- 2 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Abiso mula sa NGCP, itataas ang Yellow Alert sa Visayas Grid mamayang hapon at gabi.
00:06Magsisimula ang Yellow Alert simula alas 3 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi.
00:11Itinataas ang Yellow Alert kapag manipis ang reservang kuryente na posibleng magkulang kung magka-emergency.
00:17Kasunod ng mga kanaranasang rotational brownouts sa ilang lugar sa Luzon at Visayas,
00:22pinaiimbestigahan sa kamera ang pagpalya ng transmission lines ng NGCP.
00:26Apektado raw kasi nito ang halos 4 na milyong consumers sa Metro Manila at ilang kalapit na probinsya.
00:33Bigunin umano ang NGCP na i-report ang pumalyang transmission lines sa Department of Energy at Energy Regulatory Commission
00:40na dapat ginawa alinsunod sa Philippine Grid Code.
00:43Wala pang pahayag kaugnay nito ang NGCP.
00:57Inamin ni Sen. Robin Padilla na kanya ang SUV na umalis sa Senado noong May 14 na madaling araw,
01:04oras na sinasabing umalis din si Sen. Ronald Bato de la Rosa.
01:09Mailap naman sa pagsagot si Padilla ng tanungin kung kasama nga niyang umalis si de la Rosa at kung nagkakausap
01:16pa sila.
01:16Balitang hatin ni Ian Cruz.
01:29Isang linggo matapos muling pumasok, absent ulit sa sesyon ng Senado si Sen. Ronald Bato de la Rosa.
01:37Pero ang sinasabing kasama niyang umalis sa Senado noong madaling araw ng Webes na si Sen. Robin Padilla present.
01:44Sen, ikaw daw ang huling kasama ni Sen Bato.
01:47Kayo daw po nagpasama sa kanya.
01:49Sa'tong gabi-gabing magkasama.
01:53Totoo bang magkasabay kayong umalis dito noong Wednesday na madaling araw?
01:58At Thursday na ng madaling araw.
01:59Mas maganda po siguro kung magbibigay ng info niya, ma'am, eh pag natapos na yung investigasyon.
02:07Kasi mas maganda yung opisyal.
02:09Batay sa official report sa investigasyon ng mga pangyayari na ibinigay sa GMA News,
02:15sumakay si de la Rosa sa isang SUV na minamaneho ni Padilla bandang alas dos e medya ng madaling araw
02:21noong Webes.
02:23Sa mga oras na iyon, nakuna ng GMA News ang puting SUV na ito palabas ng Senado
02:29at ang plaka kapareho ng plate number na binabanggit sa official report.
02:34Sa panayam ng 24 oras, inamin ni Padilla na kanyang sasakyan.
02:40Opo, opo, sasakyan ko po yan.
02:42Nakasakay po ba dyan si Sen. Bato de la Rosa? Nung nakunan yan?
02:48Antahin na lang po natin, Tita Mel, yung investigasyon. Pero akin po yan.
02:54Sir, kayo? Nakasakay ba kayo dyan?
02:56Antahin na lang po natin yung...
02:58Pati kayo, hindi pwede itanong.
03:00Antahin po natin yung investigasyon po.
03:01Tinanong din si Padilla kung alam niya ba kung nasaan ngayon si de la Rosa.
03:06Nakausap po ba kayo? Mula nang magkahiwalay kayo sa Senado ng Webes?
03:10Ay, hindi po.
03:12Ah, wala? May sinabi po kasi kayong...
03:14Ay, di, sabi niyo sigurado.
03:16Ah, hindi ko po.
03:17Ay, siyempre naman, kayo naman, itatanungin ko ng maayos.
03:20Diba? Kasi yan ang gustong mahalaman ng taong bayan eh, sir.
03:24Yan po naman, yan hindi lang ako.
03:26Ay, pasensa na po.
03:27Kaya na itatanong sa inyo.
03:29Opo.
03:31Isa si Padilla sa itinuturing ng National Bureau of Investigation na person of interest.
03:37Kaugnay sa pag-alisi de la Rosa sa Senado.
03:40Yan po ang dahilan.
03:41Kaya kailangan po na doon muna po tayo maglahad sa formal na investigasyon.
