00:06Mga kapuso, huwag basta-basta magtitiwala sa mga nakakausap sa telepono o online para huwag maging biktima ng panluloko.
00:14Sa Quezon City, isang kasambahay ang nakakulong ngayon at iniimbestigahan matapos niyang kunin at ibigay sa ibang tao
00:20ang mahigit 2 milyong pisong cash at alahas mula sa kanyang amo.
00:25Ang paliwanag niya, sinunod niya lang ang utos ng tumawag na kaboses daw ng kanyang amo.
00:31Balitang hatid ni James Agustin.
00:35Kuha ang video na ito sa labas ng gate ng isang subdivision sa barangay Bagong Bayang, Quezon City, hapon itong
00:40Martes.
00:41Ang babaeng kasambahay may kitang may iniabot na paper bag sa isang lalaki.
00:45Inihatid pa niya sa motorsiklo ang lalaki.
00:48Nang makaalis, naglakad papasok sa subdivision ng kasambahay.
00:51Ang laman pala ng paper bag, mga pera at alahas na ninakaumano ng kasambahay sa bahay ng kanyang amo.
00:57Ayon sa pulisya, nasa bakasyon ng amo ng kasambahay noong mga oras na iyo.
01:01Base sa imistigasyon namin, pinasok niya yung kwarto ng kanyang amo.
01:07Dinistrankan niya yung mga drawers kung saan doon niya kinuha yung mga pera at alahas.
01:11Pinipigilan siya na huwag gawin yun at ang ginawa niya, naglak siya ng pinto.
01:18Hanggang sa isang kasambahay niya, bumalik muna sa kwarto nila.
01:23Nalingid sa kanya, lumabas pala itong suspect, nadala niya yung mga alahas at naibigay na doon sa lalaking na gaantay
01:31sa labas ng subdivision.
01:32Pagbalik sa bahay, tinangkapaumanong kunin ng sospek ang iba pang alahas, pero napigilan na siya ng isa pang kasambahay.
01:39Doon na tinawagan ng kanilang amo na agad nakipag-ugnain sa pulisya, arestado ang 31 anyo sa sospek.
01:46Kabilang sa mga ninakao ang mahigit 1 milyon pesos na cash, iba't ibang alahas, gaya ng hikaw at kwintas, na
01:52nagkakalaga ng mahigit 1.4 milyon pesos.
01:55Tamalabas sa emisigasyon namin, iniligay niya ito sa isang plastic bag at kinubera niya ito ng mga pagkain.
02:02Ang sabi niya, para kung sakaling masita siya ng mga gwardya, hindi mapansin yung mga lahas na dala niya at
02:09yung pera.
02:102016, doon na siya nagtatrabaho, pero pabalik-balik siya.
02:15May mga dalawang taon, aalis siya, tapos pabalik din siya, the following year, hanggang sa kasalukuyan.
02:21Tungkuling bumalik siya noong 2025.
02:23Ayon sa kasambahay, sinunod lang daw niya ang utos ng babaeng tumawag sa cellphone na nagpakilalang kanyang amo.
02:29Ginawa ko yun, base sa otos lang po doon sa cellphone, na usap ko po kay maman.
02:40Sa mga huyo?
02:41Yung boses po ni maman.
02:43Pero sinasabi niya?
02:44Na, pumunta ko sa kwarto niya, kunin ko daw yung mga alahas niya doon.
02:50Sinampa na ang sospek ng reklamong qualified theft.
02:53Nagsasagawa ng follow-up operation ng polisya para matukoy ang pagkakilanlan ng lalaking pinagabutan ng paper bag.
03:00James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
03:04Nagbuga ng abo ang bulkan Kanlaon, kanina pong alas 6 ng umaga.
03:09Ayon sa PBOX, may taas ang ash plume na mahigit 1,000 metro.
03:13Sa nakalipas naman na 24 oras na monitoring ng ahensya,
03:17nagbuga ng abo ang bulkan na tumagal ng 17 minuto.
03:21Nakapagtala rin po ito ng 18 volcanic earthquakes
03:25at nagbuga ng halos 500 toneladang asupre o sulfur dioxide.
03:30Nananatili sa alert level 2 ang Kanlaon.
03:33Ipinagbabawal ang pagpasok ni Numan sa itinakdang 4-kilometer radius permanent danger zone.
03:45Happy Thursday mga mare at pare!
03:48Getting into character ang cast ng upcoming GMA series na Code Grey
03:53na sumailalim sa immersion para mas matutuhan ng procedures
03:57at tamang galaw ng isang medical practitioner.
04:00Narito ang latest.
04:04Bilang paghahanda para sa kanyang paghanap bilang doktor sa upcoming GMA Prime series na Code Grey,
04:11sumailalim sa immersion si Alden Richards sa ospital ng Maynila Medical Center.
04:16Kasama ni Alden ang co-stars na sina Andrea Torres,
04:19Shuvie Etrata, Faith De Silva, Christopher Martin at Christopher De Leon.
