Skip to playerSkip to main content
- 2, arestado sa panloloob sa isang lotto outlet sa Brgy. Bagbag; P24,000 halaga ng betting machine, tinangay

-House Prosecution panel, nagsagawa ng mock trial bilang paghahanda sa impeachment trial

-Pag-aresto kay Sen. Bato Dela Rosa na wanted ng ICC, iniutos na ng DOJ

-Season 1 dance stars ng "Stars on the Floor," makikipag-team up sa Season 2 celebrity at PPop dance duos

-Construction worker, patay matapos tamaan ng kable ng nagkaaberyang steel crane sa Brgy. Udalo; crane operator, arestado

-Mga alahas, laptop, at ilan pang gamit, natangay sa niloobang bahay sa Brgy. Sto. Domingo; suspek, pinaghahanap

-8 pamilya, apektado ng sunog sa Brgy. Ampid 1

-Pagtangay sa cellphone ng isang customer shop, nahuli-cam; suspek, pinaghahanap

-Sen. Escudero, pinasasagot ng Ombudsman sa mga alegasyon kaugnay sa flood control scandal

-DA: Rice retailers sa Mega Q Mart, nakakasunod na sa P50/kilo na SRP sa imported rice


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mahigit 20,000 piso ng halaga ng betting machine
00:03ang tinangay ng dalawang lalaking nanloob sa isang lotto outlet sa Novaliches, Quezon City.
00:09Inamin ang isa sa mga naarest ng suspect ang krimen,
00:12ang paliwanag ng isa pang suspect sa balitang hatid ni James Agustin.
00:19Nakuna sa CCTV ang isang lalaki na naglalakad sa bahaging ito ng barangay Bagbag Novaliches, Quezon City.
00:25Ang lalaki nagsilbing lookout umano habang nanloob ang kanyang kasama sa isang lotto outlet sa lugar.
00:31Ayon sa pulisya, kinaumagahan na nadeskubre ng empleyado ang pagnanakaw.
00:35Pagpasok niya sa kanyang trabaho sa lotto outlet,
00:40at doon nakita niya na forcibly nasira na yung padlock po.
00:45At pagpasok niya sa loob, nadeskubre niya na wala na yung lotto betting machine.
00:53Na-aresto kahapon ng 33 anyo sa lalaki itinuturong lookout
00:57sa ikanasang follow-up operation ng mga operatiba na Novaliches Police Station.
01:01Sa iwalay na operasyon, nahuli rin ang 25 anyo sa lalaki na siya nagnakaw sa lotto outlet.
01:08Nabawi sa kanilang lotto betting machine na nagkakalaga ng 24,000 pesos, pero sira na ito.
01:14Nagkandak po tayo ng backtracking, forward tracking po, yun nga po yung sa ocular inspection.
01:22At nagtanong-tanong din po tayo sa nearby mga witnesses, possible witnesses,
01:27para ma-identify po natin yung mga suspects po natin.
01:32Pang-anim na beses nang na-aresto ng 33 anyo sa sospek,
01:36na dati na rin nakasuhanday sa pagnanakaw at iligal na pagsusugat.
01:40Sa korte na lang po kami sa asultasa.
01:41Ang 25 anyo sa sospek na dating nakulong dahil sa iligal na droga,
01:45aminado sa pagnanakaw.
01:47Yung mga gamit po, yung mga ko po doon sa may loob.
01:55Anong gagawin mo sana doon sa hinakaw mo na yun?
01:57Kasi pinagay ko po sa kanila yun.
01:59Patuloy na hinahanap ng pulisya ang isa pang sospek na nagsilbiring lookout umano.
02:04Sasampahan ng mga sospek na reklamong robbery.
02:07James Agusti, nagbabalita para sa GMA News.
02:23Nagsagawa ng MAC Trial ang House Prosecution Panel bilang bahagi ng kanilang paghahanda
02:27sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
02:31Kasama rao ng labing isang House Prosecutors ang ilang pribadong abogado.
02:35Dito, pinaghanda na rin nila ang mga tanong na posibleng matalakay sa mismong paglilitis.
02:40Ayon kay Lead Public Prosecutor, Representative Jervie Luistro,
02:44uunahin nilang iharap ang akusasyong pinakamadaling patunayan.