03:47Kasi kung hindi naman po nila sinabi na tayo po ay person of interest,
03:52eh, malaya po tayong makakapagkwento sa inyo kung ano ang mga naganap.
03:56Kayo yung nangangako, nagsasabi ngayon sa sambayanan na pag nandoon sa investigasyon, sasabihin yun na lahat.
04:03Ganon, Senator.
04:04Ay, wala po akong record ng pagsisinungaling.
04:06Ako po ay rumispeto sa batas ng Pilipinas.
04:11At ako po ay nagpakulong dahil sa paggalang sa batas ng Pilipinas.
04:15Bago yan, natanong din si Padilla kaugnay sa kumalat na usap-usapang namataan siya sa naiya noong Huwebes.
04:23Walang sense naman yun. Bakit naman kami magpapakita sa airport pa?
04:31Hindi po totoo yung Naya, hindi totoo yung Yate.
04:37Paniwala ni Padilla, hindi aalis ng bansa si de la Rosa.
04:41Hindi kagawin ni Batilla.
04:42Bakit sir?
04:43Mahal niya ang Pilipinas.
04:44Totoo po ba sir na nasa Davao siya?
04:47Ngayon? Nakundi ko alam.
04:49Wala akong idea.
04:50Nakausap niya ba ulit siya, sir?
04:52Nakausap niya na ulit siya?
04:54Siyan ba to?
04:55Yan ang mahirap sagutin.
04:57Sa panayam ni Jessica Soho noong Merkoles, bago magkaputukan sa Senado,
05:03sinabi ni de la Rosa na lumutang siya sa Senado matapos ang 6 buwang pag-absent dahil tinawagan siya ni
05:10Cayetano.
05:11Tinawagan ako na aking mga kasamahan na kailangan nandito ako sa Senado para sa butuhan.
05:17Tungkol saan daw yung butuhan?
05:19Change of leadership ng Senado.
05:22So kung hindi ako magdating, hindi namin makuha yung leadership dahil ako ang pang-13th vote.
05:27Pwede ko malaman sino tumawag po sa inyo?
05:29Si Senator Alan Cayetano, yung aming majority leader.
05:33Pero nagulat daw siya na may naghihintay na sa kanyang mga tauhan ng NBI.
05:38Alam niyo ba na may mga naghihintay sa inyo?
05:40Kung alam ko na may nag-aabang, hindi na ako papasok.
05:43Pagpasok ko, doon sa pintuan, may sa gilid, may mga nakaupo.
05:46Dalawang babae, saka may mga lalaki.
05:49Akala ko mga staff lang yung na Senador o kaya mga driver na Senador.
05:53Pero pagdaan ko, tumayo sila, binarang ako.
05:56Sir, sir, sir, sir, NBI kami.
05:58Hinawakan yung braso ko.
06:00So nagpumiglas ako.
06:01Piglas ko ganun, takbo na ako.
06:02Habulan na kami hanggang nakarating ako sa session hall.
06:05Overspeeding, run for your life, yung ginawa ko eh.
06:08Noong nakarang linggo, sinabi ng Pangulo na wala siyang utos na arestuhin si De La Rosa.
06:14Pero ayon sa Malacanang, maari yang magbago depende sa magiging pas siya ng Korte Suprema.
06:20Iginagalang po ng Pangulo at ng administrasyon ang nakabimbing kaso sa Supreme Court.
06:26Ngunit, hindi kailangang tumakas palabas ng bansa si Sen. Bato de La Rosa.
06:33Kapag siya ay nagtangka, ayon na rin sa DOJ, siya ay huhulihin.
06:38So kung yun po ang posisyon ng Pangulo last week, pwede po ito magbago depende sa magiging development sa pending
06:43na petisyon sa Supreme Court.
06:45Opo.
06:45Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA News.
06:50Hindi raw kumbinsido ang Malacanang na may tuturing na pag-atake sa Senado nang magkaroon ng putukan doon noong May
06:5613.
06:57Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi inatake ang Senado batay sa mga pahayag ng National Bureau of
07:04Investigation at Philippine National Police.
07:07Si Senate President Alan Peter Cayetano lang daw ang nagsabi nito.
