Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong May 22, 2026

-Dating trabahador, huli sa aktong nagnanakaw sa bodega ng kanyang dating amo

-PAGASA: Caraga at Davao Region, inuulan dahil sa trough ng LPA

-Oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo

-Ilang tsuper, hindi pa raw natatanggap ang bayad ng gobyerno para sa service contracting program

-DSWD, nakikipag-ugnayan sa Dept. of Agriculture para mahanap ang pamilya ng nasawing senior citizen na nabundol habang nakapila sa P20/kilong bigas

-Delivery rider, patay matapos saksakin at barilin ng magkapatid na lasing umano; 2 suspek, arestado

- 2, arestado sa panloloob sa isang lotto outlet sa Brgy. Bagbag; P24,000 halaga ng betting machine, tinangay

-House Prosecution panel, nagsagawa ng mock trial bilang paghahanda sa impeachment trial

-Pag-aresto kay Sen. Bato Dela Rosa na wanted ng ICC, iniutos na ng DOJ

-Season 1 dance stars ng "Stars on the Floor," makikipag-team up sa Season 2 celebrity at PPop dance duos

-Construction worker, patay matapos tamaan ng kable ng nagkaaberyang steel crane sa Brgy. Udalo; crane operator, arestado

-Mga alahas, laptop, at ilan pang gamit, natangay sa niloobang bahay sa Brgy. Sto. Domingo; suspek, pinaghahanap

-8 pamilya, apektado ng sunog sa Brgy. Ampid 1

-Pagtangay sa cellphone ng isang customer shop, nahuli-cam; suspek, pinaghahanap

-Sen. Escudero, pinasasagot ng Ombudsman sa mga alegasyon kaugnay sa flood control scandal

-DA: Rice retailers sa Mega Q Mart, nakakasunod na sa P50/kilo na SRP sa imported rice

-Hiling ng kampo ni FPRRD na iapela ang confirmation sa kasong crimes against humanity, ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber 1




