Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagkagirian ang mga police at mga ralistang gustong makalapit sa U.S. Embassy.
00:05May ulat on the spot si Jonathan Andal.
00:08Jonathan?
00:12Connie, sa mga oras na ito ay humupa na ang tensyon.
00:15At actually, bago tayo omere, katatapos lang mag-disperse o kusang umalis ng mga ralista dito po sa Maykalao Avenue
00:22sa Maynila.
00:23Ang naiwan na lang po rito mga police, pero ayan, nakabarikada pa rin po sila, nandyan pa rin po yung
00:27barbed wire.
00:28At kani-kaninang ako niyong nagkatulakan, nagkabalyahan at nagkahilahan pa ng barikada.
00:45Nabuwag ng mga ralista ang isang bahagi ng barikada na may barbed wire na inilatag ng polisya para harangan ang
00:51mga progresibong grupo na makarating sa U.S. Embassy.
00:54Dito na nagkatulakan at nagkagriya ng mga polis, itinumba ng mga ralista ang isang barikada.
01:00Guit ng mga ralista, nakakagalit at insulto raw na sa araw mismo ng kalayaan, barbed wire na barikada ang pinanghaharang
01:07sa kanila.
01:08Paliwanag ng jepe ng Manila Police District, Ex-Brigidor General Arnold Santiago.
01:12Inilagay nila ang mga barikada na may barbed wire para hindi magpangabot at hindi magkasakita ng mga polis at ralista.
01:19Matapos ang girihan, kapansin-pansin ang pagdagdag ng persya ng polisya rito.
01:23May mga taga-commission on human rights din na nagbamasid rito.
01:26Sa ngayon, wala naman na iulat na sugatan sa girihan kanina.
01:30Sabi ni Congresswoman Rene Coe ng kabataan party list na kasama rito sa protesta,
01:34gusto nilang lumapit sa Embahada ng Amerika dito sa Ross Boulevard para iparating ang kanilang mensahe na
01:40hindi pa rin daw tuluyang malaya ang Pilipinas na kinokontrol pa rin daw ng Amerika.
01:45Narito ang kanilang pahayag.
01:48Para maharangan dito, ibig sabihin, hindi pa rin pinapakinggan ng mga opisyal ng gobyernong Marcos Jr.
01:55yung panawagan natin.
01:57Wala dapat ikatakot ang Estados Unidos, ang gobyernong Marcos,
02:02sa hinahing ng mga mamamayan na ayaw ng gera, ayaw na gusto ng independensya.
02:07Ngayong araw ng kalayaan, nakakagalit na ang pinangharang nila barbed wire.
02:11Kung simple traffic rerouting to, bakit barbed wire yung pinangharang sa mamayan?
02:16Ayaw namin malakit ng kababayan, ayaw din namin masaktan yung mga pulis natin.
02:21Kaya ito, may mga barbed wire kayong nakalatan?
02:25Kaya ito, nakatis walang konta. Magkatingin naman, okay lang. Huwag lang nyo magpangabot talaga.
02:34Nag-barchat ng kilos protesta din ang iba't ibang grupo at civic organizations sa tanggapan ng Embahada ng China sa
02:40Hilpuyat Avenue sa Makati City.
02:42Ito yung pangipanawagan ngayong ginugunitan ng Bansang Independence Day ang tuluyang kalayaan laban sa agresyon, panghaharas, pangihimasok at mga iligal
02:52na istruktura ng Chinese government sa Bao de Masinlok na pasok sa Exclusive Economic Zone o EEZ ng bansa.
02:58Ayon sa Filipino's Do Not Yield Movement o FDNY at iba pang grupo, hindi dapat maulit sa Bao de Masinlok
03:06ang nangyari sa Mischief Reef na kalaunay ginawang militarisadong artificial na isla ng China.
03:11Ikinit din ang FDNY ang paggalang sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award na nagpapatibay sa mga karapatan ng Pilipinas
03:20sa loob ng EEZ.
03:21Paninindigan ng grupo, paninindigan ng grupo, ang Bao de Masinlok ay para sa mga Pilipino at dapat patuloy na ipagtanggol
03:28para sa kabuhayan, seguridad, pambansang dignidad at kinabukasan ng mga susunod na salinlahi ng sambayan ng Pilipino.
03:35Matiwasay at mapayapa namang tinapos ng mga grupo ang kanilang kilos protesta.
03:40Koni, sa mga oras na ito, sarado pa rin sa dalawin ng trafico, itong Calao Avenue.
03:45Kaya abis na sa mga motorista, ako dito kayo dadaan, hanap muna kayo ng alternatibong ruta.
