Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mula sa paghahawak ng mga baril at pagsabak sa enkwentro,
00:03edukasyon na ngayon ang armas ng nasa 80 dating member ng Abu Sayyaf Group.
00:07Ito ngayon ang kwento ng kanilang pagbabagong buhay.
00:10Sa unang balita ni JP Soriano, Exclusive.
00:17Kuha ito ng isa sa mga pinakahuling enkwentro sa pagitan ng Abu Sayyaf.
00:23Tulad ng mga balab armas na umalingaungaw para masupil sina,
00:26parang bangungot sa pandinig pag nasambit ang grupong Abu Sayyaf.
00:35Ginawa nilang impyerno ang mga paraisong tulad ng Dos Palmas, Palawan noong 2001
00:40at naghusik ng takot hanggang abroad tulad sa Sipadad, Malaysia.
00:45Mula 1991, hindi na mabilang ang buhay na nabuwis dahil sa grupo,
00:50kabilang ang ilang pinugutan.
00:53Pero sa Sulu, kung saan sila minsan nagbase, may tila pumalit sa dati nilang ingay.
01:01Sa isang lugar doon na aking binisita, may ilang sinasanay.
01:06Hindi para humawak ng armas, kundi para mag-aral.
01:10Walumpu sa kanila ay mga dating membro ng Abu Sayyaf na nagbalik loob sa gobyerno.
01:16Kasama ilan nilang kaanak, naka-enroll sila sa ClickMobile Education o ClickMe na pinapatakbo ng isang NGO,
01:25kaisa ang 11th Infantry Division ng Western Mindanao Command o West Mincum ng Sandatahang Lakas.
01:31Dito ko nakilala si Randy, hindi niya tunay na pangalan, na nag-aaral ng ilang basics sa mga software o
01:38apps.
01:39Nalaman ko na mayroong pera doon, na may magbibigay na pera, gano'n.
01:45Kaya sumali sa ESG Group.
01:48Sa kalaman ko doon lang ako makakahanap ng pera, sa panggastos ko sa pamilya, gano'n.
01:56Kaya ako pumasok doon.
01:58Labing tatlong taon lang si Randy nang matutong humawak ng armas.
02:01Pero isang araw, nasugatan siya sa enkwentro nila at ng militar at iniwan ng lider ng kanilang pangkat.
02:09Kasi nakakatakot yung buhay na sa loob.
02:11Minsan gera.
02:13Kung may mamamata, hindi na mapupulot yung iba.
02:16Kaklase niya ngayon si Lito.
02:18Di rin niya tunay na pangalan na minsang nakasama ang ilang high-value individual
02:23gaya ni na Abu Sayyaf leaders Estelon Hapilon at Omar Patek.
02:27Naging bahagi siya ng ilang pangingid na pero kumalas sa grupo noong 2018 ng magkasariling pamilya.
02:34Yung pinaglalaban, parang personal interest o pinagyayaman na yung kung ano man yung nakukuha nila.
02:40Extortion, yun ang nangyayari. Kaya naisip ko na sa magbagong buhay na ako.
02:46Kinailangan muna ni Lito patunayan ang katapatan sa gobyerno
02:50para makasari sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP.
02:54At tumulong pa nga sa pag-aresto ng ilang lider ng Abu Sayyaf at pagliktas sa mga nakitap nila.
03:01Ang kahirapan ni Lito at Randi ang sinamantala noon ng Abu Sayyaf
03:06para mahikayat silang lumahok sa grupo at gumawa ng mga krimen at karahasan.
03:12Gera ang sumira sa lugar na ito. Peace and order ang aming naging problema.
03:17Insurgency, terrorism, etc. etc. kidnap.
03:19Kaya pagsugpo sa kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon ang ginagamit ngayong armas
03:24para tuluyang maglaho ang multo ng terorismo sa probinsya.
03:29Dahil siyam na buwan ang pag-aaral sa ClickMe program at di makakapaghanap buhay ang mga kalahok,
03:35aalalayan sila ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
03:42Hindi man natin mapalitan yung income nila pero the important part is may naiaabot tayo na tulong
03:46para to keep them encouraged to continue the program.
03:51Patid daw ng DSWD at mga kapartner nilang NGO na wala pa namang katiyakang matutuldukan na
03:56ang pagsali ng ilang tagusulu sa mga teroristang grupo.
03:59Pero ang tiyak daw isang malinaw na hakbang ang akses sa edukasyon
04:03at ang pangakong pang matagalang tulong para maibsa ng kahirapan
04:06para makamit ang tunay na kapayapaan sa probinsya.
04:09ClickMe ang simula pero plano yung dugtungan ng Alternative Learning System o ALTS
04:15ng Department of Education o DepEd para magkaroon sila ng katumbas
04:20ng elementary at high school diploma at makapag-kolehyo kung gugustuhin.
04:25Life skills like computer literacy, digital literacy, how to prepare your resume.
04:30So itong mga development programs na ito will help them become productive members of our society.
04:34Bagaman 2023 pa ininiklarang Abusaya Free ang Sulu, nagsisimula pa lang ang paghilom sa mga dating pugad ng Abusaya.
04:43Sa halos limanda ang dating miyembrong sumuko at nagbalik loob sa gobyerno,
04:48sandaan at walumpu pa lang ang may clearance at naipasok sa Eclipse integration.
04:54May ilan kasing nasangkot sa mga krimen at kailangan pa rin managot.
04:58Kailangan wala silang cases. So ito yung mga projects or programs na pwede nating mapa-avail sa mga ganitong tao
05:06so that they will feel na hindi sila outcasted sa society.
05:11Sa ngayon, may dalawa pa rin daw nagre-recruit para sa iba't ibang lawless groups na binabantayan ng West Mincong.
05:18Imbes na sa kanila lumahog, nire-recruit naman sila ng West Mincong sa mga Citizen Armed Forces Geographical Unit o
05:25CAFGO
05:25para tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan.
05:29Ang pag-asa sa huli, lahat ng mga taga rito ay maramdamang bahagi sila ng lipunan
05:35at mawalan ng dahilan para lumaban sa gobyerno at sa isa't isa.
05:41Mula rito sa Maimbong Sulu, ito ang unang balita.
05:44JP Soriano para sa GMA News.
Comments

Recommended