For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Transcript
00:00Dave
00:03magandang tanghali po
00:05oras na para sa maininig na balita
00:23Huli sa aktpeople ang isang lalaki habang nagnanakaw sa bodega ng dati niyang amo sa Maynila
00:28Ayon sa suspect, nagawa niya ito dahil hindi umano siya pinasahod sa huling araw ng kanyang trabaho.
00:34Balita natin ni Jomera Presto.
00:43Biglang tumunog ang alarm system ng CCTV camera sa isang bodega sa punta Santa Ana, Maynila, madaling araw noong May
00:4917.
00:50Kita rin ang isang lalaki sa loob na tila nagulat.
00:53Ayon sa polisya, nagnanakaw noon ang lalaki.
00:56Ilang report na raw ang natanggap ng otoridad kaugnay sa panloloob umano sa naturang bodega.
01:01Noong May 16, nakita rin ang parehong lalaki na umiihi pa sa gilid ng bodega bago magnakaw umano.
01:08Nitong miyerkoles ng madaling araw, naabutan na siya ng mga tauhan ng Santa Ana Police Station habang nagnanakaw sa loob
01:14ng bodega.
01:19Agad na hinuli ang 27-anyos na sospek.
01:22Nakuha sa kanyang isang revolver na kargado ng bala at ilang construction tools na ninakaw umano niya.
01:40Ayon pa sa polisya, nakulong na rin noon ang lalaki dahil din sa pagnanakaw.
01:44Actually, hindi ito taga dito sa Santa Ana. From Makati po ito ang ating sospek.
01:49Regular niya ng pinagnanakawan ito, pinapatay niya yung kuryente, siniswitch up niya para hindi siya maabutan.
01:59Aminado ang sospek sa pagnanakaw na ani ay dala ng galit sa may-ari ng bodega.
02:04Apat na araw daw kasi siyang namasuka noon sa bodega bilang mason.
02:07Pero hindi umano siya nabigyan ng sahod sa panghuling araw niya sa trabaho.
02:11Humingi naman siya ng patawad sa nagawa.
02:13Pinagano po nila ako doon, pinaghalo, hapot ko, buhos ko, tapos in, pwede po nila ako binayaran.
02:19Yung huling araw ko, dapat $700.
02:22Gusto pa nila gawing half day, $350.
02:23Paano naman po yung pagod ng tao?
02:26Siyempre, pagkain ko pa, pagkain namin ng pamilya namin.
02:30Siyempre, sa ano ko po, sa asasal ko po, kaya ako po nagawa yun.
02:33Bukod sa construction tools, tinangay rin daw ng sospek ang aircon na nasa loob ng bodega
02:37at ibinenta sa isang junk shop sa halagang 300 pesos.
02:40Sinang pahanan ng reklamong robbery at paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition ang sospek.
02:46Sinusubungan pa namin makuha ang pahayag ng may-ari ng bodega.
02:50Jomera Presto, nagbabalita para sa GMA News.
02:54Mga kapuso, nagpapaulan na po sa ilang bahagi ng bansa ang binabantayang low pressure area malapit sa Mindanao.
03:01Namataan po yan ang pag-asa, 875 kilometers sila nga ng southern Mindanao.
03:06Sabi ng pag-asa, mababa ang tsansa niya na maging bagyo at inaasahang magdidissipate o malulusaw sa mga susunod na
03:13araw.
03:13Sa kabila niya, nagpapaulan ang trough ng nasabing LTA sa Karaga at Davao Region.
03:19Bukod sa sama ng panahon, posibleng magpaulan sa ilang bahagi ng bansa ang easter lease o kaya'y mga local
03:25thunderstorm.
03:27Ayon sa pag-asa, posibleng pumalo sa danger level na 45 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan, Pangasinan at
03:34sa 6 pang lugar sa bansa.
03:3644 degrees Celsius naman sa Pasay City at sa labing dalawa pang lugar sa bansa.
03:4243 degrees Celsius sa Lawag, Ilocos Norte at sa labing siyam na iba pang lugar.
03:4742 degrees Celsius naman ang posibleng heat index ngayong araw dito sa Quezon City at sa labing limang iba pang
03:54lugar.
03:55Extreme Caution Level na 41 degrees Celsius ang posibleng heat index sa Itbay at Matanes at siyam na iba pang
04:02lugar.
04:03Habang 40 degrees Celsius sa Ginubatan at Daraga sa Albay, Mactan, Cebu at sa Maramagbukidnon.
04:20Abiso sa mga motorista na muumuro ang taas presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
04:25Sa panayang sa Department of Energy, Oil Industry Management Bureau, Director Rino Abad sa Super Radio DZBB,
04:32batay sa 4-day trading, posiblian niya ang dagdag na 1 peso and 50 centavos sa kada litro ng diesel,
04:39gasoline at kerosene.
04:41Ayon sa DOE, nakaapekto sa paggalaw ng presyo niyan ang gulo pa rin sa Middle East.
04:50Ngayong araw na matatapos ang service contracting program sa ilang pampublikong sasakyan,
04:55pero ilang tsyuper ang ilang linggo na raw na hindi nababayaran ng gobyerno.
05:00Sinusubukan pa po namin kuna ng pahayag ang LTFRB tungkol dito.
05:04Balitang hatid ni Jomer Apresto.
05:10Madaling araw pa lang, nakapila na sa Monumento sa Caloocan City ang 29-anyos na jeepney driver na si Jojo.
05:17Kasama ang kanyang minamanehong jeep sa mga nasa ilalim ng service contracting program.
05:21Ito yung programa ng gobyerno na nagbibigay ng tulong para sa mga driver at operator ng mga public utility vehicle.
05:27Nasa 30 pesos per kilometer ang bayad ng gobyerno sa mga traditional jeepney tulad ng minamaneho ni Jojo.
05:33Ang kapalit nito, magbibigay sila ng 20% discount sa mga regular passenger at 40% para sa mga estudyante,
05:40PWD at senior citizens.
05:42Ang problema, ilang linggo na raw hindi nakatanggap ng payout si Jojo.
05:47Yan ay kahit nakatakda ng magtapos ngayong araw ang nasabing programa.
05:51Kasi wala pa kasing bahayad sa amin eh.
05:54Mag ano na, 20 days wala pang bahayad sa amin.
05:59Halos lot kami dito sa Munoz SM Monumento.
06:03Pero kada sa food trip, magano?
06:053,000 po.
06:06Kasi isang 100 kilometers yun eh.
06:113K ang bahayad sa amin.
06:12Sa ilalim ng SCP, nasa 60% ang total payout ang mapupunta sa driver,
06:17habang 40% ang mapupunta naman sa operator.
06:20Dahil wala pang natatanggap na pera si Jojo,
06:23pinakikiusapan niya na lang daw ang kanyang operator na hindi muna siya magbibigay ng boundary
06:26at ibawas na lang kapag dumating na ang kanilang payout.
06:29Napakiusap ko lang po, sana may bigay na yung bahayad sa amin sa contracting para makinabang din naman kami.
06:36Sa pagtatapos ng SCP, sinabi ng LTFRB na magtutuloy-tuloy naman ang 10 pesos na fuel subsidy para sa mga
06:43PUV.
06:43Aabot daw sa mahigit 141,000 na Jeep at UV Express ang aprobado na at nasa ilalim ng fuel discount
06:49subsidy program.
06:51Pabor naman dito ang karamihan sa mga trooper dahil mas maraming kapwa trooper daw
06:54ang makikinabang sa programa kumpara sa service contracting program.
06:58Doon na lang ako sa fuel, kung nauna, yung karamihan na nakikinabang diyan, operator eh.
07:04Kailangan pang hatian yung operator eh.
07:07Yung 6040, dapat sana sa driver yun eh, hindi sa operator eh.
07:13Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
07:19Nakikipagugnayan ang Department of Social Welfare and Development sa Department of Agriculture
07:22para mahanap ang pamilya ng lalaking nasawi sa Quezon City nitong Merkulis.
07:27Siya ang senior citizen na nasalpok ng pickup habang naghihintay sa labas ng Bureau of Animal Industry
