Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Go, go, go.
00:10Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:14Isinailanim na sa state of calamity ang buong Salangani
00:18dahil sa tindi ng pinsalang iniwan ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes.
00:24Dalawang araw mula ng lumindol, maraming lugar pa rin ang hirap maabot
00:28Kaya tuloy ang panagoy ng mga nilindol na mahatiran ng pagkain at inuming tubig.
00:33Mula po sa Bayan ng Glan, nakatudok live si Maki Pulido.
00:38Maki!
00:42Maari raw na magdamagan itong pagkukumpuni at clearing operations ng DPWH
00:48dahil ang target ay sana ngayong gabi ay makabiyahin na ng diretsyo ang mga sasakyan
00:54hanggang sa Bayan ng Glan na na-isolate dahil sa mga sirang tulay at kalsada.
00:59Natanggal na nga yung sasakyan na nadaganan ng mga malalaking tipak ng bato dito sa boundary ng Glan.
01:10Nagdala na ng mga heavy equipment ang DPWH para maayos sa mga sirang tulay at kalsada.
01:16Nadaraanan na ang Sapu-Masla Bridge sa Bayan ng Malapatan
01:19at target maayos ngayong gabi ang kalsadang nabiyak at tila hiniwa-hiwa
01:24para makabiyahin na mga sasakyan diretsyo hanggang sa Bayan ng Glan.
01:28Dahil ginagawa na raw ng DPWH, yung portion ng highway na nagkabiyak-biyak
01:34ay pinagbabawalan, dumaan kahit na mga tao, hindi lamang mga sasakyan.
01:39So para makarating tayo, lampas nun, para malampasan natin, ay kailangan sumakay tayo ng bangka.
01:47Habang inaayos ang kalsada, naghihintay pa rin ang tulong ang mga biktima ng lindol sa Bayan ng Glan.
01:52Ito na lang ang natira sa bahay ni Julito.
01:55Dahil wala nang matuluyan, sa gilid ng kalsada siya gumawa ng pansamantalang matutulugan.
02:00Walang mapagkakitaan mula ng lumindol, kaya't wala nang pambili ng makakain o maiinom.
02:06Naghihintay pa rin ng tulong. Wala mga tulong pa na tanggap namin.
02:09Pagkain at saka tubig. Walang mainom.
02:12Tatlong araw na rin naghihintay ng kahit kaunting tulong si Ronald Zubel.
02:16Gustuhin mang kumita, wala namang nag-aarkila ng kanyang bangka mula ng lumindol.
02:21Sa oras na maubos ang kanilang limang kilong bigas, wala na raw siyang maipapakain sa tatlo niyang anak.
02:27Walang lapit na maubos, ma'am. Kunti na lang.
02:30Yan na ang problema. May kasi hindi kami kapatapuhin kasi kailangan, ma'am.
02:34May lindol. Wala namang trabaho.
02:37Burante lamang. Bigas lang, ma'am. Saka tubig. Yan lang, ma'am.
02:41Kasi tulogan ang anak namin.
02:43Sabi ng lokal na pamahalaan ng GLAN, pahirapan talaga ang pagdating ng relief goods.
02:47Kaya't hinihintay nilang maayos ang kalsada para mapabilis ang pagdating ng tulong.
02:52Sa mga naghihintay ng tulong, naihintindihan namin sa humingi na kami ng pasyensya,
02:56kami gusto talaga namin makarating agad.
02:58Pero naihintindihan naman natin na hindi talaga natin mapabilis kasi yung daan wala.
03:03Pero pati matitirhan, malaking hamon para sa maraming biktima ng lindol.
03:08Nasa dalawampung bahay, yung dating nakatirik sa gilid ng bundok na ito,
03:12dito sa bayan ng GLAN, sa probinsya ng Sarangani.
03:15Pero dahil dun sa lindol, sirana lahat ng mga bahay.
03:20Itong bahay nga na ito, nahulog na dun sa gitna kung saan nabiyak yung lupa.
03:27Dito dati nakatira ang pamilya ni Maricel Poncardas.
03:30Hindi po namin alam kung ano yung mangyayari kasi wala naman kaming mapupuntahan.
03:37Dito lang kami naninirahan sa ano, wala rin kaming sariling lupa kasi.
03:42Bahala na po ang pamilya niyo noon.
03:45Tatlong araw mula ng lumindol, nag-aalala na rin ang mga doktor sa Rural Health Unit
03:49dahil naubusan na sila ng anti-tetanus shot.
03:53Baka daw kasi may mga naantala lang ang pagpunta sa pagamutan pero nasugatan noong lumindol.
03:58Sa mga cases na nakita namin, ma'am ano, like yung mga patients talaga kami na makapunta dito
04:03na for example may mga deep wounds, yun kasi kailangan talaga yung mawigyan ng anti-tetanus
04:08para hindi mag-fester yung infection.
04:11Yung delikado kasi sa tetanus is kapag bababa yan sa lungs,
04:14magkakaroon ng respiratory arrest yung patient, hindi siya makakahinga.
04:18Sa Glan Provincial Hospital, nagtitiis pa rin sa init ang mga pasyenteng nasa parking lot pa rin
04:24dahil hindi pa cleared ang hospital building.
04:27Pero mas inaalala na mga doktor ang mga nagtamo ng matitinding sugat noong lumindol.
04:32Our OR is non-operational, our laboratory is non-operational and we don't have the consultants
04:41because our consultants come from Jansan area, anesthesiolog, they could not come here
04:46because the road is non-passable.
04:50So these patients need to be airlifted or by sea ambulance or whatever available
04:57that for them to be transferred to higher facility.
05:01Isa si Cambria sa tatlong araw nang naghihintay na mailipat ng ibang ospital.
05:06May malalim na sugat siya sa ulo at dislocated din ang kanyang kanang paa
05:10matapos madaganan ng pader nang tumama ang lindol.
05:14Mahirap talaga ma'am, pero tiniis ko na lang ang hirap para madala ako sa ospital.
05:25Dahil sirapa ang kalsada ay gumamit na ang Kapuso Foundation ng Commercial Fishing Vessel
05:32mula General Santos City, kaya't nakarating na sila sa clan nitong hapon
05:37at magsisimula ng pamamahagi ng tulong ngayong gabi.
05:41Samantala alam nyo ay kanina bago tayo umere ay nagkaroon ng aftershocks
05:47pero sa kabila nito ay hindi pa rin tumigil itong clearing operations ng DPWH.
05:53Emil?
05:54Maraming salamat, Maki Pulido.
Comments

Recommended