02:51Basta, ang importante, ang gusto namin yung first salvo, establish agad.
02:57On whichever ground, we have high confidence naman po that talagang makukumbinsi po natin
03:02yung mga Senado Judges to convict the Vice President.
03:08Ibinaaresto na ng Department of Justice si Sen. Ronald Bato de la Rosa matapos ibasura ng Korte Suprema
03:15ang hiling niyang temporary restraining order laban sa warrant of arrest ng International Criminal Court.
03:21Kunisyo naman ng mga abogado ni de la Rosa ang utos ng DOJ.
03:26Balitang hatid ni Darlene Kay.
03:53May hawak na raw silang impormasyon sa kinaroro
03:56na ni Sen. Ronald Bato de la Rosa.
03:58Definitely there are leads.
04:00As to the exact leads, I cannot discuss them.
04:03First, I'm not privy to those leads.
04:05They are available to our law enforcement agencies and to their units.
04:11And let them do their work.
04:14Hopefully, we do it as fast as we can.
04:16Wanted si de la Rosa ng International Criminal Court
04:18bilang isa sa mga co-perpetrators sa kasong crime against humanity of murder,
04:22kaugnay ng madugong war on drugs ng Duterte administration.
04:26Ayon kay DILG Secretary John Vic Remulia,
04:29nakahanda silang ipatupad ang utos ng DOJ.
04:32Sa isang text message sa GMA News,
04:34sinabi niyang 225,000 na puwersa ng Philippine National Police
04:38ang pakikilusin para rito.
04:40Inalerto na rin ni PNP Chief Police General Jose Melencio Notades Jr.
04:44ang mga tauha ng PNP Maritime Group at Aviation Security Group
04:47laban sa posibilidad ng paglabas ng bansa ni de la Rosa.
04:51Ayon sa ulat ng GMA News Online,
04:53partikular na pinababantayan ang tinatawag na southern backdoor
04:56o yung dulong katimugang bahagi ng Pilipinas.
04:59Ang PNP Criminal Investigation and Detection Group
05:02hinihintay na lang daw ang ghost signal ni Nartates
05:04para ipatupad ang arrest warrant.
05:06Pag there is an order already and the CPNP has directed us,
05:11gagamitin namin ang buong unit po ng CIDG for every region and every province.
05:17Wala naman po tayong pinipili, big or small,
05:20lahat po yun ay ini-implement namin, at all cost.
05:23Nakikipagugnayan na rin daw sila sa iba pang law enforcement agencies.
05:27Susunod din daw sa utos ng DOJ ang NBI.
05:30Ayon kay NBI Director Melvin Matibag,
05:33isasagawa nilang pag-aresto ng naaayon sa mga alituntunin.
05:37Ang mga bugado ni de la Rosa,
05:39kuinestyo ng pagpapa-aresto ng DOJ sa senador.
05:41What law are you invoking in the spirit of fair play and due process and even humanitarianism?
05:50Hindi po nila pwedeng i-effect ang isang inactionable na warrant through misrepresentations.
06:01We have to respect our constitution,
06:04we have to respect customary international law,
06:06and we have to respect treaty law in this regard.
06:09Malinaw daw na target talaga ng gobyernong makuha si de la Rosa.
06:13By the sheer act of the President's arm,
06:19by hook or by crook, gusto nilang kunin si Bato.
06:24And this simply looks like a Duterte 2.0 move.
06:31It is my personal and earnest opinion that this is political, no matter how they frame it.
06:41Gagawin daw nila ang lahat ng legal remedy para sa kanilang kliyente.
06:45Kasabay nito ang pag-iit nila na hindi tinatakbuhan ni de la Rosa ang mga pananagutan kung meron man,
06:50basta na ayon sa konstitusyon.
06:52Proper cases can be filed in our country because we have a healthy prosecutorial system,
06:58we have a healthy judiciary.