07:32para bumili sana ng 20 pesos kada kilong bigas.
07:36Nasa ilalim ng DA ang BAI.
07:39Naun na lang nagpaabot ng pakikiramay at nagpadala ng tulong si Agriculture Secretary Francisco T. Laurel Jr.
07:45sa pamilya ng biktima.
07:47Kasunod ng insidente, pinapapasok na sa covered court ng BAI
07:51ang mga bibili ng 20 pesos kada kilong bigas
07:53sa halip na paghintayin sila sa labas ng tanggapan.
07:57Sasaguti naman ng DSWD ang pagpapalibing sa isang babaeng inatake sa puso
08:01habang pumipila para sa ayuda sa Quezon City.
08:05Naunan na nagpaabot ng pakikiramay ang QCLGU
08:08at sinabing ipapasok nila sa scholarship program
08:11ang naulilang anak ng babae.
08:19Patay sa pananaksak at pamamaril
08:21ang isang delivery rider sa Bulacan o Bukawin.
08:29Dinig sa CCTV ang pag-iyak ng 40-anyos na lalaking biktima.
08:33Base sa embesikasyon, magdedeliver noon sa lugar ang biktima
08:37ng mapagtripandaw ng magkapatid na lasing umano.
08:41Isa raw sa mga suspect ang nanaksak sa biktima
08:43habang isa naman ang bumaril.
08:46Nakatakas ang magkapatid.
08:48Naaresto naman sila kalaunan.
08:50Hindi nagsalita ang dalawa ng kunan ng pahayag.
08:54Mahigit 20,000 pisong halaga ng betting machine
08:58ang tinangay ng dalawang lalaking nanloob sa isang loto outlet sa Novaliches, Quezon City.
09:03Inamin ang isa sa mga naarestong suspect ang krimen.
09:06Ang paliwanag ng isa pang suspect sa balitang hatid ni James Agustin.
09:13Nakuna sa CCTV ang isang lalaki na naglalakad sa bahaging ito ng barangay Bagbag,
09:18Novaliches, Quezon City.
09:19Ang lalaki nagsilbing lookout umano
09:21habang nanloob ang kanyang kasama sa isang loto outlet sa lugar.
09:25Ayon sa pulisya, kinaumagahan na nadiskubre ng empleyado ang pagnanakaw.
09:30Pagpasok niya sa kanyang trabaho sa loto outlet
09:34at doon nakita niya na possibly nasira na yung padlock po.
09:40At pagpasok niya sa loob, nadiskubre niya na wala na yung loto betting machine.
09:47Na-aresto kahapon ng 33 anyo sa lalaki itinuturong lookout
09:51sa ikanasang follow-up operation ng mga operatiba na Novaliches Police Station.
09:56Sa iwalay na operasyon, nahuli rin ang 25 anyo sa lalaki na siya nagnakaw sa loto outlet.
10:02Nabawi sa kanilang loto betting machine na nagkakalaga ng 24,000 pesos pero sira na ito.
10:08Nagkandak po tayo ng backtracking, forward tracking po.
10:12So, yun nga po yung sa ocular inspection at nagtanong-tanong din po tayo sa nearby mga witnesses,
10:20possible witnesses para ma-identify po natin yung mga suspects po natin.
10:26Pang-anim na beses nang na-aresto ng 33 anyo sa sospek na dati na rin nakasuhon
10:31dahil sa pagnanakaw at iligal na pagsusugat.
10:35Ang 25 anyo sa sospek na dating nakulong dahil sa iligal na droga, aminado sa pagnanakaw.
10:53Patuloy na hinahanap ng pulisya ang isa pang sospek na nagsilbiring lookout umano.
10:58Sasampahan ng mga sospek na reklamong robbery.
11:01James Agusti, nagbabalita para sa GMA News.
11:17Nagsagawa ng MAC trial ang House Prosecution Panel bilang bahagi ng kanilang paghahanda
11:21sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
11:25Kasama rao ng labing isang House Prosecutors ang ilang pribadong abugado.
11:29Dito, pinaghandaan na rin nila ang mga tanong na posibleng matalakay sa mismong paglilitis.
11:35Ayon kay Lead Public Prosecutor Representative Jervie Luistro,
11:38uunahin nilang iharap ang akosasyong pinakamadaling patunayan.
11:45Basta, ang importante, ang gusto namin yung first salvo, establish agad.
11:51On whichever ground, we have high confidence naman po that talagang makukombinsi po natin
11:56yung mga Sen. Judges to convict the Vice President.
12:02I-binaaresto na ng Department of Justice si Sen. Ronald Bato de la Rosa
12:07matapos ibasura ng Korte Suprema ang hiling niyang temporary restraining order
12:12laban sa warrant of arrest ng International Criminal Court.
12:15Kunisyo naman ng mga abugado ni de la Rosa ang utos ng DOJ.
12:20Balitang hatiid ni Darlene Kai.
12:48May hawak na raw silang impormasyon sa kinaroroonan ni Sen. Ronald Bato.
12:53Definitely there are leads. As to the exact leads, I cannot discuss them.
12:57First, I'm not privy to those leads.
13:00They are available to our law enforcement agencies and to their units
13:05and let them do their work.
13:08Hopefully, we do it as fast as we can.
13:11Wanted si de la Rosa ng International Criminal Court
13:13bilang isa sa mga co-perpetrators sa kasong crime against humanity of murder
13:16kaugnay ng madugong war on drugs ng Duterte administration.
13:20Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia, nakahanda silang ipatupad ang utos ng DOJ.
13:26Sa isang text message sa GMA News, sinabi niyang 225,000 na puwersa ng Philippine National Police
13:32ang pakikilusin para rito.
13:34Inalerto na rin ni PNP Chief Police General Jose Melencio Notades Jr.
13:38ang mga tauhan ng PNP Maritime Group at Aviation Security Group
13:42laban sa posibilidad ng paglabas ng bansa ni De La Rosa.
13:45Ayon sa ulat ng GMA News Online,
13:48particular na pinababantayan ang tinatawag na Southern Back Door
13:51o yung dulong katimugang bahagi ng Pilipinas.
13:54Ang PNP Criminal Investigation and Detection Group,
13:56hinihintay na lang daw ang ghost signal ni Nartates para ipatupad ang arrest warrant.
14:00Pag there is an order already and the CPNP has directed us,
14:06gagamitin namin ang buong unit po ng CIDG for every region and every province.
14:12Wala naman po tayong pinipili, big or small, lahat po yun ay ini-implement namin, at all costs.
14:18Nakikipagugnayan na rin daw sila sa iba pang law enforcement agencies.
14:21Susunod din daw sa utos ng DOJ ang NBI.
14:24Ayon kay NBI Director Melvin Matibag,
14:27isasagawa nilang pag-aresto ng naaayon sa mga alituntunin.
14:31Ang mga bugado ni De La Rosa,
14:33kuinestyo ng pagpapa-aresto ng DOJ sa Senador.
14:36What law are you invoking?
14:38In the spirit of fair play and due process and even humanitarianism,
14:45hindi po nila pwedeng i-effect ang isang inactionable na warrant
14:54through misrepresentations.
14:55We have to respect our constitution,
14:58we have to respect customary international law,
15:01and we have to respect treaty law in this regard.
15:04Malinaw daw na target talaga ng gobyernong makuha si De La Rosa.
15:08By the sheer act of the President's arm,
15:14by hook or by crook, gusto nilang kunin si Bato.
15:18And this simply looks like a Duterte 2.0 move, no?
15:25It is my personal and earnest opinion that this is political no matter how they frame it.
15:35Gagawin daw nila ang lahat ng legal remedy para sa kanilang kliyente.
15:39Kasabay nito ang pag-iit nila na hindi tinatakbuhan ni De La Rosa ang mga pananagutan kung meron man,
15:45basta na ayon sa konstitusyon.
15:47Proper cases can be filed in our country because we have a healthy prosecutorial system,
