00:00Sa gitna ng puspusang paghahanda para sa pagdating ng mga international leaders na dadalaw sa 2026 ASEAN Summit,
00:07umaaray ang mga Pilipinong apektadong kabuhayan dahil kailangan magsara.
00:12Wala sa paranyake na katutok live, si Jonathan Anda.
00:16Jonathan.
00:18Ivan, ngayon ko lang nakita ganito kaluwag at kalinis itong harap ng Baclara Church sa gilid ng Ross Boulevard.
00:25Ang sabi ng mga nakausap kong vendor, pinaalis daw sila dito para sa ASEAN Summit 2026 na walong araw na
00:31lang ay magsisimula na.
00:38Nagkainitan kanina ang isang vendor at tauhan ng paranyake City Hall na nagki-clearing operation sa Baclara.
00:44Hanggang kanina itinataboy ng mga taga-paranyake LGU ang mga ambulant vendor sa harapan at gilid ng Redemptorist o Baclara
00:51Church.
00:51Hindi nyo kinanggal, kami po magtatanggal. Zero vendors po tayo. Ang utos po sa amin, yung ayaw sumunod, pohuliin po
01:00namin.
01:01Malinis at maluwag na ngayon ang harap ng simbahan.
01:04Sabi ng mga nakausap kong vendor, pinaalis sila dahil sa ASEAN Summit 2026,
01:09nadadaluhan ng mga presidente ng iba't ibang bansa sa Southeast Asia maging si US President Donald Trump sa November 15
01:15hanggang 17.
01:16Siguro po kasi gusto nilang magpakitanggila sa ibang bansa na maganda yung sitwasyon sa Pilipinas.
01:23Wala naman silang binigay na ayuda.
01:25Pati ang ilalim ng LRT1 na sahop ng paranyake, lumuwag at luminis na rin.
01:31Pero ang sakop ng Pasay, masikip pa rin at maraming vendor.
01:34Sa Jokno Boulevard naman sa Pasay, ang kalsada papuntang PICC na venue ng ASEAN,
01:39pinasara ng City Hall ang ilang tindahan doon gaya ng isang paresan.
01:43Mayroon daw mga bisita kaya ayun sinara yung mga paresan.
01:47Sabi ko kahit sana tubig lang para mayroon man din kami kita dito.
01:53Wala naman kami magawa kasi ano sila, gobyerno.
01:57Walang inalok na tulong?
01:59Wala naman, sinabi sila basta magsirado lang.
02:02Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng LGU ng Pasay at Paranyake.
02:09Ang paligid ng paresan, nilagyan ng bakod na may painting ng mga Filipino artists.
02:14Tila takip ito sa kabilaan ng kalsadang daraanan ng ASEAN delegates.
02:19Ang Manila Film Center, animoy bagong paligo sa linis.
02:22Wala na rin ako nakita rong mga homeless na dati dooy nakatambay.
02:26Sarado na sa mga motorista ang buong CCP complex,
02:29kaya maraming sasakyan ang hindi pinadaan at pinaikot na lang yung mga naglalakad.
02:34Tanging mga sasakyang may kinalaman sa ASEAN Summit
02:37ang pinapapasok ng mga polis at marines.
02:39Patapos na rin ang decorative arc na nasa gilid ng CCP.
02:45Ivan, sabi ng mga nakausap kong polis dito sa may baklaran,
02:48bukod sa mga vendor, pinaalis na rin yung mga informal settler,
02:52yung mga natutulog sa Banketa, pati sa Center Island, dito sa Meros Boulevard.
02:57Doon mo nang nagtas mula rito sa Paranyake. Balik sa iyo, Ivan.
03:00Maraming salamat, Jonathan Nandal.
03:05Maraming salamat, Jonathan Nandal.