07:00Ngayong itinuturing na ng pamahalaan na pugante si Senator Bato de la Rosa
07:04ay nagbabala ang Justice Department sa mga tutulong na makapagtago o makatakas siya.
07:09Nangihingi rin sila ng kooperasyon sa mga ma-informasyon kung nasaan ngayon si de la Rosa.
07:14Ang sa akin din pong pakiusap, those who might be aiding or abetting or helping Senator Bato evade the law,
07:26there are consequences.
07:28Alam natin na sa panuntunan ng rule of law may pananagutan.
07:32Kung nagtago, hindi lamang po sa mata ng batas ng Pilipinas, pati rin po sa batas ng ICC.
07:41Naka-alerto pa rin daw ang Bureau of Immigration sakaling magtangkang lumabas ng bansa si de la Rosa.
07:46Pero sa ngayon, wala pa raw nakitang record ng Bureau of Immigration na umalis na siya sa Pilipinas.
07:51As far as I know, there is an application for an Interpol Red Notice.
07:55Of course, I mean, that is a remedy available to us.
07:58Para sa mga kaanak ng mga biktima, ayon sa kanilang abugado,
08:02ang pagbasura ng Korte Suprema sa hiling na TRO ni de la Rosa
08:05ay nangangahulugan na wala ng legal na hadlang para ipotupad ang arrest warrant.
08:10Hindi po dapat naiiba si Sen. Bato.
08:13Kahit po siya po ay isang sitting senador, wala pong pagkakaiba
08:17kasi ang mga senador natin, hindi naman po sila nakakataas sa batas.
08:20Kung paano po ito pinatupad ng executive sa kay former President Rodrigo Duterte,
08:26ay sana patas din po ang pagpapatupad sa kay Sen. Bato de la Rosa.
08:31Ayon nangin po ito sa ating batas sa RA-985-1.
08:35Sakaling maareso si de la Rosa, maaari na ba siyang ipadala sa dahig?
08:40Tingin ang 1987 Constitution Framework, retired Supreme Court Associate Justice.
08:45Palunay ko pwede siyang arrestuhin dahil wala ng arresting order.
08:51Pero whether or not ipadala na kaagad, depende sa interpretasyon ng batas.
08:59At ito ay pending sa Supreme Court.
09:02Sabi naman ang DOJ,
09:16Noong May 11, sa visa ng arrest warrant mula sa ICC,
09:19ay tinangka ng NBI na arestuhin si de la Rosa na muli siyang pumasok sa Senado.
09:24Hanggang sa magkaroon ng kaguluan sa Senado noong May 13
09:27at muling naglaho si de la Rosa madaling araw kinabukasan.
09:31Kasama niyang umalis noon si Sen. Robin Padilla.
09:34Iniimbisigahan na ng DOJ kung may pananagutan si Padilla.
09:37Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA News.
09:42Sa isang pahayag, itinanggi ni Sen. Robin Padilla na itinakas niya si Sen. Bato de la Rosa.
09:49Anya, papaano sila tatakas kung wala namang humarang sa kanila
09:52nang lumabas sila sa Senado noong May 14 kahit marami daw pulis noon.
09:57Ibinabaraw nila noon si de la Rosa sa Makati City kung saan sinundo siya.
10:03Sabi pa ni Padilla, hindi niya maituturing na pugante si de la Rosa
10:08lalo kung dahil lang anya ito sa impluensya ng ibang bansa.
10:17Happy Friday mga mari at pare, patindi na ng patindi ang kolabanan
10:23na nalalapit na finale ng Kapuso Dance Reality Show na Stars on the Floor Season 2.
10:30Bago yan, makakasama muna sa dance floor ng celebrity and peepop dance duos
10:35ang dance stars mula sa Season 1.
10:37Starting with Shanti Videla and Alamadjao na makakatrio si J.M. Irevere.
10:43Si Kakay Almeda, magpe-perform kasama si Napol Salas at Kalista Denise.
10:50Makaka-collab naman ni na Jasmine Curtis-Smith at First One Joker si Zeus Collins.
10:56Ready na rin magpasiklab sa dance floor ang team ni na Rocco Nasino at Sofia ng Kaya with Joshua De
11:03Sena.
11:04Si Vision Patrick naman ang kasama ni na Sugar Mercado at Jeremy ng Horizon.
