Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito na ang mabibilis na balita.
00:04Mahigit 30 milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat sa Port of Clark sa Pampanga.
00:09Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa nasabing shipment na nagmula sa The Netherlands.
00:16Nang isa lang sa x-ray, doon tumambad ang drogang ketamine na mahigit 6 kilo ang timbang.
00:22Itinago yan sa ilang cable spool.
00:25Nai-turnover na sa PDEA ang mga nasabat na iligal na droga.
00:28Nagsasagawa rin sila ng backtracking para maaresto at masampahan ng reklamo ang consignee ng kontrabando.
00:37Arestado ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng mahigit 1 milyong pisong halaga ng iligal na sigarilyo sa Bayambang, Pangasinan.
00:45Ayon sa pulisya, pinara sa checkpoint ng commuter van na sinasakyan ng mga suspect
00:49at nadeskubri doon ang mga sigarilyong may peking selyo ng Bureau of Internal Revenue.
00:55Wala rin silang maipakita ang kaukulang dokumento.
00:58Umabot sa mahigit sanlibong rim ng sigarilyo ang nakumpis ka.
01:02Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang mga suspect.
01:05Wala silang pahayag.
01:09Kinumpirma ng Office of the Vice President na natanggap na nila ang notice of disallowance
01:13ng Commission on Audit sa 2023 Confidential Funds at a-actionan daw nila ito.
01:19Ang Confidential Funds na isa sa mga bataya ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte
01:24nakitaan daw ng pattern of misuse ng ilang miyembro ng House Justice Committee.
01:30Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
01:35Ito ang kopya ng Notice of Disallowance ng Commission on Audit na naguutos kay Vice President Sara Duterte
01:43at tatlong iba pa na isauli ang P375M na Confidential Funds na ginamit ng OVP noong unang tatlong quarters
01:52ng taong 2023.
01:54Base sa dokumentong ibinigay sa media ni House Justice Committee Member Representative Terry Redon
02:00ginamit ang pondo sa tatlong cash advances na TIG 125M pesos mula February 6, 2023 hanggang September 30, 2023.
02:11Ilang bagay ang ipinunto ng COA Intelligence and Confidential Funds Audit Office sa Notice of Disallowance.
02:18Una rito, labag daw sa Joint Circular ng Komisyon ang utos daw ni Vice President Duterte
02:24na ibigay ang mga cash advance para sa confidential expenses
02:28kay dating Vice President Security and Protection Group Head, Col. Raymond Dante Lachica.
02:35Sa naturang Joint Circular, nakasaad na hindi pwedeng ilipat ang accountability ng cash advance sa ibang tao.
02:42Pino na rin na sa pagbabayad ng P62M na reward, hindi raw nagsumite ng supporting documents
02:49para patunayan ang tagumpay ng information gathering at surveillance activities.
02:54Pinunto rin sa pagbili ng P199M na supplies at ayudang gamot at pagkain,
03:01acknowledgement receipts lang ang isinumite ng OVP.
03:05Para raw matiyak ang validity ng mga ito, dapat daw magsumite ng official receipts o sales invoices.
03:12Bukod pa riyan, may dalawang disbursement din daw ng pondo na TIG 150,000 pesos
03:18na na-discovering ginamit para raw i-reimburse ang pondong na gastos
03:22baga raw na grant ang cash advance noong July 2023, bagay na bawal sa alituntuni ng COA.
03:29Ang nakikita po natin dito talaga nga, ito po ay pattern ng confidential funds misuse.
03:36Halos pare-pareho lang po yung batayan eh kung bakit po nagkaroon ng ND under yung 2022 confidential funds.
03:46At ito po ang pangalawang ND relating to 2023 confidential funds.
03:52If they weren't able to justify it the first time, I'm quite certain they weren't able to justify it the
03:58second time.
03:59Hindi ba? Kasi pareho lang naman yung batayan eh noong binabanggit noon.
04:04It supports the allegation of misuse of confidential funds, at least in as far as the Commission on Audit is
04:12concerned.
04:13Ang position ng COA still is the rules under the Joint Circular No. 2015-01 was violated as well.
04:23And I believe that these are significant, at least for the purpose of determination of probable costs.
04:30Sabi ng Office of the Vice President, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng disisyon ng Commission on Audit
04:37kaugnay sa confidential funds noong 2022, kaya hindi pa raw sila makakapagkomento.
04:43Kinumpirma naman ang OVP na natanggap nila ang Notice of Disallowance ng COA para sa 2023 confidential funds.
04:52A-actionan daw ito ng OVP, alinsunod sa mga patakara ng Komisyon.
04:57Pwede pang i-apela ng Office of the Vice President ang Notice of Disallowance ng COA sa P375M Confidential Funds.
05:06Pero ayon sa House Committee on Justice, pwede na itong maging basehan sa pagdesisyon ng Komite kung may probable costs
05:13o wala laban sa BISE.
05:15Sa hearing bukas, tatalakayin ang umano'y unexplained wealth ng BISE.
05:20Kasama sa mga sinabpina ay ang Office of the Ombudsman, Anti-Money Laundering Council,
05:26dating Sen. Antonio Trillanes IV, Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenue.
