Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mula sa paghawak ng mga baril at pagsabak sa gera, edukasyon na ngayon ang armas ng nasa 80 dating membro
00:07ng Abu Sayyaf Group.
00:09Tunghain ang kwento ng kanilang pagbabagong buhay sa balitang hatid ni JP Soriano. Exclusive!
00:19Kuha ito ng isa sa mga pinakahuling inkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf.
00:25Tulad ng mga balat armas na umalingaungaw para masupil sila, parang bangungot sa pandinig pag nasambit ang grupong Abu Sayyaf.
00:37Ginawa nilang impyerno ang mga paraisong tulad ng Dos Palmas, Palawan noong 2001.
00:42At naghusik ng takot hanggang abroad tulad sa Sipadad, Malaysia.
00:47Mula 1991, hindi na mabilang ang buhay na nabuwis dahil sa grupo.
00:52Kabilang ang ilang pinugutan.
00:56Pero sa Sulu, kung saan sila minsan nagbase, may tila pumali sa dati nilang ingay.
01:03Sa isang lugar doon na aking binisita, may ilang sinasanay.
01:08Hindi para humawak ng armas, kundi para mag-aral.
01:13Walumpu sa kanila ay mga dating membro ng Abu Sayyaf na nagbalik loob sa gobyerno.
01:18Kasama ilan nilang kaanak, naka-enroll sila sa ClickMobile Education o ClickMe na pinapatakbo ng isang NGO.
01:27Kaisa, ang 11th Infantry Division ng Western Mindanao Command o West Mincum ng Sandatahang Lakas.
01:34Dito ko nakilala si Randy, hindi niya tunay na pangalan, na nag-aaral ng ilang basics sa mga software o
01:40apps.
01:41Nalaman ko na mayroong pera doon, na may magbibigay na pera, gano'n.
01:47Kaya ko sumali sa S.G. Group.
01:51Sa kalaman ko doon lang ako makakanap ng pera, sa panggastos ko sa aking pamilya, gano'n.
01:58Kaya ko pumasok doon.
02:00Labing tatlong taon lang si Randy nang matutong humawak ng armas.
02:03Pero isang araw, nasugatan siya sa enkwentro nila at ng militar at iniwan ng lider ng kanilang pangkat.
02:11Kasi nakakatakot yung buhay na sa loob.
02:13Minsan gera.
02:15Kung may mamamata, hindi na mapupulot yung iba.
02:19Kaklase niya ngayon si Lito, di rin niya tunay na pangalan,
02:22na minsang nakasama ang ilang high-value individual gaya ni na Abu Sayyaf leaders Estelon Hapilon at Omar Patek.
02:29Naging bahagi siya ng ilang pangingid na pero kumalas sa grupo noong 2018 ng magkasariling pamilya.
02:36Yung pinaglalaban, parang personal interest o pinagyayaman na yung kung ano man yung nakukuha nila.
02:43Extortion, yun ang nangyayari. Kaya naisip ko na sa magbagong buhay na ako.
02:48Ang kahirapan ni Lito at Randy ang sinamantala noon ng Abu Sayyaf
02:52para mahikayat silang lumahok sa grupo at gumawa ng mga krimen at karahasan.
02:58Gera ang sumira sa lugar na ito. Peace and order ang aming naging problema.
03:03Insurgency, terrorism, etc. Kidnapping.
03:06Kaya pagsugpo sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon
03:10ang ginagamit ngayong armas para tuluyang maglaho ang multo ng terorismo sa probinsya.
03:16Dahil siyam na buwan ang pag-aaral sa Click Me program
03:19at di makakapaghanap buhay ang mga kalahok,
03:22aalalayan sila ng tulong pinansyal ng DSWD.
03:26Hindi man natin mapalitan yung income nila
03:28pero the important part is may naiaabot tayo na tulong
03:31para to keep them encouraged to continue the program.
03:36Patid daw ng DSWD at mga kapartner nilang NGO
03:38na wala pa namang katiyakang matutuldukan na
03:41ang pagsalin ng ilang tagusulu sa mga teroristang grupo.
03:43Pero ang tiyak daw, isang malinaw na hakbang ang akses sa edukasyon
03:47at ang pangakong pang matagalang tulong para maibsa ng kahirapan
03:50para makamit ang tunay na kapayapaan sa probinsya.
03:53Click Me ang simula
03:55pero plano yung dugtungan ng alternative learning system ng DepEd
03:59para magkaroon sila ng katumbas ng elementary at high school diploma
04:03at makapagkolehyo kung gugustuhin.
04:07Life skills like computer literacy, digital literacy,
04:10how to prepare your resume.
04:12So itong mga development programs na ito
04:14will help them become productive members of our society.
04:17Bagaman 2023 pa, ininiklarang Abu Sayah Free ang Sulu.
04:21Nagsisimula pa lang ang paghilom sa mga dating pugad ng Abu Sayah.
04:25Sa halos limanda ang dating miyembrong sumuko at nagbalik loob sa gobyerno,
04:30sandaan at walong po pa lang ang may clearance
04:33at naipasok sa Eclipse integration.
04:36Kailangan wala silang cases.
04:38So ito yung mga projects or programs na pwede nating mapa-avail sa mga ganitong tao
04:44so that they will feel na hindi sila outcasted sa society.
04:48Sa ngayon, may dalawa pa rin daw nagre-recruit para sa ibat-ibang lawless groups
04:53na binabantayan ng West Mincong.
04:56Imbes na sa kanila lumahog,
04:57nire-recruit naman sila ng West Mincong sa CAFGO
05:00para tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan.
05:04Ang pag-asa sa huli,
05:06lahat ng mga taga rito ay maramdamang bahagi sila ng lipunan
05:10at mawala ng dahilan para lumaban sa gobyerno
05:14at sa isa't isa.
05:16JP Soriano, nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended