00:00Bigong makakuha ng pansamantalang proteksyon sa Korte Suprema si Sen. Bato De La Rosa sa inilabas sa desisyon.
00:09Tinanggihan ng Supreme Court ang hinihingi niyang temporary restraining order at status quo ante order.
00:16Ibig sabihin ang desisyon ito sa pagkahain ng ICC arrest warrant kay De La Rosa sa pagtutok na ito ni
00:23Mary Zumali.
00:28Ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ni Sen. Bato De La Rosa na pigilin ang pusibleng pag-aresto sa kanya
00:34ng mga otoridad habang dinidinig ng Korte ang kanyang petisyon.
00:37Sa botong 951, tinanggihan ng mga mayestrado ang hinihingi niyang temporary restraining order o agarang pagpigil sa pag-aresto.
00:45Hindi rin binigay ng Korte ang hinihingi niyang status quo ante order na huwag baguhin ang sitwasyon bago naganap ang
00:52pinagtatalo ng issue
00:53habang wala pang pinal na desisyon ang Supreme Court.
00:56Ang petisyon ni De La Rosa isinumitin ang Senador matapos malamang merong warrant of arrest para sa kanya
01:02na inilabas ng International Criminal Court para sa crimes against humanity of murder
01:06bilang co-perpetrator sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:10Sa kanyang mga manifestation, hiniling ni De La Rosa sa Korte na pigilan ng iba't ibang ahensya ng gobyerno na
01:17arestuhin siya
01:18batay sa anumang warrant mula sa ICC, Red Notice o defusion ng Interpol
01:23o iba pang foreign judicial o quasi-judicial instrument ng walang katumbas na arest warrant mula sa hukuman sa Pilipinas.
01:31Tinanong namin ng isang legal expert kung sa desisyon ng Korte ay pwede na ba siyang arestuhin ng mga otoridad.
01:36So ibig sabihin po nun kung gusto po talaga ituloy ng gobyerno yung pag-aresto kay Sen. De La Rosa
01:43ay pwede na po magpatuloy ito. Assuming po na walang qualification yung Korte Suprema.
01:50Maaari na rin bang isuko ng gobyerno si De La Rosa sa ICC?
01:54Yes. Isa yung posibilidad. Kung hindi talaga mag-i-issue yung PRO ng Korte Suprema
02:00at yung Executive Department natin ay ipagpipilit yung posisyon na pwede nilang
02:08i-surrender si Sen. Bato under RA-9851, dun yun yung consequence ng pagbabasura ng PRO.
02:15Pwede siyang i-implement under RA-9851 at hindi na ito kailangan dibaan sa isang lokal na Korte.
02:21So inaantay na lang natin kung pampanigan ng Korte Suprema yun ultimately dun sa pinal na desisyon niya.
02:26Hinihinga namin ang reaksyon ng mga abogado ni De La Rosa pero naunanan nilang sinabi
02:31na hindi lehitimo ang ICC Warrant of Arrest hanggat hindi ito kinakatigan ng isang lokal na Korte.
02:36Mariz Umali, Nakatutok, 24 Horas.
02:41Tugon ng kampo ni Sen. Bato De La Rosa sa pagbasura ng Korte Suprema
02:46sa hiling nilang Temporary Restraining Order o TRO at Status Quo Ante Order,
02:52hindi pa rin tapos ang kaso.
02:54At maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa Supreme Court,
02:59sabi ng kanyang abogadong si Atty. Israelito Toriyon.
03:04Idiniin niyang nanatili ang constitutional question
03:08kung maaaring dumepende ang kalayaan ng isang Pilipino
03:12sa isang dayuhang proseso na hindi dumaan sa isang lokal na Korte.
03:17Gayun din sa kung maaari bang magpatupad ang mga otoridad
03:22ng mga proseso ng International Criminal Court
03:25matapos mag-withdraw ng Pilipinas sa Rome Statute.
03:32Gayun niya gagamitin ang kampo ni De La Rosa
03:35ang lahat ng legal na hakbang alinsunod sa batas
03:38at haharap sa proper forum.
Comments