07:11Sabi ni Castro, dismayado si Pangulong Bongbong Marcos sa pagkawalan ng Sen. Bato de La Rosa mula sa protective custody
07:18ng Senado.
07:19Mas maganda raw na sumuko si De La Rosa lalo't may valid anyang arrest warrant mula sa International Criminal Court.
07:25Iginagalang naman daw ng administrasyon ang hinihintay pang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa ICC warrant laban sa Senador.
07:36At kaugnay sa paumaril sa Senado at sa pag-alis ni Sen. Bato de La Rosa, makakapunayin natin si Palace
07:41Press Officer Undersecretary Claire Castro.
07:44Magandang umaga at welcome po sa Baritang Hali.
07:48Magandang umaga, Rafi, at magandang umaga sa lahat ng mga kababayan natin sumusubay na ibay sa inyong programa.
07:53Sabi niya nga po, dismayado yung Pangulo sa nangyari sa Senado. Ano po exactly yung ikinidismiya niya, ikinidismiya ng Pangulo?
08:01Unang-una, of course, ang Senado ay partito ng gobyerno.
08:05At kung magkakaroon ng ganong kaguluhan, hindi lang naman ito makakaapekto sa Senado, makakaapekto rin ito sa buong bansa.
08:12At nakita natin kung paano ito naibalita globally at definitely makakaapekto rin ito sa ekonomiya.
08:19So, hindi naman kinakailangan magkaroon ng ganong kaguluhan kung tama lang ang pagmamanage ng nangyari dito sa Senado.
08:27Dahil makikita naman natin, hindi lamang sa ulat ng NBI at ng PNP, kundi na rin pati mga reporters na
08:34nagsabi na walang balak pumasok ang NBI agent papunta sa Senado.
08:42Maliwanag po yan dahil ang ginagawa lamang po ng NBI agent doon ay humiling ang GSIS General Manager Viloso
08:51na mag-secure ng kanilang GSIS premises dahil nga maraming nagkakagulo na dahil nagtawag pa nga itong si Sen. Bato
09:00ng peaceful rally
09:02dyan sa vicinity ng GSIS at ng Senado.
09:07So, gusto lamang nila na hindi maging labas-masok ang tao doon sa sinasabi nating entry point
09:14na kung papasok ka ay manggagaling lang talaga sa Senado dahil ang manggagaling mula sa GSIS
09:20ay hindi makakapasok doon sa lagusan na sinasabing gustong buksan, di umano, ng NBI agent.
09:27So, maliwanag naman na walang balak ang NBI agent na pumasok sa Senado.
09:32Nung mangyayari po yung putukan ni bago na po yung liderato ng Senado,
09:36ang sinasabi niyo po ba sila yung partly to blame kung bakit nagkaroon ng kaguluhan
09:40yung bagong liderato ng Senado, hindi nila nakontrol yung sitwasyon?
09:45Sa kanilang mga sinisiwala at during sa kanilang Facebook livestream,
09:50yung kanilang pagbivideo, sinabi nila na tinawagan na nila finally
09:55siya sa NBI Director, Attony Matibag, at the time na nakakaputukan.
09:59Unang-una, kung ang purpose lang nila is for security or safety,
10:03tambak ang miyembro ng PNP doon at Marines.
10:06Pangalawa, hindi ba dapat mas tinawagan ito earlier,
10:10dapat tinawagan ito earlier si Attony Matibag
10:13nung hindi pa nakakaputukan, nung sinabi ni Sergeant at Arms,
10:17sa General Mao na Plasca, na may sighting siyang nakikita na NBI na nakaarmas.
10:23So with that, mas mapipigilan siguro yung warning shot
10:28na ginawa ni Sergeant at Arms,
10:30kung tinawagan muna si NBI Director,
10:33kung ano ang purpose ng isang NBI agent doon sa nasabing lugar,
10:37sa may bridgeway.
10:38Pero instead, ang ginawa ni Sergeant at Arms,
10:41a Plasca, nag-suot ng full bottle gear,
10:46nagkasan ang kanyang long firearms,
10:48at pumunta, at binuksan yung pinto
10:52para tanong doon sa tao,
10:55sino ka? Saan ka?