11:11Ang kanilang powerful performances mapapanood na this coming Sunday, 7.15pm sa GMA.
11:24Patayang isang construction worker matapos tamaan ng kabli ng steel crane
11:28sa ginagawang tulay sa Abla de Ilog, Occidental, Mindoro.
11:32Sa kuha ng cellphone video, makikita ang nasa ibaba ng boom ng steel crane ang biktima
11:36habang inaalalayan ang operator nito.
11:38Maya-maya, nagkabere ang crane at tinamaan ang kabli ang ulo ng biktima.
11:42Dead on the spot ang lalaki na walang suot na protective gear at helmet noon.
11:48Agad din nakip ng pulisya ang crane operator na maaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.
11:55Wala pa siyang pahayag pati ang mga kaanak ng nasawing construction worker.
11:59Naglabas naman ang cease and desist order ang Department of Public Works and Highways
12:02sa lifting operations ng kontraktor ng proyekto.
12:06Inatasan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang Mimaropa Regional Office na imbistigahan ang insidente.
12:13Pinagsusumite rin nila ng mga kaukulang dokumento at maintenance logs
12:16ang kontraktor ng proyekto bilang bahagi ng equipment audit.
12:21Maaring maharap ang kumpanya sa kaukulang reklamo kung mapatunayang lumabag
12:25sa Occupational Safety and Health Standards.
12:30Huli kamang pagpasok ng lalaki na ka-helmet sa paupahan na yan sa barangay Santo Domingo sa Angeles, Pampanga.
12:37Sa isa pangkuhan ng CCTV, kita ang pagpasok niya sa isang bahay
12:41matapos sirain ang kandado ng pintuan gamit ang screwdriver.
12:45Pinutol lang sa lari ng CCTV ng bahay kaya hindi na nakunan ang aktual na pagnanakaw.
12:51Ayon sa may-ari ng bahay, nalaman na lang daw nila ang krimen nang umuwi sila kinahaponan.
12:57Natangay ng salari ng mga alahas, reloh, laptop at airsoft gun.
13:02Naipablatter na sa barangay at nireport na rin sa pulis siya ang krimen.
13:06Patuloy ang imbestigasyon.
13:10Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa San Mateo Rizal kaninang madaling araw.
13:16Nasa walong pamilya ang apektado.
13:18Ang mainit na balita hatid ni James Agustin.
13:24Binulabog ng malaking sunog ang mga residente ng Golden Creek sa barangay Ampid Uno San Mateo Rizal mag-alas 4
13:30ng umaga kanina.
13:31Mabilis na kumalat ang apoy sa magkakadikit na bahay na gawa sa light materials.
13:35Itinasang Bureau of Fire Protection sa unang alarma ang sunog.
13:38Nasa labing isang fire truck ang rumisponde.
13:41Ang iba galing pa sa mga kalapit bayan.
13:43Nagsilika sa mga residente na apektuhan sa C6 Bypass Road.
13:47Si Mary Roxanne iilang gamit ang naisalba.
13:50Laking pa sa salamat niya na ligtas silang buong mag-anak at kanyang nanay na senior citizen.
13:54Kinatok lang po kami ng mga kapit bayan namin kasi malakas na daw po yung apoy.
13:58Pus yun po, paglabas nga namin, ano na, malaki na, sunog na.
14:02Tatakbuhan na yung mga tao.
14:04Laman naman ang backpack na dala ni Zairee ng iilang damit ng kanyang apat na taong gulang na anak.
14:09Tulog pa rao sila na mangyari ang sunog.
14:12Taranta na po kami lahat.
14:14Wala na, wala na kami nasalba.
14:17Ginising na lang namin mga kapit bahay.
14:19Ayon sa BFP, nasa walong bahay ang natupo.
14:22Apektado ang walong pamilya, katumbas ng 38 individual.
14:26Inimisigan pa ng BFP kung saan ang bahay nagsimula ang apoy at ang posibleng sanhin nito.
14:31Sa operation side po, syempre po, nasa gitna po yung kung saan nag-start yung sunog.