04:24Para mas magampanan ng mabuti ang role bilang si Dr. Grayson Lazaro,
04:28siniguro ni Alden na matutunan ang mga basic procedures at tamang galaw ng isang surgeon.
04:34Kasama na ang tamang pagsuot ng surgical gloves at gown.
04:38Tinuruan din sila ng pag-suture o pagtahinang sugat at sumailalim din sila sa basic life support training.
04:46Yung proper counting, yung tamang position, etc.
04:50And also, natutunan ko rin dito yung mga iba-iba klaseng stitches when it comes to surgery.
04:56Ah, hindi siya madali.
04:58Ngayon ko na-realize na yung expertise nila when it comes to doing these things comes with hard work.
05:03Nagpasalamat si Alden sa mga doktor na matyagang nagturo at nagbahagi ng kanilang kaalaman at expertise.
05:10Dagdag pa niya, paraan din ang proyektong ito para bigyang pugay ang mga medical practitioner.
05:16It's a way of honoring them as well na itong project na ito ay mabigyang highlight naman yung mga doktor
05:21at yung mga medical practitioners natin na nagliligtas ng buhay araw-araw.
05:26Kababalik lang ni Alden mula sa halos isang buwang taping ng pinagbibidahan ding serye na Love, Siargao.
05:32Kakaiba raw ang naging experience niya sa Siargao dahil kahit nagtatrabaho.
05:37Miss 2 lang naging hiling escape pa raw ito dahil sa ganda at payapang hatid ng isla.
05:43It didn't feel like work because of what you're seeing everyday.
05:46Siyempre yung accommodations namin, beachfront, so dagat yung nakikita mo sa araw-araw, diba kakaiba yun.
05:53So really more of parang rediscovering different aspects of myself and somehow healing na rin at the same time.
06:01Obri Carampel, nagbabalita para sa GMA News.
06:33Ito na ang mabibilis na balita.
06:35O bumanga sa Center Island ang rider dahil sa madulas na kalsada.
06:39Dahil sa insidente, bumagal ang daloy ng trapiko sa lugar ang ilang motorista na pinitang dumaan sa service road.
06:46Wala na may ibang nadamay sa insidente.
06:50Inaasahang lalagdaan ngayon ng Pilipinas at Japan ang ilang kasunduan na may kinalaman sa defense at maritime security, pati na
06:58sa energy security.
06:59At live mula sa Tokyo, Japan, may ulot on the spot si Ivan Mayrina.
07:04Ivan?
07:10Konnichiwa, Connie, mula dito sa Tokyo, Japan, kung saan ikatlong araw na ng state visit ni Pangulong Bongbong Marcos dito.
07:18Puno ang schedule ng Pangulo ngayong araw.
07:21Ngayong umaga lang, apat na business meetings na nakaschedule sa mga pribadong kumpanya.
07:25Pamilyar itong isang kumpanya sa listahan, ang Sumitomo Corporation, na siyang maintenance provider ng ating MRT3.
07:31Pero patuloy tayong kumakalap na iba pang detalye kung anong paksa ng nasabing pulong.
07:36May meeting din siya kay dating Japanese Prime Minister Kishida Fumio,
07:40na ngayong Supreme Advisor sa Parliamentary Association of the Asia Zero Emission Community.
07:46Makakaharap din ng Pangulong ngayong araw,
07:47ang Presidente ng Japan International Cooperation Agency o JICA,
07:51na isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng pautang ng Pilipinas sa mga malalaking proyekto sa bansa.
07:56Tulad na lang halimbawa ng Metro Manila Subway Project.
07:59May isa pang pulong sa Chairman ng Nippon Foundation bago ang kanyang nakatakad ng talumpati
08:04sa joint session ng National Diet o ang Kongreso ng Japan.
08:08Matapos niyan ay ang panghuling meeting kay Japan Prime Minister Takeichi Sanai,
08:13na agad susundan ang joint press conference kung saan iaanunsyo ang mga nalagdaang mga kasunduan.
08:19Naasahan dito may kinalaman sa Defense at Maritime Security at Energy Security.
08:23At gayon din sa ekonomiya, mga bagay na malapit sa Sikmura ay kanga ng Pilipinas sa gitna ng tensyon sa
08:28West Philippine Sea
08:29at gayon din sa nagpapatuloy ng krisis sa langis na kinakaharap ng mundo.
08:34Patuloy natin inaantabayanan na magiging resulta ng mga pulong lalo na sa mga pribadong kumpanya.
08:39Pero nauna rito, Connie, 3.4 billion dollars, katumbas ng 210 billion pesos,
08:44nakabuang investment commitment ang ibinunga ng roundtable meeting ni Pangulong Bongbong Marcos
08:49kasama mga nangungunang business leaders ng Japan.