10:56So di ba, hindi naman magkakaroon ng warning shot
10:59o magkakaroon ng putukan.
11:01Kung hindi naman niya binuksan yung pinto,
11:02pinasecure na lang sana niya yung sinasabing pinto,
11:06kung iniisip niyang may papasok.
11:08When in fact, sabi nga ng mga reporters,
11:10walang bala kumasok dahil pinapasara nga ng GSIS yung pinto.
11:14Pinapalak.
11:15Sabi po ni Pangulong Bongbong Marcos,
11:17wala siyang utos na iparesto si Sen. Rabato de la Rosa,
11:20pero noong si dating Pangulong Duterte yung ipinapaaresto ng ICC,
11:23eh nakipag-cooperate yung gobyerno.
11:25Ano po yung diferensya nung dalawang subject ng ICC arrest warrant?
11:30Actually, yung sinasabi kasi nila,
11:32ito ha, iba kasi yung May 11, iba yung May 13 ha,
11:35noong May 13, wala talagang utos na arestuhin
11:39ang sino man, si Sen. Rabato, sa Senado,
11:42kaya nga yung NBI agent ay doon lang sa GSIS premises.
11:46So, pero inamin naman ng DOJ,
11:50ikinonfirm from the ICC.
11:54So, ang difference,
11:55sa ngayon, dahil may Supreme Court pending petition
12:01sa Supreme Court.
12:03So, iginagalang ng Pangulo
12:05kung ano ang magiging resulta nito.
12:07Hindi ito,
12:09kung hindi dating Pangulong Duterte.
12:11So, yung tankang pag-aresto po sa Senador noong May 11,
12:13alam po ba ito ng Pangulo bago ito mangyari?
12:16Alam naman po.
12:19Utos po ba niya ito?
12:20O ipinaalam lang sa Pangulo na may chance
12:22na arestuhin ang Senador
12:23dahil alam na darating siya sa Senado?
12:26Meron po kasing warrant of arrest
12:29na idinaanta po sa PCTC
12:31at yun lang po ang naging aksyon ng NBI.
12:34Mandato po ito.
12:35Di na po kailangan utusan
12:36kasi mandato po nila ito.
12:39Naniniwala po si Sen. President Alan Peter Caytano
12:41na kaya raw inatake, in his word,
12:43yung Senado ay dahil maintensyong pahinain nito
12:46at maisulong yung constitutional change.
12:48Ano pong masasabi niyo rito?
12:50Hindi ko makita yung koneksyon.
12:51Kasi ang una, noong May 11,
12:54sineserve lang ang warrant of arrest
12:56kaya Sen. Armato.
12:58Isang tao lang
12:59ang gustong makadeal ng NBI.
13:05Hindi ang buong Senado.
13:06Sila mismo ang pumasok sa picture
13:08dahil nagbigay sila ng protective custody.
13:12So, pinasok ng Senado
13:13yung kanilang institusyon
13:15doon sa supposed to be na personal lang
13:18na operasyon
13:21dito kaya Sen. Bato.
13:23So, hindi ko makita,
13:25hindi namin makita yung koneksyon
13:26na sinasabi niyang intriga
13:27na constitutional change.
13:30So, wala rin naman siyang binigay na detali.
13:33Intriga yan,
13:34mahirap paniwalaan.
13:36So, unang-una,
13:38bakit ba nagkaroon ng pagtawag
13:40kaya Sen. Bato?
13:41Hindi ba intentional din naman nila
13:43na makalitan ang liderato?
13:45So, personal yun.
13:46Pangalawa,
13:47ang purpose is for the impeachment.
13:49Personal din yun.
13:50So, anong i-coconnect niya doon
13:51sa sinasabi,
13:52di umano na intriga
13:53ng constitutional change?
13:54So, wala pong ganoon.
13:55Hindi po yung totoo.
13:56For the record,
13:57meron ho bang isinusulunga
13:58na constitutional change
13:59at pagpapalawig sa termino?
14:02Hindi po yung napag-uusapan.
14:04Sa palasyo,
14:05hindi po yung napag-uusapan.
14:06Sa anumang meeting,
14:07hindi po yung napag-uusapan.
