tayo dun sa preventive suspension kay Director Pandilio.
20:23Na-inform po ba siya before niyong announcement at ano po yung dahilan dun sa kanyang suspension?
20:28Yes, yes, yes.
20:30Yes, ganito po yun. Nag-usap kami. Ang dahilan po is, siguro may mga lapses, but investigation is ongoing. Nag
20:37-form ako ng isang committee.
20:39Ang kailangan po kasi, pag nag-serve ka ng work stoppage order, ay magkaroon ng follow-up.
20:45Na-lift po yun kasi may compliance daw, pero dapat po may follow-up pa.
20:49Noong 4 stories, hindi po dapat mangyari na doon nakatira sa loob mismo ng kinukonstruct na gusali yung mga construction
20:57workers.
20:58At diyo mano, may balita sa akin ngayon, sabi sa akin ng mayor ngayon, pati raw yung ibang pamilya doon
21:02nakatira.
21:03So dapat po may separate barracks yun.
21:05Sa ngayon sa ating batas, Occupational Safety and Hazards Law, ay dapat may bukod na barracks, mayroong safety officer,
21:11at yung dami ng empleyado kung marami, meron na yung nurse na dumadalaw, etc.
21:25So, no comment po tayo dyan.
21:34So, minority and majority, palagay ko po, alam naman nila yung ginagawa nila.
21:40Meron tayong sa Ligang Batas, ginagalang ko po mga kaibigan lahat yan.
21:43So, no comment po tayo dyan.
21:44Pero, ramdam nyo po ba na nagiging personal na?
21:46Kasi sanay naman kayo sa debate doon, pero nagiging personal na ho ba ngayon?
21:54Hindi ko po nasusundan lahat yun.
21:57Pero, noong panahon ko, above board po lahat lagi tayo at bilang isang abugado sa ngayon lahat po sa batas.
22:05Pero, kung ano po nangyayari ngayon, siguro bahagi po ito ng isang malayan demokrasya
22:10kung saan umiiral maging sa ating plenary ng Senado.
22:15Okay, abangan po natin yung mga manggagaling po sa inyo sa Dole.
22:18Maraming salamat po, Acting Secretary Francis Tulentino.
22:22Maraming salamat at magandatang halipo sa lahat.
22:27Ngayong araw, ginugunit ang Idil Adha o Feast of Sacrifice.
22:31Sa Maynila, madaling pa lang ay nagtipon na sa Quirino Grandstand ang ilanating kababayang Muslim.
22:36Tuloy-tuloy ang pagdarasal nila.
22:38Ayon sa organizer, ilan sa mga pagbabagong ginawa nila
22:41ang pagdadagdag na mga sound system lalo na sa women's area.
22:45Yan ay para mas maarinig ang sala o kutba o sermon mula sa kanilang imam.
22:50Naglagay rin sila ng food stalls na Halal Certified.
22:53Nagkaroon din ang pagkitipon ng Muslim community sa Ruas Avenue sa Davao City ngayong Idil Adha.
22:58Sa sermon, ibinahagi ang kahalagahan na maintindihan ang istorya ni Propeta Ibrahim
23:04at ang pagsakripisyo sa kanyang anak.
23:07Nagkaroon din ang pagkitipon sa Lawag, Ilocos Norte.
23:10Pati na rin sa Sambuanga City Grandstand.
23:14At sa Buluan, Maguindanao del Sur.
23:17Nakikisa si Pangulong Bongbong Marcos sa pagdiriwang ng Idil Adha ng mga kababayan nating Muslim.
23:22May mensahe raw ang Idil Adha sa bawat tao anuman ang pananampalataya
23:26na maaring pagmula ng lakas ang sakripisyo na inalay ng may katapatan at pagmamahal.
23:33Nakikisa rin si Vice President Sara Duterte sa Idil Adha.
23:36Sabi niya na may magsilbing paalala at inspirasyon sa lahat ang okasyon na ito
23:41upang ipagpatuloy na isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa bawat pamilyang Muslim at buong sambayanang Pilipino.
23:51Update po tayo sa paghahanap ng PNPC, IDG at NBI
23:55kay Senador Bato de la Rosa sa isang subdivision sa Angeles, Pampanga.
24:00May ulot on the spot si JP Soriana.
24:03Thank you sir.
24:33Pero ayon sa porok leader ng subdivision na may akses din sa bahay na ito,
24:37hindi daw niya kailanman nakita si Senador Ronald Bato de la Rosa sa bahay na iyon.
24:42Dahil may akses ang porok leader sa naturang bahay,
24:45ipinakita niya sa GMA News kung saan nagpunta at pumasok ang mga taga-CIDG kanina.
24:50Ang bahay luma at tila na pabayaan na.