15:52we have a healthy judiciary.
15:54Ngayong itinuturing na ng pamahalaan na pugante si Sen. Bato De La Rosa
15:58ay nagbabala ang Justice Department sa mga tutulong na makapagtago o makatakas siya.
16:04Nangihingi rin sila ng kooperasyon sa mga ma-informasyon kung nasaan ngayon si De La Rosa.
16:08Ang sa akin din pong pakiusap,
16:10those who might be aiding or abetting
16:12or helping Sen. Bato evade the law,
16:20there are consequences.
16:22Alam natin na sa panuntunan ng rule of law may pananagutan.
16:26Kung nagtago, hindi lamang po sa mata ng batas ng Pilipinas,
16:32pati rin po sa batas ng ICC.
16:35Nakaalerto pa rin daw ang Bureau of Immigration sakaling magtangkang lumabas ng bansa si De La Rosa.
16:40Pero sa ngayon, wala pa raw nakitang record ng Bureau of Immigration na umalis na siya sa Pilipinas.
16:45As far as I know, there is an application for an interpolate notice.
16:49Of course, I mean, that is a remedy available to us.
16:53Para sa mga kaanak ng mga biktima,
16:55ayon sa kanilang abugado,
16:56ang pagbasura ng Korte Suprema sa hiling na TRO ni De La Rosa
17:00ay nangangahulugan na wala ng legal na hadlang para ipatupad ang arrest warrant.
17:04Hindi po dapat naiiba si Sen. Bato.
17:07Kahit po siya po ay isang sitting senador,
17:10wala pong pagkakaiba kasi ang mga senador natin,
17:13hindi naman po sila nakakataas sa batas.
17:15Kung paano po ito pinatupad ng executive
17:17sa kay former President Rodrigo Duterte,
17:21ay sana patas din po ang pagpapatupad sa kay Sen. Bato De La Rosa.
17:26Ayon nangin po ito sa ating batas sa RA 985-1.
17:30Sakaling maareso si De La Rosa,
17:32maaari na ba siyang ipadala sa dahig?
17:34Tingin ang 1987 Constitution Framerate,
17:37retired Supreme Court Associate Justice.
17:39Palinay ko pwede siyang arrestuhin dahil wala ng arresting order.
17:45Pero whether or not ipadala na kaagad,
17:50depende sa interpretasyon ng batas.
17:53At ito ay pending sa Supreme Court.
17:56Sabi naman ang DOJ,
17:57These are operational matters that I cannot discuss
18:01so that we don't defeat the purpose of the arrest,
18:05which is the ultimate objective is to bring him to the ICC.
18:10Noong May 11, sa visa ng arrest warrant mula sa ICC,
18:13ay tinangka ng NBI na arestuhin si De La Rosa
18:16na muli siyang pumasok sa Senado.
18:18Hanggang sa magkaroon ng kaguluan sa Senado noong May 13
18:21at muling naglaho si De La Rosa madaling araw kinabukasan.
18:25Kasama niyang umalis noon si Sen. Robin Padilla.
18:28Iniimbestigahan na ng DOJ kung may pananagutan si Padilla.
18:32Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA News.
18:36Sa isang pahayag, itinanggi ni Sen. Robin Padilla
18:40na itinakas niya si Sen. Bato De La Rosa.
18:43Anya, papaano sila tatakas kung wala namang humarang sa kanila
18:46nang lumabas sila sa Senado noong May 14
18:49kahit marami daw pulis noon.
18:51Ibinabaraw nila noon si De La Rosa sa Makati City
18:55kung saan sinundo siya sa sasakyan.
18:58Sabi pa ni Padilla, hindi niya maituturin na pugante si De La Rosa
19:02lalo kung dahil lang anya ito sa impluensya ng ibang bansa.
19:12Happy Friday, mga mari at pare!
19:14Patindi na ng patindi ang kolabanan
19:17sa nalalapit na finale ng Kapuso Dance Reality Show
19:20na Stars on the Floor Season 2.
19:24Bago yan, makakasama muna sa dance floor
19:27ng celebrity and peep-pop dance duos
19:29ang dance stars mula sa Season 1.
19:31Starting with Shanti Videla and Alamadjao na makakatrio
19:35si J.M. Irevere.
19:37Si Kakay Almeda, magpe-perform kasama
19:40si Napol Salas at Calista Denise.
19:44Makaka-collab naman ni na Jasmine Curtis-Smith
19:47at first one Joker si Zeus Collins.
19:51Ready na rin magpasiklab sa dance floor
19:54ang team ni na Rocco Nasino at Sofia
19:56ng Kaya with Joshua De Sena.
19:58Si Vision Patrick naman ang kasama ni na Sugar Mercado
20:02at Jeremy ng Horizon.
20:05Ang kanilang powerful performances
20:07mapapanood na this coming Sunday
20:097.15pm sa GMA.
20:18Patayang isang construction worker
20:20matapos tamaan ng kabli ng steel crane
20:22sa ginagawang tulay sa Abra de Ilog, Occidental, Mindoro.
20:26Sa kuha ng cellphone video,
20:28makikita ang nasa ibaba ng boom
20:29ng steel crane ang biktima
20:30habang inaalalayan ang operator nito.
20:32Maya-maya,
20:33nagkaaberi ang crane
20:34at tinamaan ang kabli ang ulo ng biktima.
20:37Dead on the spot ang lalaki
20:39na walang suot na protective gear
20:41at helmet noon.
20:43Agad dinakip ng pulisya
20:44ang crane operator
20:45na maaharap sa reklamong
20:46reckless imprudence resulting in homicide.
20:49Wala pa siyang pahayag
20:50pati ang mga kaanak
20:51ng nasawing construction worker.
20:53Naglabas naman ang cease and desist order
20:55ang Department of Public Works and Highways
20:57sa lifting operations
20:58ng kontraktor ng proyekto.
21:01Inatasan ni DPWH Secretary Vince Dizon
21:03ang Mimaropa Regional Office
21:04na imbestigahan ang insidente.
21:07Pinagsusumite rin nila
21:08ng mga kaukulang dokumento
21:10at maintenance logs
21:11ang kontraktor ng proyekto
21:12bilang bahagi ng equipment audit.
21:15Maaring maharap ang kumpanya
21:16sa kaukulang reklamo
21:17kung mapatunayang lumabag
21:19sa Occupational Safety and Health Standards.
21:24Huli kamang pagpasok
21:26ng lalaki naka-helmet
21:27sa paupahan na yan
21:28sa Barangay Santo Domingo
21:29sa Angeles, Pampanga.
21:31Sa isa pangkuhan ng CCTV
21:33kita ang pagpasok niya
21:34sa isang bahay
21:35matapos sirain
21:37ang kandado ng pintuan
21:38gamit ang screwdriver.
21:40Pinutol lang salarin
21:41ang CCTV ng bahay
21:42kaya hindi na nakunan
21:43ang aktual na pagnanakaw.
21:45Ayon sa may-ari ng bahay
21:47nalaman na lang daw nila
21:48ang krimen
21:49nang umuwi sila
21:50kinahaponan.
21:51Natangay ng salarin
21:52ang mga lahas,
21:53reloh,
21:54laptop at airsoft gun.
21:56Naypa-blatter na sa barangay
21:58at nireport na rin
21:59sa pulis siya
21:59ang krimen.
22:00Patuloy ang investigasyon.
22:05Sumiklab ang sunog
22:06sa isang residential area
22:07sa San Mateo Rizal
22:08kaninang madaling araw.
22:10Nasa walong pamilya
22:11ang apektado.
22:12Ang mainit na balita
22:14hatid ni James Agustin.
22:18Binulabog ng malaking sunog
22:20ang mga residente
22:20ng Golden Creek
22:21sa barangay Ampit Uno
22:22San Mateo Rizal
22:23mag-aalas 4
22:24ng umaga kanina.
22:25Mabilis na kumalatang apoy
22:27sa magkakadikit na bahay
22:28na gawa sa light materials.
22:30Itinasang Bureau of Fire Protection
22:31sa unang alarma
22:32ang sunog.
22:33Nasa labing isang
22:33firetruck ang rumisponde.
22:35Ang iba galing pa
22:36sa mga kalapit bayan.
22:37Nagsilika sa mga residenteng
22:39naapektuhan
22:39sa C6 Bypass Road.
22:41Si Mary Roxanne
22:42iilang gamit
22:43ang naisalba.
22:44Laking pasasalamat niya
