00:01Naghihinanakit ang ilang kaanak ng mga biktima ngayong retrieval operations na
00:04ang pinaiiral sa gumuhong gusali sa Angeles, Pampanga.
00:08May ulot on the spot si Maris Omali.
00:14Connie, masama nga ang loob ng mga pamilya o mga kaanak ng mga biktima
00:19na hindi pa rin natatagpuan sa gumuhong gusali na ito na makikita niyo po sa aking likuran.
00:25Ito ay matapos nga, ang kagabi ay nagdesisyon ang Unified Command System
00:30na itigil na ang search and rescue operations dahil wala na raw indikasyon na may signs of life.
00:37Kaya ngayong umaga, nagtransisyon na sa retrieval operations ito
00:41at ang bilang ang nawawala ay nasa labing-anim pa rin po.
00:45Pero mga pamilya, gaya na nga nabanggit natin kanina, naghihimutok,
00:49napakabagal daw ng aksyon ng mga nagre-rescue,
00:52kaya hanggang ngayon daw ay hindi pa nadaragdagan ang mga natatagpuan na wawala.
00:57Bakit daw agad-agad silang nagde-desisyon na ihinto na lang ang operasyon
01:00na hindi man lang sila kinakausap o sinasangguni man lang.
01:04Napakasakit daw sa kanilang mga pamilya ang hindi man lang kausapin
01:08at bigyan ng update sa mga desisyon nila.
01:10Apela rin nila sa may-ari, magpakita na at panagutan ang nangyaring insidente.
01:16Yung command post pati po sa media ay pinalalayo na po para magbigay daan sa mga heavy equipment
01:23at kasali rin po sa retrieval operations and civil engineers ng DPWH
01:27para bantayan yung structural safety sa paligid ng retrieval teams.
01:31Sa mga sandaling ito, Connie, nakita natin may mga nagdadatingan ng mga volunteers
01:35at mga pagkain at tubig para naman na ibigay sa mga pamilya
01:40at ganoon din sa mga volunteers at sa mga tauhan ng iba't ibang ahensya
01:46na tumutulong dito sa isinasagawang operasyon dito sa Gumuhong Gusali.
01:50Yan muna ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Angeles, Pampanga.
01:53Balik sa'yo, Connie.
01:53Maraming salamat, Mariz Umali.