14:08Sa totoo lang po,
14:09noong mga unang taon ng Pangulo,
14:11hindi po yan sabi niya,
14:12ang constitutional change
14:13ay hindi ito sagot.
14:16Sa ating mga issues ngayon.
14:18Pero nung sinusulong mismo,
14:20kung di tayo nagkakamali,
14:21at that time,
14:22si Congressman Richard Gomez
14:23at saka ni Senator
14:26Robin Padilla mismo
14:28ang nagsusulong
14:29ng constitutional change
14:30with regard to economic provisions.
14:32So, yung pagpapalawak
14:34o pagpapa-extend
14:35ng term,
14:37wala po niya pag-uusapan.
14:39So, hindi ko alam
14:39kung saan hinuhugot
14:40ni Senator Alan Kayita
14:42ano yung sinasabi po niya.
14:44Siguro kung makakapagbigay po siya
14:45ng anuman detali,
14:46at least magkakaroon po tayo
14:47ng basihan.
14:48Finally,
14:49nag-convide na nga po
14:49yung Senate Impeachment Court.
14:51May mensahe po ba kayo
14:52para kay Vice President
14:53Sara Duterte
14:54na ilang beses
14:55hindi umatin
14:55doon sa pagdinig
14:56sa Kongreso?
14:59Si Vice President
15:00naman ay nagsusulong
15:01di umano
15:02ng transparency
15:05and accountability.
15:06Kung naniniwala siya
15:07sa transparency
15:08and accountability,
15:09harapin niya po
15:10yung mga ibinibintang
15:11at inaakususakay niya.
15:13Maiba naman po ako
15:14ng issue.
15:15Natapos na po nitong
15:16Mayo yung appointment ban
15:17para sa mga
15:18tumakbo noong
15:19election 2025.
15:20May nasaan po ba tayong
15:22rigudon
15:22o mga bagong papasok
15:24o magbabalik
15:24sa gabinete
15:25ng Pangulo?
15:27Tignan na lamang po natin.
15:28Sa ngayon po
15:29ay wala pang ibinibigay
15:30sa ating update
15:31pero tignan po natin.
15:33Abangan na lang po natin.
15:34At very quickly po
15:35yung mga acting po
15:35na mga kalihim,
15:37ano po magiging proseso dito?
15:38Ay sasalang na po ba sila
15:39sa process?
15:41Kasi hanggang ngayon
15:42puro acting pa lang po
15:43itong marami sa mga
15:45kalihim
15:46na mga departamento.
15:48Sa ngayon po
15:48ay hindi po ako
15:50maaaring magsalita
15:51at baka
15:52mapangunahan ko
15:53ang Pangulo.
15:54Sa ngayon po kasi
15:55meron naman po silang
15:55one year
15:56na pwedeng maging
15:57acting secretary
15:58so hindi pa naman po
16:00yung lumalakpas.
16:01Okay.
16:01Maraming salamat po
16:02sa oras na binahagi nyo
16:03sa Balitang Halip.
16:05Maraming salamat,
16:05Rafi.
16:06Maraming salamat sa ating
16:07mga kababayan.
16:07And po si
16:08Palace Press Officer
16:09Yusek Claire Castro.
16:10Susubukan ko ninyo
16:11ng pahayag
16:12ng mga personalidad
16:13na nabanggit
16:14ni Undersecretary
16:15Claire Castro.
16:17Samantala,
16:18kasunod po
16:19ng price cap
16:19sa imported rice,
16:20balak na rin
16:21magpatupad
16:22ng suggested retail price
16:23sa lokal na bigas.
16:24Kung magkano
16:25alamin natin
16:26sa ulit on the spot
16:27ni Bernadette Reyes.
16:29Bernadette!
16:38Tuesday Latest
16:39mga mani at pare,
16:40Hashtag
16:41Feeling Blessed
16:42ang lead star
16:43ng GMA
16:44Afternoon Prime Series
16:45na kamaok
16:46na si Anton Vinzon.
16:48Chika ni Anton
16:49sa inyong kumare
16:50sa kanilang media conference,
16:52challenging man
16:53ang responsibility
16:54at pressure
16:55sa role niyang
16:56si Makisigmakmak
16:57Batumbakal.
16:58Mas nangingibabaw daw
17:00ang pagmamahal niya
17:01sa kanyang craft.