03:48Aalamin pa natin sa MPD kung anong oras ba nila bubuksan sa trafico, tatanggalin yung mga barbed war na barikada
03:54nila dito.
03:55Ngayon, tapos naman na yung protesta rito ng mga realista.
03:58Yan muna ang latest mula rito sa Maynila. Balik sa iyo, Koni.
04:01Maraming salamat, Jonathan Andal.
04:05Samantala, libo-libong trabaho abroad ang alok sa job seekers ngayon pong araw ng kalayaan.
04:11May ulot on the spot si Bernadette Reyes.
04:13Bernadette?
04:18Koni, humigit kong mulang 4,000 na mga trabaho ang naghihintay na mapunan sa job fair dito sa isang mall
04:25sa Quezon City.
04:29Kabilang sa mga trabaho naghihintay dito ay may kinalaman sa healthcare, administrative work, hospitality, housekeeping at manufacturing.
04:38Meron ding oportunidad para sa mga skilled trade at sa mechanical, electrical at plumbing.
04:44Kabilang sa mga bansang maaaring mapagtrabahohan ang mga bansa sa regyon na Asia-Pacific, Europe at Americas.
04:51Meron ding oportunidad sa mga sea-based na trabaho.
04:54Dito maaaring din makahanap ng trabaho ang mga OFW na bumalik sa bansa mula sa Middle East
05:00at magkaroon sila ng bagong pagkakataon para mga ibang bansa.
05:04Ayon kay Yusek Bernard Olalia, pagkakataon nito para makapagbigay ng maayos na trabaho sa mga nais mga ibang bansa.
05:11Laganap daw kasi ang mga scam tulad ng illegal recruitment at human trafficking.
05:16Paalala ng DMW makipag-ugnayan lamang sa mga lehitimo at lesensyadong recruitment agencies.
05:23At dapat, lehitimo rin ang job order.
05:26Kung magbabayad naman ng placement fee, dapat may kaukulang resibo at siguraduhin na may kontrata na ang inyong trabaho.
05:33Samantala, Connie, ayon sa DMW ay patuloy raw ang kanilang repatriation at rescue efforts
05:38para sa mga kababayan nating OFW na nasa Middle East na nais nang bumalik dito sa ating bansa.
05:44Connie?
05:45Maraming salamat, Bernadette Reyes.
05:56Mga kapuso, mag-ingat po sa mga naniningil ng pera kung hindi kakilala.
06:02Isa pong tindahan sa Cebu City ang nakuhanan ng 4,500 pesos ng may nagpanggap na kolektor ng upa.
06:10Kita po sa CCTV ang paglalakad ng lalaking nakaputing damit at bed ng sombrero sa barangay Guadalupe.
06:18Tumawid po siya ng kalsada at dumiretsyo sa isang tindahan.
06:22Kwento ng kasamahan ang nabiktimang tindera,
06:25nagpanggap ang lalaki na inutusan daw siya ng may-ari ng tindahan para singilin ang buwan ng upa.
06:32Paniwala raw, naniwala raw ang tindera kaya ibinigay naman ang pera.
06:37Huli na raw nang malaman niyang modus pala yun.
06:41Ayon sa pulisya, marami nang nabiktima ang sospek.
06:44Patuloy pa siyang hinahanap.
06:47Para huwag maging biktima, paalala po ng mga pulis,
06:50ay huwag basta magtiwala lalo na kung may kinalaman sa pera.
06:59Double the excitement ang hatid ng mga susunod na eksena ng GMA Prime Series na Task Force Firewall.
07:07Sumabak ulit sa isang dangerous mission ng Task Force Firewall
07:11sa pangunguna ng mga karakter ni Nakayli Padilla at Miguel Tan Felix na mga special investigation agents.
07:18Sinalakay nila ang hideout ng isang sindikato para iligtas si Sunshine played by Shane Sava.
07:24Maraming netizens ang napawaw sa husay ni Nakayli at Miguel sa kanilang fight scenes.
07:30Kwento niya ng Kaili at Miguel sa inyong mare, bunga yan ang kanilang intensive training and workshops.
07:36Collaborative efforts din daw ang bawat eksena ng production team.
07:43Ibang Kaili yung makikita nila.
07:45Siyempre it's a different character, no?
07:47Pero talagang tinrabaho ko yun.
07:49Kung paano siya magsalita, kung paano siya kumilos.
07:52So yeah, happy ako na napapansin ng mga tao yun.
07:54Itong sigalo, iba to sa mga characters na ginawa ko eh.
07:58So, may conscious effort talaga sa kung paano pag-atake ng mga eksena.