22:45naligtas silang buong mag-anak
22:46at kanyang nanay
22:47na senior citizen.
22:49Kinatok lang po kami
22:50ng mga kapit bayan namin
22:51kasi malakas na daw po
22:52yung apoy.
22:53Pus yun po,
22:53paglabas nga namin
22:54ano na,
22:55malaki na,
22:56sunog na.
22:57Tatakbuhan na yung mga tao.
22:59Laman naman ang backpack
23:00na dala ni Zaireen
23:01ang iilang damit
23:01ng kanyang apat na taong
23:03gulang na anak.
23:04Tulog pa raw sila
23:05na mangyari ang sunog.
23:06Taranta na po kami lahat.
23:08Wala na.
23:09Wala na kami nasalba.
23:11Ginising na lang namin
23:12mga kapit bahay.
23:13Ayon sa BFP,
23:15nasa walong bahay
23:15ang natupo.
23:16Apektadong walong pamilya,
23:18katumbas ng 38 individual.
23:20Iniimisigan pa ng BFP
23:22kung saan ang bahay
23:22nagsimula ang apoy
23:23at ang posibleng sanhi nito.
23:25Sa operation side po,
23:27siyempre po,
23:27nasa gitna po yung
23:29kung saan nag-start
23:30yung sunog.
23:32So,
23:33yung pagpasok po,
23:34paglatag po ng host natin,
23:35pagpwesto ng fire truck.
23:37Pero fortunately,
23:38nag-open naman po
23:39yung private subdivision
23:40sa kabilang side.
23:41Hindi pa po tayo
23:42makapagbigay ng information
23:43with regards
23:44sa cost at origin
23:46ng fire
23:46kasi ongoing investigation
23:48pa po tayo, sir.
23:50Napulang sunog
23:50bandang alas 5.19
23:52ng umaga.
23:53Inaalam pa
23:53ang halaga ng pinsala.
23:55James Agusti,
23:56nagbabalita
23:56para sa GMA News.
24:03Huli kamang pagtangay
24:04ng isang lalaki
24:05sa cellphone
24:05ng isang customer
24:06ng computer shop
24:07sa Bacolod City.
24:08Sa kuhan ng CCTV,
24:10kita ang biktima
24:11na tulog
24:11habang nasa harap
24:12ng computer.
24:13Sa isa pang anggulo,
24:15kita na ang pagdating
24:16at pagluhod
24:16ng lalaking nakapulang
24:18t-shirt.
24:19Dahan-dahan niyang
24:19inabot ang cellphone
24:20ng biktima
24:21sa maliit na siwang.
24:23Dali-daling umalis
24:23ang suspect
24:24matapos ang krimen.
24:26Ayon sa nagbabantay
24:27ng computer shop,
24:28customer rin nila
24:29ang nagnakaw
24:30ng cellphone.
24:31Hindi raw nila
24:32natutukan ang CCTV
24:33dahil sa dami
24:34ng customer.
24:35Nai-report na sa pulis
24:36siya ang insidente
24:36at pinaghanap
24:38ng suspect
24:38sa pagnanakaw.
24:40Walang pahayag
24:41ang biktima.
24:49Pinasasagot
24:49ng Office
24:50of the Ombudsman
24:51si Sen. Francis
24:52Cheese Escudero
24:53sa mga aligasyon
24:54sa kanya
24:55kaugnay po yan
24:56sa flood control
24:57scandal.
24:58Ayon kay Assistant
24:58Ombudsman
24:59Mico Clavano,
25:00gumugulo ngayon
25:01ang preliminary
25:02investigation
25:03ng Ombudsman
25:04kay Escudero.
25:05Hinihintay pa raw
25:05nila ang counter
25:06affidavit
25:07ng dating
25:07Senate President.
25:09Sinusubukan pa rin
25:10namin siyang kunan
25:11ng pahayag.
25:12Ayon kay dating
25:12DPWH
25:13Undersecretary
25:14Roberto Bernardo,
25:15kabilang si Escudero
25:16sa mga nakatanggap
25:17umano ng kickback
25:18sa mga flood control
25:20project.
25:20Nagbigay raw siya
25:21ng 160 million pesos
25:23noong first quarter
25:24ng 2025
25:25kay Escudero.
25:27Sa pamamagitan
25:28ng kaibigan
25:28ng Senador
25:29na si Maynard Mu,
25:31itinanggi na ito
25:31dati ni Escudero.
25:39Sa mga susunod na linggo,
25:40magtatakta na rin
25:41ang suggested retail price
25:42sa presyo ng local rice.
25:44Kanina,
25:45nag-ikot ang mga
25:45taga Department of Agriculture
25:47sa Mega Q Mart
25:47para i-check
25:48kung nasusunod ang presyo
25:50ng imported rice.
25:51May ulat on the spot
25:52si Bernadette Reyes.
25:54Bernadette?
25:58Bakit nakatanggap daw
26:00ng informasyon
26:01ng Department of Agriculture
26:02kahapon
26:03na lumalag pa
26:04sa itinap ng price cap
26:05ang presyo
26:06ng imported rice
26:07sa ilang mga pwesto
26:08dito sa Mega Q Mart
26:10sa Castle City kahapon
26:11pero ngayong araw
26:12sa ginawang inspeksyon
26:13ng DA
26:14ay nakakasunod na
26:16ang lahat
26:16ng mga retailers.
26:20100% na
26:22na-compliant
26:22ang mga retailers
26:23ng Bigas
26:24dito sa Mega Q Mart
26:25sa Castle City
26:26sa 50 pesos
26:27na price cap
26:28sa imported rice.
26:29Pero noong mga
26:30nakalipas na araw
26:31ay lagpas raw ito
26:32sa takdang presyo.
26:34Nauunawaan naman daw
26:35ng DA
26:35na maaaring
26:36nabili pa ito
26:37sa mataas na presyo
26:38kaya maaaring
26:39hindi muna nila
26:40ito ibenta
26:41o isoli
26:42sa binilihan nilang
26:43trader.
26:44Sa susunod na linggo
26:45raw kasi
26:45mag-i-issue na
26:46ang mga otoridad
26:47ng notice of violation
26:48sa mga hindi pa rin
26:50makakasunod.
26:51Sa mga susunod na linggo
26:52ay magtatakda
26:53naman ang suggested
26:54retail price
26:55sa presyo
26:55ng local rice
26:56sa halagang
26:5753 pesos
26:58kada kilo.
26:59Sa ngayon
27:00ay umaabot pa
27:01ng 58 pesos
27:02ang kada kilo
27:03ng local
27:03well-milled rice.
27:05Rafi,
27:05bukod sa Bigas
27:06ay pinag-aaralan din
27:08ng Department of Agriculture
27:09ang pagtatakda
27:10naman ang maximum
27:11suggested retail price
27:12sa presyo
27:13ng game po.
27:14Rafi?
27:14Maraming salamat
27:16Bernadette Reyes.
27:18The International
27:19Criminal Court
27:20is now in session.
27:22Rodrigo
27:23Roa
27:24Duterte.
27:32Ibinasura
27:32na International
27:33Criminal Court
27:34Pre-Trial Chamber 1
27:35ang hiling ng kampo
27:36ni dating
27:37Pangulong
27:38Rodrigo Duterte
27:39na iapila
27:39ang confirmation
27:40of charges
27:41para sa kaso
27:42niyang crimes
27:42against humanity.
27:43Unang ipinunto
27:44ng defense team
27:45masyado anilang
27:46flexible
27:47at malawak
27:48ang saklaw
27:48ng mga asunto
27:49laban sa dating
27:50Pangulo.
27:51At ikalawa,
27:52biguraw
27:52ang Pre-Trial Chamber 1
27:53na iugnay
27:55sa mga partikular
27:55na pangyayari
27:56ang mga ebidensya
27:57sa kaso.
27:58Sagot ng Pre-Trial Chamber 1
28:00sa tatlong asunto
28:01laban sa dating
28:01Pangulo,
28:02malinaw namang
28:03nakasaad
28:03kung ano-ano
28:04ang krimen,
28:05sino ang mga
28:06biktima,
28:07kung saan
28:08at kailan nangyari
28:09ang mga ito.
28:10Hindi rin daw
28:10kailangang
28:11isa-isahin
28:12sa Pre-Trial Stage
28:13ang mga insidente
28:14yung inilatag
28:15sa kaso
28:16dahil gagawin
28:17anila yan
28:17sa trial proper.
28:19Mas pinaigting
28:20naman
28:20ang pagbabantay
28:21sa dating
28:22Pangulo
28:22na nakakulong
28:23sa ICC
28:24Detention Center.
28:25Ayon sa ICC
28:26Registry,
28:27payo ito
28:28ng medical officer
28:28ng Detention Center
28:29dahil may fall risk
28:31o malaki
28:32ang panganib
28:32na matumba
28:33si Duterte.
28:34May edad na raw
28:35kasi,
28:36may karamdaman pa.
28:3781 years old
28:38po ang dating
28:39Pangulo.
28:40Base sa ICC Registry,
28:42dati nang nawala
28:42ng balanse
28:43si Duterte
28:44na agad daw
28:45tinulungan
28:45at sinuri
28:46ang kalagayan.