17:02Extra special nga raw
17:03ang project
17:04dahil dream come true
17:05na makatrabaho niya
17:06ang veteran actor
17:07at amang si Roy Vinzon.
17:09Ano naman kaya
17:10ang reaction dyan ni Roy?
17:14Mas excited ako
17:16dahil,
17:16hindi ko hinasahan ito talaga.
17:21Anong sinabi niya kanina,
17:22diba,
17:24natupad ng pangarap niya,
17:25yung pangarap niya,
17:26natupad niya,
17:27hindi ko,
17:29surprise ako doon.
17:32Present din sa Mediacon
17:34kahapan ng iba pang
17:35cast members
17:36ng serye
17:36sa pangungunan
17:37ni Naomi Austria,
17:39Wendell Ramos,
17:40Neil Ryan Sese,
17:42Bruce Roland,
17:43Shanti Vedela,
17:44at Katrina Halili.
17:46Makakasama rin
17:46sa kamao
17:47si Andre Paras,
17:48Feris Malvar,
17:50Matt Lozano,
17:51Abdul,
17:52Marcy,
17:53Hellboy,
17:54at Myung,
17:55at si Ewan Mikael
17:56bilang Young Makmak,
17:58isa sa highlights
17:59ng Mediacon
18:00ng reveal
18:00sa first solo billboard
18:02ni Anton
18:02sa labas ng
18:03GMA Network Building.
18:05Mawapanood na
18:06ang kamao
18:07sa susunod na lunes,
18:08May 25,
18:09sa GMA
18:10Afternoon Prime.
18:14Talagang
18:15blessing
18:16yung binigay po
18:17sa akin
18:17ng proyekto na to
18:18at yun po talaga
18:19malaking responsibilidad,
18:21yes,
18:22alam mo po yun,
18:22pero may,
18:24siyempre sa set,
18:25may halong kaba,
18:26may halong pressure,
18:27may halong challenge,
18:28pero nangigibabaw pa rin
18:30yung pagmamahal
18:30ko si ginagawa ko po.
18:34Patay ang isang ginang
18:35matapos mahulugan
18:36ng malaking bato
18:37ang kanilang bahay
18:38sa Rodriguez Rizal.
18:40Base sa investigasyon,
18:41bumagsak ang bato
18:42ng gumuho
18:42ang lupa
18:42kasunod ng pagulan
18:43doon linggo ng umaga.
18:45Kwento ng kanyang mga kaanak,
18:46iniligtas ng babae
18:47ang kanyang dalawang anak
18:48nang magbagsakan
18:50ng bato ang kanilang bahay.
18:51Dinala siya sa ospital
18:52pero idineklarang
18:53dead on arrival.
18:55Sugota naman
18:56ang dalawa niyang anak.
18:57Nang aking puntahan
18:58ng kanilang tahanan,
18:59kita ang buta
19:00sa magkabilang pader
19:01ng kanilang sala.
19:02Nagkapira-piras rin
19:03ang ilang sa mga gamit
19:04ng pamilya.
19:05Kwento ng asawa
19:06ng ginang,
19:07nasa trabaho siya noon
19:08nang mangyari
19:09ang insidente.
19:12Nagulat nga po kami
19:15sa ganun kalaking bato
19:17bakit gumulong sa dyan
19:19na sa bahay pa namin
19:20dumal.
19:21Yung nanay lang po talagang
19:23nag-sicrifice
19:24sa dalawa niyang anak.
19:26Binus niya yung buhay niya.
19:28Yung ranig din ni Mama
19:29na sumisigaw sa dito,
19:31ginilid niya kami dalawa
19:32tapos babalikan sila atin.
19:34Paglabas niya
19:34nagulungan siya ng bato.
19:37Sa inisyal na pagsusuri
19:39ng barangay,
19:39may mga bato pa
19:40sa taas ng bundok
19:41na posibleng dumausdos.
19:42Kaya payo ng mga opisyal
19:44ng barangay,
19:44mag-evacuate muna
19:45ang mga residente
19:46habang hindi pa ito
19:47nakikita at na-assess
19:49ng DENR.
19:52Kaya payo ng barangay.
Comments