24:52Pero may ilang gamit sa kusina, meron din isang silid at tulugan at kama.
24:56Ayon sa porok leader, isang itim na pickup daw na pagmamayari.
25:00Ni Carino ang hinahanap ng NBI at CIDG sa kanya.
25:04Bagay na kinumpirma ng porok leader na nakita niyang nasa tapat ng bahay na ito noong isang linggo.
25:09Ayon sa porok leader, sinabi raw sa kanya ng NBI at CIDG na ang naturang itim na pickup
25:14ay isa raw sa mga nakita sa Senado noong umalis, si Senador de la Rosa at Padilla.
25:19Sabi ng ilang residente ng subdivision na property nga di umano ng kamag-anak ng Senador Padilla
25:25ang bahay na pinuntahan ng CIDG bagay na kinumpirma rin ng Homeowners Association.
25:31Ang isang adjacent na bahay na pinasok din ng CIDG at NBI kanina may nangungupahan
25:36at kinumpirma ang isang birihilyo karino nga ang may-ari ng property.
25:40Nagulat daw sila na may nag-dorbel na taga-CIDG at nagulat din na tinahanap si Senador Bato.
25:45Ang Harris City Police nakita natin nga umiikot sa property bilang bahagi raw na kanilang coordination
25:51sa PNP-CIDG at hinahanap pa po natin sa mga oras na ito si Mr. Carino na nabanggit
25:57na hinahanap ng NBI at CIDG.
26:00Yan mo lang later, balik po na sa iyo, Connie.
26:02Maraming salamat, JP Soriano.
26:05Pinunaan ni Senador Amy Marcos ang pagtutol ng Senate Minority Members
26:09sa pagsusulong ng mayorya sa teleconferencing
26:12para makalahok ang mga Senador sa sesyon ng Senado.
26:16May ulat on the spot si Sandra Aguinaldo.
26:18Sandra?
26:21Raffi, sa isang media conference ngayong araw ay
26:25tinabi ni Senadora Amy Marcos na tila raw inuubot sila ng administrasyon
26:30dahil na informasyon na kini-case build-up ang lahat ng Senador
26:34at ito po yung mga Senador nakabilang sa majority.
26:38Tinawag nila itong persecution na sana raw ay hindi mangyari.
26:42At ng Senadora, naririnig na daw ngayon yung mga kaso, reklamo o investigasyon
26:47laban kina Senador Rodante Marcoleta, Robin Padilla,
26:50Jingo Estrada, Jesus Codero, magkapatid na Camila at Mark Dillard
26:54at may ICC Warren parao para kay Senador Bato de la Rosa.
26:58Sa kabila nito, sabi ni Senadora Marcos,
27:01na natinira solid ang mayorya na may 13 Senators.
27:06Sila ito raw ay umano ang dahilan kaya gusto silang buwagin ngayon.
27:11Matatanda ang kagabi ay nauwi nga po sa walkout ng minority Senators
27:16ang mainit na diskusyon tungkol sa pagtalakay sa panukalang amyendahan ng rules ng Senado
27:22para payagan ang mga Senador na makalahok sa sesyon kahit hindi sila physically present.
27:28Ito yung makakagamit sila, Rafi, ng teknologiya, gaya ng video conferencing,
27:32kung saan na noon ang mga Senador.
27:35Puna ng Senadora, yun naman daw grupo ng minority
27:38ay nung nakakulong daw si dating Senador Laila de Limo,
27:43sila din naman daw ay nagtulak ng ganitong panukala
27:46pero hindi lang ito nagtagumpay.
27:49Ayon kay Senador Marcos, posibero na pag-usapan pa nila ito muli sa lune.
27:54Yan muna po ang pinakauling ula sa si Connie.
27:57Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
28:04Malapit na ang mapanood ng kapuso reality singing show na The Clash Teens.
28:09Sa MediaCon present si Naasia's Limitless star Julian San Jose
28:14at kapuso Total Heartthrob River Cruise.
28:17Pati na rin ang The Clash Teens panel
28:19na binubuo ni Naasia's romantic balladeer Christian Bautista,
28:23BGYO member JL Toreliza
28:26at star of the new gen, Jillian Ward.
28:28Excited na sila na makilala ang teen clashers na magtatapatan
28:33tuwing 7.15pm ng linggo sa GMA
28:36at nagbigay ng advice ang The Clash Teens panel sa The Teen Clashers.
28:44Discipline na talagang magpapractice ka, gagawin mo ang best mo.
28:48Ang maibibigay kong advice sa mga teens, mga kabataan sa new generation
28:56na huwag silang susuko agad kasi madami pa talagang opportunity na dadating.
29:04Gusto kong ma-share din sa mga teen clashers namin na gano'ng ka-importante yung disiplina
29:11and to keep on learning.
Comments