28:47Inayos din
28:48ang mga gamit
28:49sa loob ng Selda
28:50para makagalaw
28:51ng mas maayos
28:52ang dating Pangulo.
28:54Wala naman daw
28:55na italang
28:55kaparehong insidente
28:56sa nakalipas
28:57na 30 araw.
29:05Ilang pinay-athletes
29:06ang nag-uwi ng karangalan
29:07mula sa ilang
29:08international competition.
29:10Sa China,
29:11panalo ng apat
29:12nagintong medalya
29:12si Lyra Shane Silvano
29:14sa Asian Subjuniors
29:15and Juniors Classic
29:17and Equipped
29:17Powerlifting Championships
29:19and University Cup.
29:21Mula yan sa kategoryang
29:22Women's Subjunior
29:24Under 47 Kilograms
29:25Equipped.
29:26Nakakuha rin
29:27ng isang ginto
29:27at 3 silver medals
29:28si Key General
29:29sa under 43 kilograms.
29:32Second place finish
29:33naman sa
29:342026 Asia Aquathlon Cup
29:35sa Vietnam
29:36ang pinay-athlete
29:37na si Mikel Hobson.
29:39Nag-uwi siya ng silver
29:40mula sa Women's Aquathlon.
29:43Pampitong pwesto naman
29:44sa kaparehas na event
29:45ang kapwa-Pinay
29:46na si Sam Corpus.
29:48Congratulations sa inyo!
29:52Mula sa paghawak
29:53ng mga baril
29:54at pagsabak sa gera,
29:55edukasyon na ngayon
29:56ang armas
29:57ng nasa 80 dating
29:58membro ng Abu Sayyaf Group.
30:00Tunghayan ang kwento
30:01ng kanilang pagbabagong buhay
30:02sa balitang hatid
30:03ni JP Soriano.
30:05Exclusive!
30:10Kuha ito
30:11ng isa sa mga
30:12pinakahuling inkwentro
30:13sa pagitan ng Abu Sayyaf.
30:16Tulad ng mga balap armas
30:18na umalingaungaw
30:19para masupil sila
30:20parang bangungot
30:21sa pandinig
30:22pag nasambit
30:23ang grupong
30:24Abu Sayyaf.
30:28Ginawa nilang impyerno
30:30ang mga paraisong
30:31tulad ng Dos Palmas Palawan
30:32noong 2001
30:33at
30:35nagmusik ng takot
30:36hanggang abroad
30:37tulad sa Sipadad, Malaysia.
30:39Mula 1991,
30:40hindi na mabilang
30:41ang buhay na nabuwis
30:42dahil sa grupo.
30:44Kabilang
30:44ang ilang pinugutan.
30:47Pero sa Sulu
30:48kung saan sila
30:49minsan nagbase,
30:50may tila
30:51pumalit
30:52sa dati nilang ingay.
30:55Sa isang lugar doon
30:56na aking binisita,
30:57may ilang
30:58sinasanay.
30:59Hindi para
31:00humawak ng armas,
31:01kundi
31:02para mag-aral.
31:04Walumpu sa kanila
31:05ay mga dating
31:06membro
31:06ng Abu Sayyaf
31:07na nagbalik
31:08loob
31:09sa gobyerno.
31:10Kasama ilan nilang
31:11kaanak,
31:12naka-enroll sila
31:13sa ClickMobile Education
31:14o ClickMe
31:15na pinapatakbo
31:17ng isang NGO
31:18ka-isa
31:18ang 11th Infantry Division
31:20ng Western Mindanao Command
31:22o West Mincum
31:23ng Sandatahang Lakas.
31:25Dito ko nakilala
31:26si Randy,
31:27hindi niya tunay na pangalan,
31:28na nag-aara
31:29ng ilang basics
31:30sa mga software
31:31o apps.
31:32Nalaman ko na
31:34mayroong
31:35pera doon
31:36na may magbibigay
31:37na pera,
31:38ganun.
31:38Kaya sumali
31:39sa East Group.
31:42Sa kalaman ko
31:43doon lang
31:44ako magkakanap
31:44ng pera
31:45sa panggastos ko
31:47sa pamilya,
31:49kaya ako pumasok doon.
31:51Labing tatlong taon lang
31:52si Randy
31:53nang matutong
31:53humawak ng armas
31:55pero isang araw
31:56nasugatan siya
31:57sa enkwentro nila
31:58at ng militar
31:59at iniwan
32:00ng lider
32:01ng kanilang pangkat.
32:02Kasi nakakatakot
32:03yung buhay na sa loob,
32:05minsan gera,
32:07kung may mamata,
32:08hindi na mapupulot
32:09yung iba.
32:10Kaklase niya ngayon
32:11si Lito,
32:12di rin niya
32:12tunay na pangalan
32:13na minsan
32:14nakasama
32:14ang ilang
32:15high-value
32:16individual
32:16gaya ni na
32:17Abu Sayyaf
32:18leaders
32:18Estelon
32:19Hapilon
32:19at Omar
32:20Patek.
32:21Naging bahagi siya
32:22ng ilang pangingidna
32:23pero kumalas
32:24sa grupo
32:25noong 2018
32:25ng magkasariling
32:27pamilya.
32:28Yung pinaglalaban,
32:29parang personal
32:30interest
32:31o pinagyayaman
32:32na yung
32:32kung ano man
32:33yung nakukuha nila.
32:34Extortion,
32:35yun ang nangyayari
32:36kaya naisip ko
32:36na sa
32:37magbagong buhay na ako.
32:39Ang kahirapan
32:40ni Lito at Randi
32:41ang sinamantala
32:42noon
32:43ng Abu Sayyaf
32:44para mahikayat
32:45silang lumahok
32:46sa grupo
32:46at gumawa
32:47ng mga krimen
32:48at karahasan.
32:49Gera ang sumira
32:50sa lugar na ito.
32:51Peace and order
32:52ang aming naging problema.
32:54Insurgency,
32:55terrorism,
32:56etc.
32:57kidnapping.
32:57Kaya pagsugpo
32:58sa kahirapan
32:59sa pamamagitan
33:00ng edukasyon
33:01ang ginagamit
33:02ngayong armas
33:02para tuluyang
33:03maglaho
33:04ang multo
33:05ng terorismo
33:06sa probinsya.
33:07Dahil siyam na buwan
33:08ang pag-aaral
33:09sa ClickMe program
33:10at di makakapaghanap
33:12buhay ang mga kalahok,
33:14aalalayan sila
33:14ng tulong pinansyal
33:16ng DSWD.
33:17Hindi man natin
33:18mapalitan yung income nila
33:19pero the important part
33:20is may naiaabot tayo
33:21na tulong
33:22para to keep them
33:25encouraged
33:25to continue the program.
33:27Batid daw ng DSWD
33:28at mga kapartner nilang NGO
33:30na wala pa namang katiyakang
33:31matutuldukan na
33:32ang pagsalin ng ilang
33:33tagusulu
33:33sa mga teroristang grupo
33:34pero ang tiyak daw
33:36isang malinaw na hakbang
33:37ang akses sa edukasyon
33:38at ang pangakong
33:39pang matagalang tulong
33:40para maibsa ng kahirapan
33:41para makamit
33:42ang tunay na kapayapaan
33:44sa probinsya.
33:45ClickMe
33:46ang simula
33:47pero plano yung
33:48dugtungan ng
33:49alternative learning system
33:50ng DepEd
33:51para magkaroon sila
33:52ng katumbas
33:53ng elementary
33:53at high school diploma
33:55at makapagkolehyo
33:57kung gugustuhin.
33:58Life skills
33:58like computer literacy,
34:00digital literacy,
34:01how to prepare
34:02your resume.
34:03So itong mga
34:04development programs na ito
34:05will help them
34:06become productive
34:06members of our society.
34:08Bagaman 2023 pa
34:10ininiklarang
34:10Abu Sayah Free
34:11ang Sulu.
34:13Nagsisimula pa lang
34:14ang paghilom
34:15sa mga dating
34:15pugad ng Abu Sayah.
34:16Sa halos limanda
34:18ang dating
34:18miyembrong
34:19sumuko
34:19at nagbalik
34:20loob sa gobyerno,
34:22sandaan
34:22at walong po pa lang
34:23ang may clearance
34:24at naipasok
34:25sa Eclipse
34:26integration.
34:27Kailangan wala silang
34:28cases.
34:29So ito yung mga
34:31projects
34:31or programs
34:32na pwede nating
34:33mapa-avail
34:34sa mga ganitong tao
34:35so that they will feel
34:37na hindi sila
34:38outcasted
34:39sa society.
34:40Sa ngayon,
34:41may dalawa pa rin daw
34:42nagre-recruit
34:43para sa iba't ibang
34:44lawless groups
34:45na binabantayan
34:46ng West Minkong.
34:47Imbes na sa kanila
34:48lumahog,
34:49nire-recruit naman sila
34:50ng West Minkong
34:51sa CAFGO
34:51para tumulong
34:53sa pagpapanatili
34:54ng kapayapaan.
34:56Ang pag-asa sa huli,
34:58lahat ng mga taga rito
34:59ay maramdamang
35:00bahagi sila
35:01ng lipunan