08:52Kahapon din, pumirma sa isang Memorandum of Understanding ang Ayala Corporation, Globe Telecom,
08:58Mitsubishi Corporation at KDDI para sa pagsusunong ng konsepto ng smart city sa Makati City.
09:03Sa pamagitan niya ng Artificial Intelligence o AI at modernong teknolohiya ng mga telco
09:08para sa transportasyon, retail at commercial services, energy management at digital service.
09:15Mahiwalay pang kasuduang nilagdaan ang Ayala Corporation at Mitsubishi Corporation
09:18para sa digital services, para naman sa ticketing, online payment at digital marketing.
09:24May katlo pa, yung kilalang e-wallet platform sa bansa,
09:27may kasunduan din sa Mitsubishi Corporation para palawakin ang servisyo nito sa Pilipinas
09:31at maging sa ibang bansa.
09:33Ang layon niyan, ang pag-integrate sa e-wallet platform sa mga negosyo ng Ayala at Mitsubishi
09:38sa retail, real estate, energy, mobility at digital services.
09:42Ang pakinabang na dyan, ang mga mamayan ayon sa DTI, mas mabilis at mas maginhawang transaksyon
09:48para sa mga negosyante at consumer.
09:51Tulad ng kanyang karaniwang mga biyahe abroad, may mga business meetings sa Pangulo
09:54para manghihikayat na mga mamumuhunan sa bansa.
09:57Sa kitna ng kasalukuyang hamon ng global economy, ayon sa Pangulo,
10:01partikularang krisis sa enerhiya at pagkadiskarir ng mga supply chain,
10:04lubhang mahalaga na lalong palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas at ng Japan.
10:11At live mula sa Tokyo, Japan, Ivan Mayrina, GMA News.
10:16Balik sa'yo, Connie.
10:17Arigato ko sa'yo, mas. Maraming salamat, Ivan Mayrina.
10:26Itinanggi ni dating Senate President Francis Echisis Codero
10:29na nakakuha siya ng mahigit 500 million pesos na kickback mula sa flood control projects.
10:34Batayan sa kopya ng kanyang counter-affidavit na eksklusibong nakuha ng GMA News.
10:39Balitang hati ni Joseph Moro.
10:45April 16, nang i-rekomenda ng Field Investigation Office ng Ombudsman,
10:49nakasuhan ng plunder, graft at indirect bribery si dating Senate President Francis Echisis Codero.
10:55Base sa reklamo, nagkamal umano si Echisis Codero ng lapas kalahating bilyong piso
10:59galing sa mga umonima-anumalyang flood control project.
11:03Base sa aligasyon ni dating Department of Public Works and Highway sa DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
11:09Sa kopya ng counter-affidavit ni Escodero na eksklusibong nakuha ng GMA News,
11:14itinanggi niya ang mga aligasyon at pinabulaan ang nakakuha siya kay Bernardo
11:18ng P306 million pesos noong 2024 at P280 million pesos noong 2025
11:24na tinanggap umano ng kaibigan, campaign contributor at umani bagman ni Escodero na si Maynard Ngu.
11:31Wala raw ebidensya na magpapakita na bagman niya si Ngu at initusan niya ito na gumawa ng aksyon para sa
11:38kanya.
11:39Base lamang daw sa kwento ni Bernardo ang sinabi raw ni Ngu na natanggap ni Escodero ang pera.
11:45Iit ni Escodero, wala naman daw na ipakitang prueba si Bernardo na tinanggap niya ang umano'y kickback.
11:51Paiba-iba rin daw at nagbabago umano ang sinasabi ni Bernardo sa apat na affidavit ito laban sa kanya.
11:58Tulad na lamang nang wala raw nabanggit si Bernardo na P306 million pesos na delivery
12:03sa unang tatlong affidavit na isinumintin ito sa Senate Luribon Committee.
12:08Lumabas na lamang daw ito nung may investigasyong ginagawa na ang ombudsman.
12:13Hiniling ni Escodero sa ombudsman huwag bigyan ng immunity o gawing state witness si Bernardo
12:18at iba pang testigo laban sa kanya.
12:20Dahil kung may master plunderer tulad ng sinasabi ng reklamo, hindi raw siya ito kundi si Bernardo.
12:26Si Bernardo raw ang most guilty sa mga individual na dawit sa flood control project.
12:32Sabi pa ni Escodero kung siya raw ang master plunderer,
12:35bakit kalahating bilyong piso ang sinasabing natanggap niya
12:39kumpara sa inamin mismo ni Bernardo na tumanggap siya ng lampas isang bilyong piso.
12:44Hinihingan pa namin ng panig ang kampo ni Bernardo at ang ombudsman.
12:48Pag-aaralan pa ng ombudsman ang kontrasalaysay na ito ni Sen. Escodero
12:53para malaman kung may sapat na basihan para sampahan siya ng kaso sa Sandigan Bayan.
12:59Joseph Maurong, nagbabalita para sa GMA News.
Comments