14:37So, yung pagpasok po, pagiglatag po ng host natin, pagpwesto ng fire truck.
14:42Pero fortunately, nag-open naman po yung private subdivision sa kabilang side.
14:47Hindi pa po tayo makapagbigay ng information with regards sa cost at origin ng fire.
14:52Kasi ongoing investigation pa po tayo, sir.
14:55Napulang sunog bandang alas 5.19 ng umaga.
14:58Inaalam pa ang halaga ng pinsala.
15:00James Agusti, nagbabalita para sa GMA News.
15:08Huli kamang pagtangay ng isang lalaki sa cellphone ng isang customer ng computer shop sa Bacolod City.
15:14Sa kuhan ng CCTV, kita ang biktima na tulog habang nasa harap ng computer.
15:19Sa isa pang angulo, kita na ang pagdating at pagluhod ng lalaking nakapulang t-shirt.
15:24Dahan-dahan niyang inabot ang cellphone ng biktima sa maliit na siwang.
15:28Dali-daling umalis ang suspect matapos ang krimen.
15:31Ayon sa nagbabantay ng computer shop, customer rin nila ang nagnakaw ng cellphone.
15:37Hindi raw nila natutukan ng CCTV dahil sa dami ng customer.
15:41Nai-report na sa pulis siya ang insidente at pinaghanap ng suspect sa pagnanakaw.
15:45Walang pahayag ang biktima.
15:54Pinasasagot ng Office of the Ombudsman si Sen. Francis Cheese Escudero sa mga aligasyon sa kanya.
16:01Kaugnay po yan sa flood control scandal.
16:03Ayon kay Assistant Ombudsman, Mico Clavano,
16:06gumugulo ngayon ang preliminary investigation ng Ombudsman kay Escudero.
16:10Hinihintay pa raw nila ang counter affidavit ng dating Senate President.
16:14Sinusubukan pa rin namin siyang kunan ng pahayag.
16:17Ayon kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
16:21kabilang si Escudero sa mga nakatanggap umano ng kickback sa mga flood control project.
16:26Nagbigay raw siya ng P160 million pesos noong first quarter ng 2025 kay Escudero.
16:32Sa pamamagitan ng kaibigan ng Senador na si Maynard Ngu,
16:36itinagin na ito dati ni Escudero.
16:44Sa mga susunod na linggo, magtatakta na rin ang suggested retail price sa presyo ng local rice.
16:50Kanina, nag-ikot ang mga taga Department of Agriculture sa Mega Q Mart
16:53para i-check kung nasusunod ang presyo ng imported rice.
16:57May ulat on the spot si Bernadette Reyes.
17:00Bernadette!
17:04Bakit nakatanggap daw ng impormasyon ng Department of Agriculture kahapon
17:08na lumalag pa sa itinap ng price cap ang presyo ng imported rice sa ilang mga pwesto
17:14dito sa Mega Q Mart sa Casan City kahapon.
17:17Pero ngayong araw, sa ginawang inspeksyon ng DA
17:20ay nakakasunod na ang lahat ng mga retailers.
17:26100% na na-compliant ang mga retailers ng bigas dito sa Mega Q Mart sa Casan City
17:31sa 50 pesos na price cap sa imported rice.
17:35Pero noong mga nakalipas na araw ay lagpas raw ito sa takdang presyo.
17:39Nauunawaan naman daw ng DA na maaaring nabili pa ito sa mataas na presyo
17:44kaya maaaring hindi muna nila ito ibenta o isoli sa binilihan nilang trader.
17:49Sa susunod na linggo raw kasi, mag-i-issue na ang mga otoridad ng Notice of Violation
17:54sa mga hindi pa rin makakasunod.
17:56Sa mga susunod na linggo ay magtatakda naman ang suggested retail price
18:00sa presyo ng local rice sa halagang 53 pesos kada kilo.
18:05Sa ngayon ay umaabot pa ng 58 pesos ang kada kilo ng local well-mealed rice.
18:10Rafi, bukod sa bigas, ay pinag-aaralan din ng Department of Agriculture
18:14ang pagtatakda naman ang maximum suggested retail price sa presyo ng game po.
18:20Rafi?
18:20Maraming salamat, Bernadette Reyes.
18:26Maraming salamat, Bernadette Reyes.
Comments

Recommended