08:03Physically, may mga pagbabago rin.
08:06So, I would say yes, kailangan din ng reinvention.
08:13Update po tayo sa Burol sa Davao City ng student-athlete na si Rene Baterboña
08:18sa ulat on the spot ni JP Soriano.
08:21JP?
08:26Connie, mga kapuso na rito po tayo ngayon sa tapat ng Ateneo de Davao High School Building.
08:32Dito yan sa may bankal sa Davao City kung saan nga po ipinagpapatuloy ang Burol
08:36para sa yung maong sports hero ng Mindanao na si Rene Baterboña.
08:41At Connie, alauna pa po ng hapon ang public viewing na schedule para kay Rene
08:46o mas kilalang Bobet para sa kanyang mga kaibigan at kaanak pati na rin po sa ilang fans.
08:51Pero ilang fans na po at taga-suporta ang nagpunta na rito sa labas ng Ateneo de Davao Senior High
08:56Building.
08:57Mga fans na sumubaybay sa basketball career ng isang Rene Baterboña.
09:02Kabilang sa kanila, Connie, mga nakilala natin mga batang basketball player sa Davao
09:06na sina Kane Isaac at Ralph na hindi lang daw sa mga dunks at layups.
09:11Hinahangaan ang kababayan kundi pati na rin daw sa kabaitan sa mga fans
09:15at higit sa lahat sa kanyang pamilya.
09:17Ngayong tanghali, nakita namin dumating na rito sa Ateneo de Davao Senior High Building
09:21ang lola ni Rene mula sa Talagocon, Agusan del Sur.
09:25Bukod sa public viewing, Connie, para kay Rene,
09:29meron din pong misa gabi-gabi mula mamayang alas 6 hanggang alas 7 ng gabi.
09:35Paalala po sa mga bisita base po sa advisory ng Ateneo magdala ng valid ID.
09:39Bawal din po ang plastic sa loob ng campus,
09:41alinsunod sa university policy at Connie, hindi rin po pinapayagan ng mga mamahayag sa loob ng Ateneo.
09:48At yan muna ang latest mula rito sa Davao City.
09:51Balik muna sa iyo, Connie.
09:52Marami salamat, JP Soriano.
09:56Samantala, pumanaw po sa edad na 77 ang veteranong kapuso broadcast journalist na si Jimmy Hill.
10:02Si Hill ay host ng radio program na Jimmy Hill Live sa Super Radio DZBB.
10:09Una siyang nakilala bilang GMA News TV reporter noong 1980s.
10:14Naging anchor din po siya ng programang The Saturday and Sunday Evening Report.
10:18Isa sa mga tumatak na interview ni Hill,
10:21ang kanyang panayam kay Cory Aquino bago ang 1986 snap elections
10:26laban kay Inuoy Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
10:32Are you going to run for the presidency or not?
10:34Sabi niya, no.
10:35And then I rephrased my question.
10:38I asked her, what will make you run?
10:40Yun, sinabi ni Ms. Corazon Aquino
10:42na isang milyong lagda na nag-i-endorso sa kanyang sa pagkapangulo.
10:50Pinungunahan ni Vice President Sara Duterte
10:52ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Davao City.
10:55Pinungunahan po ng BICE ang flag-racing ceremony
10:58kasama ang ilang opisyal at pamangkin niya na si Vice Mayor Rigo Duterte.
11:03Sinundan po yan ng wreath laying sa Bantayog ni Jose Rizal sa Rizal Park.
11:07Sa kanyang talumpati, binigyang halaga ni Vice President Duterte
11:11ang kalayaan at sakripisyo ng ating mga bayani.
11:15Nanawagan din po siya na piliin ang pag-asa.
11:18Sa isang ambush interview, sinabi ng BICE na nauna nang nagpadala ng hot meals
11:23at mga pagkain ng Office of the Vice President sa mga biktima ng lindol.
11:28Nakiramay na rin daw siya sa mga naulila ng ilang namatay at sa ilang sugatan sa lindol.
11:35Natanong din siya tungkol sa sinasabing panawagan daw ng ilang grupo laban sa kasalukuyang administrasyon.
11:44Wala sa aking mga kamay ang pagsasagawa ng extra-constitutional means
11:50to overthrow the current administration.
11:56At hindi ko din gusto yun. Hindi ko gusto agawin yung posisyon ni Bongbong Marcos.
12:03Gusto ko makita ng taong bayan hanggang sa dulo kung gaano walang hiya.
12:11Si BBM.
12:41...
12:43...
12:43...
12:44...
Comments

Recommended