00:00Sa Merkulis na nakatakda ang unang status conference hearing sa kasong Crimes Against Humanity,
00:05namang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
00:10Sa gitna nito ay pinag-utos ng ICC Trial Chamber 3
00:13ang patuloy na pagdetene kay Duterte dahil sa posibilidad umano ng pagtakas.
00:19Nakatutok si Darlene Kai.
00:25Mas malaki raw ang posibilidad na tumaka si dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:29ngayong kumpirmado na ang kaso niya ayon sa ICC o International Criminal Court.
00:33Kaya napag-desisyonan ng ICC Trial Chamber 3 na ituloy ang pagkakakulong sa kanya sa The Hague.
00:40Sa desisyong inilabas kahapon ng ICC Trial Chamber 3,
00:43sinabi nitong ang patuloy na hindi pagkilala ni Duterte sa horisdiksyon ng ICC sa kanya
00:48ay pagpapakita na hindi siya susunod sa anumang utos mula sa korte oras na palayain siya.
00:54Ang pagkumpirma raw ng Korte ng mga kasong Crimes Against Humanity laban kay Duterte
00:59ay nagpataas ng panganib na tumakas siya sa tulong daw ng kanyang malawak na resources at contact
01:05gaya ng kanyang pamilya at mga taga-suporta sa Pilipinas.
01:08Kaya dapat daw patuloy siyang i-detain at hindi pa rin bigyan ng conditional release.
01:14Ang pag-review ng Trial Chamber 3 sa detensyon ni Duterte
01:16ay bahagi ng opisyal na prosesong kailangan gawin ng korte
01:19kada 120 days o apat na buwan alinsunod sa room statute.
01:24Sinagot din ng korte ang isinumiting impormasyon ng defense team na nakararanas umano si Duterte
01:28ng madalas na pagkahulog at kawalan ng balanse.
01:31Sabi pa ng depensa, wala ng kapasidad si Duterte na maalala ang ilang detalye
01:36para makapag-utos pa sa iba na mga impluensya sa mga testigo o makialam sa proseso.
01:41Pero sabi ng korte, walang nakitang basihan ang tatlong court-appointed medical experts
01:46na sumuri kay Duterte na baguhin ang kanyang kasalukuyang pagkaka-detain.
01:52Ipinagpapasalamat ng mga kaanak ng mga biktima ng war on drugs ang desisyon.
01:56Sa mga biktima po, gumaan pong pakiramdam nila
01:59dahil po nagpasya ang Trial Chamber na tuloy pong pagkulongan kay Mr. Duterte
02:06at ito po ay magandang balita po sa mga biktima
02:11kasi nakikita nila na malahi po siya sa kanila
02:15at kaligtasan po nila ay naa-assure din po.
02:21Samantala, tuloy ang unang status conference hearing sa Merkoles, May 27.
02:26Sa dokumentong inilabas ng ICC Trial Chamber 3 kahapon din,
02:30pinayagan ng korte si Duterte na hindi dumalo sa unang status conference.
02:33Pag-uusapan dito kung kailan ang simula ng trial o paglilitis,
02:38pati ang deadlines para sa magkabilang panig.
02:40Pag-uusapan din ang ilang detalye tulad ng pagprotekta sa mga saksi,
02:44deadline para sa victim's participation,
02:47lengwaheng gagamitin sa trial at iba pang protocol.
02:50Ang gusto po ng mga biktima ay agaran po
02:55at huwag na pong madelay yung pong paglilitis.
02:59Darlene Cai, Nakatutok 24 Oras.
03:03Darlene Cai, Nakatutok 24 Oras.
03:06Darlene Cai, Nakatutok 24 Oras.
03:08Darlene Cai, Nakatutok 24 Oras.
Comments