35:02at mawala ng dahilan
35:03para lumaban
35:05sa gobyerno
35:05at sa isa't isa.
35:08JP Soriano,
35:10nagbabalita
35:10para sa GMA News.
35:17Reunited in one frame
35:19si na Miguel Tan Felix
35:20at Anton Venzon.
35:23Nagpakilig sa kanilang
35:24bagong TikTok collab
35:25ang dalawa
35:26with matching
35:28cool moves.
35:29Kung dati magkasama sila
35:31bilang Kidlat
35:31at Dagul
35:32sa GMA Prime Series
35:34ng mga Batang Riles.
35:35Ngayon,
35:36may kanya-kanya
35:37ng pagbibidahang serye
35:38ang dalawa.
35:39Si Anton
35:39bilang si Makmak
35:40sa kamao
35:41na mapapanood na
35:42pagkatapos
35:43ng Born to Shine
35:433.20pm
35:44sa GMA Athlon Prime.
35:46At si Miguel naman
35:47na mapapanood
35:49bilang si Galo
35:50sa Task Force Firewall
35:528.55pm
35:54sa GMA Prime
35:55at 10.30pm
35:56naman
35:57sa GTV.
35:58Abangan po
35:59ang mga yan
36:00sa lunes na
36:01May 25.
36:04Mga kapuso,
36:05maraming salamat po
36:06sa patuloy ninyong
36:07pagtitiwala.
36:08Ang GMA News po
36:09ang top digital video
36:11publisher sa Pilipinas
36:12batay sa datos
36:13ng Tubular Labs.
36:15Para po yan
36:16sa kategoryang
36:16news at politics
36:17mula January
36:18hanggang April
36:192026.
36:21Worldwide,
36:22pangatlo ang GMA News
36:23sa top publishers
36:24sa parehong kategorya
36:26para sa buwan
36:26ng Abril.
36:27May combined
36:283.6 billion views
36:30ang GMA News
36:31sa Instagram,
36:32Facebook at YouTube.
36:34Makakaasa po kayo
36:35sa patuloy naming
36:36pagbabalita
36:37na walang kinikilingan,
36:38walang pinoprotektahan.
36:39Noon at ngayon,
36:41serbisyong totoo.
36:45Sa viral video,
36:46makikita
36:47nagmamaneho
36:48at sumingit pa
36:48sa mga bus
36:49ng EDSA Busway
36:50ang senior citizen na yan
36:52na nagmamaneho
36:53ng e-bike.
36:54Ayon sa uploader
36:55ng video,
36:56una niyang mata
36:57ng lalaki
36:57sa underpass sa Cubao
36:58at muling nakita
37:00sa bahagi ng
37:01Pioneer
37:01sa Mandaluyong
37:02nitong Merkoles
37:03ng hapon.
37:04Inagsabihan niya raw
37:05ang senior citizen
37:05na bawal pumasok
37:07sa bus lane
37:07pero hindi raw
37:09nakinig.
37:10Wala rin daw siyang
37:11nakita ang enforcer
37:11noon sa paligid.
37:13Sinusubukan pang puna
37:14ng pahiyag
37:15ang MMDA.
37:16Kasalukoy namang
37:17pinag-aaralan
37:18ng SAIC
37:18o Special Action
37:19and Intelligence
37:20Committee
37:20for Transportation
37:21ang viral video.
37:23Batay sa polisya
37:24ng Transportation Department
37:25ang mga pinapayagan
37:27lang sa EDSA Busway
37:28ay bus,
37:28carousel
37:29at on-duty
37:30na emergency vehicles
37:31gaya ng ambulansya,
37:32truck ng bumbero,
37:33police
37:33at iba pang service vehicles.
37:36Pinapayagan lang din
37:37dumando
37:38ng limang pinakamataas
37:39na opisyal ng bansa
37:40ang Presidente,
37:41Vice Presidente,
37:42Senate President,
37:43House Speaker
37:44at Chief Justice.
37:51Sinibak sa pwesto
37:53ang dalawang polis
37:54na tumulong umano
37:54para makapagpulong
37:56ang kaanak
37:57ng ilang nawawalang
37:58sabongero
37:58kasama ang mga
37:59nakakulong na polis
38:01na sangkot sa kaso.
38:02Aminado ang abogado
38:03ng defense team
38:04na nakipagpulong siya
38:05sa ilan sa mga kaanak
38:07at nagbigay
38:08ng tiga
38:0920,000 pesos
38:10pero wala raw
38:11itong kapalit.
38:13Balitang hatid
38:13ni Marisa Mali.
38:18Ipinarating ng ilang kaanak
38:19ng mga missing sabongero
38:20ang pangambang
38:21ilan sa kanila
38:22ang naaareglo na
38:23ng kampo ni Atong Ang.
38:25Sinibak na sa pwesto
38:26ang dalawang polis
38:27na inereklamang tumulong
38:28at nagfasilitate
38:29ng hindi otorizadong
38:30pagpupulong
38:31sa pagitan ng ilang
38:32mga kaanak
38:33ng mga missing sabongero
38:34at mga nakakulong na polis
38:36na sangkot sa kaso.
38:37Tinukoy ng PNP
38:39ang mga na-relieve
38:39bilang sa na-polis
38:40Lieutenant Nadiem Malang
38:42tagapagsalita
38:43ng Highway Patrol Group
38:44at Police Major
38:45Reynaldo Paniebe Jr.
38:47OIC
38:47ng custodial service unit
38:49na may hawak
38:50sa kustodya
38:50ng mga nakakulong
38:51na polis.
38:52Sa paunang investigasyon
38:54lumalabas
38:54na tumulong
38:55umano si Malang
38:56para makapasok
38:57sa Camp Krame
38:58ang ilang kakilala.
38:59Siya rin daw
39:00ang nakipag-ugnayan
39:01sa custodial facility
39:02para tumulong
39:03sa meeting.
39:04Sa panig naman
39:05ni Paniebe,
39:06bagamat may mga
39:07bumisita nga
39:07sa mga nakakulong
39:08sa custodial facility,
39:09hindi pa naman matukoy
39:11kung unauthorized
39:12nga ba
39:12ang pagbisita nila.
39:13Wala pa po kaming
39:14matibay
39:15na pagkukuna
39:17ng ebidensya
39:18kung nagkaroon talaga
39:20ng pagtanggap
39:22ng mga
39:23unauthorized visitors
39:24doon po
39:25sa ating mga
39:26persons
39:27under police custody.
39:29Hindi po natin
39:29sinasabing
39:30na agad guilty
39:31yun ng dalawang
39:32individual na person
39:32natin.
39:33Ngunit sa matter
39:34of SOP
39:35o proseso po natin.
39:37Inamin na abogado
39:38ni Atong Ang
39:39na si Attorney Caroline Cruz
39:40na nakipag-meeting siya
39:41sa ilang pamilya
39:42ng mga nawawalang
39:43sa Bungero
39:43sa kanyang opisina
39:45noong April 20.
39:46Pero hindi umano siyang
39:47nag-initiate
39:48ng meeting na ito
39:49kundi mismong
39:50ang mga pamilya.
39:51Sabi niya umano
39:52sa kanila,
39:52hinahanap din niya
39:53ang totoo
39:54kaya pumayag saan niya
39:55ay hindi nakaschedule
39:56ng meeting.
39:57Inamin niya
39:58nagbigay siya
39:58ng pera sa mga ito
39:59bilang pinansyal na tulong
40:01ng walang kapalit.
40:0220,000 pesos lamang
40:03umano ito
40:04na tigli limandaang piso
40:06at hindi 40,000 pesos
40:07na tigli isang libong piso
40:09gaya ng sumbong.
40:11Giit ni Cruz,
40:12malinis ang kanyang konsensya
40:13at handa niyang harapin
40:14ang aligasyon
40:15ng mga pamilya
40:16sa tamang forum.
40:18Mariz Umali
40:19nagbabalita
40:20para sa GMA News.
40:27Nagsampan ng mga reklamo
40:28si dating Caloacan City Mayor
40:29Ray Malonzo
40:30sa Office of the Ombudsman
40:31laban kay Caloacan
40:333rd District Representative
40:34Dean Asistio.
40:35Mga reklamong
40:36graph,
40:36malversation
40:37at falsification
40:38of public documents
40:39ang isinampa
40:40ng dating alkalde
40:41laban kay Asistio.
40:42Para yan,
40:43sa 79 million pesos
40:44na halaga
40:44ng kwestyonable
40:45umanong proyekto
40:46sa district
40:46yung Asistio
40:47tulad ng flood control
40:48projects,
40:49road construction
40:50at daycare center.
40:52Sabi ni Malonzo,
40:53nakarekord na kumpleto
40:55ang mga proyekto
40:55kahit na ghost,
40:57overpriced
40:57o hindi o manu
40:58maayos ang pagkakagawa
40:59ng mga ito.
41:00Bukod kay Asistio,
41:02inereklamo rin
41:03ng isang DPWH
41:04district engineer
41:05at anim na kontratista.
41:07Sagot ni Asistio,
41:08pamumuliti ka
41:09ang pagsasampan
41:10ng reklamo ni Malonzo
