00:00Kahit wala sa Senado, isinusulong ng ilang kaalyado na payagan si Sen. Bato de la Rosa
00:07na makalahok sa impeachment trial at makaboto sa pamagitan ng video conference.
00:14Nakatutok si Chino Gaston.
00:19Sa kanyang pagsipot para i-botong Senate President si Sen. Alan Peter Cayetano
00:24at kalaunay pag-alis sa Senado at hindi na pagpapakita sa publiko sa gitna ng hinaharap na arrest warrant
00:32mula sa International Criminal Court o ICC.
00:35May mga nagtatanong kung posible kayang makalahok pa rin at makaboto si Sen. Bato de la Rosa
00:41sa impeachment trial ng kaalyadong si Vice President Sara Duterte.
00:46Pusible, sabi ng isang law expert, kung papayagan ng liderato ng Senado
00:50ang pagdalo ng Senador sa pamamagitan ng video teleconferencing,
00:55bagamam pwede anya itong questionin sa Korte Suprema.
00:58Technically po, pwedeng mag-adapt ng rule ang Senado
01:02na mag-alaw ng participation through video conferencing.
01:08Sa ngayon kasi, ang nasa Rule 14 ng Senate Rules lang
01:11ay maaring mag-convene o mag-sesyon ang Senado sa pamamagitan ng video conference
01:17kung mag-desisyon ang karamihan ng mga Senador na may kalamidad o national emergency
01:22na pumipigil sa personal na pagdalo ng mga Senador sa Senate Session Hall.
01:28Nitong Mayo a 11 lang, sa unang pagpapakita ni de la Rosa sa Senado
01:32mula ng magdago noong Nobyembre,
01:35iminumungkahi ng kaalyado niyang si Sen. Rodante Marculeta
01:38na baguhin ang Rule 14.
01:40Ang gusto ni Marculeta, payagan si de la Rosa,
01:43makalahok sa mga aktibidad ng Senado.
01:46This concerns the very institution where he belongs.
01:51It is not only a disrespect to an incumbent and sitting Sen. of the Republic,
01:57but this is an act ridiculing this institution.
02:06Sabi ng isang opisyal ng Senate Rules Committee,
02:09bukod sa Senate Rules mismo,
02:11kailangan ding amyandahan ang rules ng impeachment court
02:14para payagan ng pagdalo sa impeachment trial sa pamamagitan ng videoconference.
02:19Ngayon pa lang, tutul na rito si Batangas Rep. Jervil Luistro
02:23na uupuring impeachment prosecutor.
02:26My personal opinion is the Sen. judges should be personally present.
02:33This is paramount because this is a constitutional mandate
02:37to have a correct appreciation of all the evidence to be presented.
02:42At kahit mabago ang rules ng Senado,
02:45sabi ng iba pang law expert,
02:47kakailanganin din ni de la Rosa ang manumpa ng personal sa Senado
02:51bago umupo bilang Sen. Judge.
02:53And hindi ito oath kasi na nanumpa ka para magnotaryo eh.
02:57Oath to perform an important function,
03:00a constitutional duty.
03:02Dapat magparticipate siya kung sakaling payagan,
03:06be present even through videoconferencing.
03:09Para makapagparticipate siya,
03:10hindi yung nag-oath, tapos bahala na,
03:13tapos magpapakita nilang siya sa butuhan.
03:16Kailangan magparticipate siya because he took an oath,
03:19he will be taking an oath as a judge.
03:21So kailangan may active participation.
03:23And he should disclose his whereabouts.
03:26Kasi lukuyang pinapayagan sa ilalim ng mga pamantayan
03:29ng Korte Suprema ang remote notarizations
03:31ng mga affidavit at dokumento
03:33maging ang pagdalo online sa mga kasong kriminal at sibil.
03:37Pero kung papayagan ang pagdalo sa impeachment trial
03:40gamit ang video teleconference,
03:43malalaman lamang kung may kukwestiyon nito sa Korte Suprema.
03:47Sino gasto na katutok 24 oras?
Comments