00:00The International Criminal Court is now in session.
00:04Rodrigo Roa Duterte
00:13Ibinasura na International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1
00:17ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:20na iapila ang confirmation of charges para sa kaso niyang crimes against humanity.
00:25Unang ipinunto ng defense team, masyado anilang flexible
00:28at malawak ang saklaw ng mga asunto laban sa dating Pangulo.
00:32At ikalawa, biguraw ang Pre-Trial Chamber 1
00:35na iugnay sa mga partikular na pangyayari ang mga ebidensya sa kaso.
00:39Sagot ng Pre-Trial Chamber 1 sa tatlong asunto laban sa dating Pangulo,
00:43malinaw namang nakasaad kung ano-ano ang krimen,
00:47sino ang mga biktima, kung saan at kailan nangyari ang mga ito.
00:51Hindi rin daw kailangang isa-isahin sa pre-trial stage
00:54ang mga insidente ang inilatag sa kaso dahil gagawinan nila yan sa trial proper.
01:00Mas pinaigting naman ang pagbabantay sa dating Pangulo na nakakulong sa ICC Detention Center.
01:06Ayon sa ICC Registry, payo ito ng medical officer ng Detention Center
01:11dahil may fall risk o malaki ang panganib na matumba si Duterte.
01:15May edad na raw kasi, may karamdaman pa.
01:1981 years old po ang dating Pangulo.
01:21Base sa ICC Registry, dati nang nawala ng balanse si Duterte
01:25na agad daw tinulungan at sinuri ang kalagayan.
01:29Inayos din a nila ang mga gamit sa loob ng selda
01:32para makagalaw ng mas maayos ang dating Pangulo.
01:35Wala naman daw na italang kaparehong insidente sa nakalipas na 30 araw.
Comments