41:11lalo na may impormasyon daw
41:12siyang tatakbo
41:13si Malonzo
41:14sa susunod na eleksyon.
41:16Giit ng kongresista,
41:17walang ghost projects
41:18sa kanyang distrito.
41:20Sasagutin daw niya
41:21ang reklamo
41:21ng maayos
41:22at naaayon sa batas
41:23kapag natanggap na niya
41:25ang kopya nito.
41:26Sinusubukan pang kunin
41:27ng GMA News
41:28ang payag
41:29ng iba pang inereklamo
41:30ni Malonzo.
41:32Iniutos ni Pangulong
41:34Bongbong Marcos
41:35na dagdagan
41:35ang dami
41:36ng pupwedeng
41:37ang kating karneng baboy
41:38ngayong taon.
41:39Base sa executive order
41:40na niligdaan
41:41ang Pangulo
41:42nitong May 19,
41:43150,000 metric tons
41:45ang madadagdag
41:46sa minimum access value
41:47ng karneng baboy
41:49kada taon
41:49hanggang 2028.
41:51Kaya,
41:52mula 54,210 metric tons
41:55ngayong taon,
41:56iniutos na itaas yan
41:57sa 204,210 metric tons.
42:00Isa sa mga itinukoy
42:02na dahilan sa utos
42:03ang patuloy na pagkalat
42:04ng African Swine Fever
42:06na nagpababa
42:07sa pambansang inventory
42:08ng baboy
42:09na nagresulta
42:10sa kakulangan ng supply
42:11at patuloy na pagtaas
42:13ng presyo nito.
42:14Utos pa ng Pangulo,
42:15dapat matiyak na patas
42:17ang allocation
42:17ng may import na karneng
42:19para sa mga processor
42:21at Food Terminal Incorporated
42:23o Kadiwa
42:24ng Pangulo Program.
42:25Magiging efektibo
42:26ang kautusan
42:27sa oras na mailathala ito
42:29sa official gazette
42:30o sa pahayagan
42:31na may general circulation.
42:36Nagbabala ang agriculture group
42:37na Philippine Chamber of Agriculture
42:39and Food Incorporated
42:40na posibleng magmahal
42:42ang produksyon ng pagkain
42:43kapag ipinatupad
42:44ang Philippine Nutrient Profile Model
42:46ng Department of Health.
42:47Layunin ang naturang model
42:49na i-classify ang free package
42:50na pagkain batay sa taas
42:52ng sodium, asukal
42:53at fat content nito.
42:55Pusible rin patawan
42:56ng dagdag na buwi
42:57sa mga pagkain lalampas
42:58sa inarecommendang
42:59fat, sugar
43:00at salt content.
43:02Ayon sa Picafi,
43:03magugulang produksyon
43:04ng pagkain sa bansa
43:04dahil halos 98%
43:06daw ng mga ibinibentang pagkain
43:08ay bagsak
43:09sa panukalang nutrient model.
43:11Puna rin ang grupo,
43:12hindi tinitingnan
43:13sa nutrition model
43:15kung sagana sa vitamins
43:16at minerals
43:17ang isang pagkain.
43:19Hindi raw pwede
43:20ang iisang nutrition model lang
43:21sa iba't ibang uri
43:22ng pagkain.
43:23Ayon naman sa
43:24Candidate Sardines Association
43:26of the Philippines,
43:27maaaring tumaas
43:28ng 15 pesos
43:29ang dilatang sardinas
43:30kapag ipinatupad
43:32ang nutrient profile model.
43:34Kabilang kasi sa mga gastos
43:35ay ang mga pagpapalit
43:36ng mga timpla
43:37at label
43:37ng mga produkto.
43:38Hindi raw sila tutol
43:40na gawing mas masustansya
43:41ang mga dilata
43:41pero kailangan daw
43:43muna silang konsultahin.
43:45Git naman ni DOH
43:46spokesperson
43:46Albert Domingo
43:47panahon na
43:48para bigyang prioridad
43:50ang wastong timpla
43:51at sangkap
43:51sa mga pagkain
43:52para maiwasan
43:53ng mga sakit
43:54gaya ng alta presyon
43:55at diabetes.
43:56Wala pang tugon
43:57ng DOH
43:58kong nai sa posibleng
43:59epekto nito
43:59sa ekonomiya.
44:01Update po tayo
44:02sa paghahanap
44:03kay Sen. Bato De La Rosa
44:04sabi ng Philippine National Police
44:06ngayong umaga
44:07ipatutupad nila
44:08ang warrant of arrest
44:09laban sa Senador.
44:11Ayon kay PNP
44:12Chief Jose Milencio
44:12Nartates Jr.,
44:14may mga inatasan
44:15ng unit ng PNP
44:15para sa manhunt operations.
44:18Panawagan niya
44:18kay De La Rosa
44:19sumuko na lang
44:20bilang dating heperi
44:21ng pulisya
44:21na alam naman daw
44:22ang proseso
44:23sa ganito.
44:24Nang sa gayon
44:25ay makatutok pa sila
44:26sa paghahanap
44:27sa iba pang wanted persons
44:28tulad ni Zaldico
44:29at negosyanting
44:30ating si Charlie
44:30Atong Ang.
44:37Matapos,
44:38maisipatan
44:39kasama ang bagong
44:40Sparkle GMA artist
44:41na si Kobe Brown
44:42sa isang concert
44:43last weekend.
44:44Sinagot ni star
44:45of the new gen
44:46Jillian Ward
44:47ang tanong
44:48kung dating na ba sila.
44:53Yeah, nanonood po kami
44:54yung concert
44:54ni Jessica Sanchez.
44:56Was it a date?
44:57Grabe,
44:58it was a date.
45:00Kay talaga,
45:01pag gridakita ka
45:02yung kasama ko,
45:02date agad.
45:03Basta ako po talaga,
45:04I want to enjoy my life.
45:06So,
45:07manonood at manonood ako
45:08ng mga concerts
45:09and,
45:10ayun,
45:11I want to...
45:13Ano?
45:13Biglang you're
45:14at a loss for birth.
45:15Hindi ko alam
45:16sa sabihin ko po.
45:18Speaking of concert,
45:20hindi dapat palang pasin
45:21ang first ever
45:22solo concert ni Jillian
45:24this July.
45:25May big revelation daw
45:27na dapat abangan dyan.
45:29Next month naman
45:30sa sabak bilang judge
45:31sa The Clash Teens
45:32si Jillian.
45:33Prepping na raw siya
45:34para mas maging credible
45:36sa pag-upo
45:37sa The Clash panel.
45:38At ngayong araw naman
45:40mapapanood
45:40ang finale episode
45:41ng GMA Prime series
45:43na Never Say Die.
45:458.50pm po yan
45:46sa GMA Prime
45:47at 10.30pm
45:49naman
45:49sa GTV.
45:50Thankful si Jillian
45:52sa nabuo niyang friendship
45:53sa kanyang co-stars.
45:55Babaonin din daw niya
45:56ang mga natutuhang experiences
45:57sa mga susunod na project.
46:02Maging mas fierce,
46:04maging mas decidido
46:05sa mga gagawin ko po
46:07sa work especially.
46:15Heartwarming na regalo
46:17ang surprise
46:17ng isang netizen
46:18para sa kanyang tatay.
46:19Hatid ang unforgettable memory
46:21with the family.
46:22Si tatay kasi
46:23krinit ng anak
46:25for his first travel abroad.
46:27Wow!
46:28Saan yan?
46:29Di sa Singapore,
46:32ang first out of the country
46:33experience
46:33si tatay Rodolfo.
46:34Ito raw ang way
46:36ng kanyang anak
46:37na si Rex
46:37para mag-give back
46:39sa kanyang magulang.
46:40Enjoy naman
46:41si tatay Rodolfo
46:42na for the posing
46:44sa ilang sikat
46:45na tourist spots doon.
46:46At hoping naman si Rex
46:48na mas marami pa siyang
46:49maibigay
46:50sa kanyang mga magulang
46:51bilang pasasalamat
46:52sa mga sakripisyo nila.
46:54Na-inspire naman
46:55ng netizens
46:56at hoping na
46:56may paranas
46:57ang same experience
46:58sa kanilang family soon.
47:00Ang video na yan
47:01may mahigit
47:028.3 million views
47:03na online.
47:04Tatay Rodolfo,
47:05ikaw ay
47:06trending!
47:10Ayan,
47:11happy weekend po
47:11sa ating lahat.
47:12Kanyan po,
47:13may init na balita
47:13ngayong tanghali.
47:15Ako po si Connie Cesar.
47:16Coffee Pima po.
47:16Kasama nyo rin po ako,
47:18Aubrey Carampe.
47:18Ito po ang GMA News.
47:19Walang kinikiningan,
47:20walang pinoprotektahan.
47:22Noon at ngayon,
47:23serbisyong totoo.
Comments

Recommended