05:34Pending pa sa Quezon City Regional Trial Court, ang petisyon ng asawa ni VP Duterte na si Atty. Manasa Scarpio
05:41para pigilan ang pagsusumite ng BIR ng kanilang income tax returns sa Komite.
05:47Since it has been submitted already during the last hearing that was April 14,
05:55that is the reason why I said the issue of issuance of TRO is already moot and academic.
06:02Si Senate President Tito Soto, naghahanda na para sa posibleng pag-transmit ng Articles of Impeachment sa Senado
06:09na uupong impeachment court.
06:12Pinag-aaralan na raw niya ang rules of court at ikinukumpara ito sa rules ng Senado.
06:18Inimbitan niya ang ilang senador mula sa majority block sa isang hapunan kung saan na pag-usapan ito.
06:24Hindi naman nagustuhan ni Soto ang pahayag ni dating Presidential Spokesperson Salvador Panelo
06:30na desidido na raw si na Soto, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Risa Ontiveros at Sen. Kiko Pangilinan na i-convict
06:39si Sara.
06:40Tanong ni Soto, may crystal ball daw ba si Panelo?
06:44Tiniyak niyang mananatili silang impartial at hihintayin nila kung ano man ang ipipresenta sa Senado Impeachment Court.
06:52Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
06:58Bago ang pagpapatuloy ng pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte Bukas,
07:05kausapin natin si House Justice Committee Member at Bicol Saro Representative Terry Ridon.
07:09Magandang umaga at welcome po ulit sa Balitang Hali.
07:13Magandang umaga. Maraming salamat po sa pag-impita.
07:15Kumusta po yung paghahanda ng komite para sa pagdinig Bukas? Magiging explosive po ba ito?
07:21Tingin ko po ito po ay araw po para sa paghahanap po ng katotohanan dahil ang magsasalita na bukas,
07:29hindi mga star witnesses, magsasalita na bukas mga dokumento mismo.
07:33Doon po sa mga bagay relating po sa unexplained wealth at salin violations ng ating pangalawang Pangulo.
07:40So, inaasahan nun natin na masasalang bukas yung Ombudsman para talakayan po yung salin ng Vice President MLC.
07:48Papatungkol po doon sa mga inflows and outflows po ng mga bank accounts ng mag-asawang Duterte Carpio,
07:54yung po ng Securities and Exchange Commission para doon po sa mga fa...
07:59ng kanila pong mga nakalistang kumpanya, yung BIR para sa kanila pong tax payments,
08:03at panghuli, si former Senator Trillanes para doon sa konteksto ng mga bank accounts, bank records po ng pamilya Duterte.
08:11Kumpirmado po ba yung pagdalaw ni na Ombudsman Rimulya at dating Senator Trillanes?
08:16I think confirmed po in the last couple of days, nagsabi po sila publicly na sila po ay dadalo sa
08:22pagdinig po bukas.
08:23At again, ano po mga impormasyon yung inaasahan na itong tatalakayan nila at maisisiwal at bukas?
08:29Well, mayor po nga inaasahan po talaga natin yung pong malaking pagkakaiba mula po doon sa net worth na 88
08:38million
08:38na nakabanggit po doon sa 2021 salin po ng pangalawang Pangulo.
08:44At inaasahan po natin na maipapakita po ito sa pamamagitan po ng transaction reports na ginagawa po ng AMLC.
08:52So, yan po ay isa doon sa ating mayor na magiging testimonya bukas.
08:57At pangalawa, makikita din po natin yung mga corporate relations.
09:01Kasi as a preview, meron po tayo nakita ilang mga kumpanyang nakalista doon po sa salin po ng pangalawang Pangulo
09:09na malaki po yung kita pero malaki din po yung expenses.
09:14So, ibig sabihin, ito po ay maliit lang binabayad the buwis sa ating pamahalaan.
09:19So, yan po yung ilan po sa mga inisyal na mga resulta at forensics doon po sa mga kumpanyang nailista
09:26po ni Vice President Duterte.
09:28Kaugnay po ng binanggit nyo, may ibang personalidad pa kayang nakikita na dapat ipatawag sa pagdinig?
09:34Tingin ko sapat na ho yun dahil ang mahalaga naman dito, hindi ho yung personalidad.
09:38Ang mahalaga po bukas yung mga dokumento po nga maipapakita.
09:41Ano po yung laman ng mga dokumento? Ano po yung laman ng mga reports?
09:44Meron po bang pagkakaiba mula po sa declared sal-end ng ating pangalawang Pangulo na 88 million?
09:51Ito po nga laman ng mga dokumento po ito.
09:53At standing pa po yung invitasyon nyo sa Vice President Duterte na dumalo sa pagdinig?
09:57Sa lahat po ng aspeto, sa lahat po ng mga araw na meron pong pagdinig,
10:01may katapatan po ang pangalawang Pangulo na maghayag ng kanyang ebidensya,
10:05maghayag po ng kanyang depensa sa kahit anumang bagay na nabanggit noong nakaraan
10:10at mawabanggit po sa mga susunod pong panahon.
10:12Pag-usapan naman natin yung inilabas na Notice of Disallowance
10:15ng Commission on Audit sa Office of the Vice President.
10:18Pakipaliwanag po kung bakit kayo naniniwala na mapapalakas nito
10:21yung impeachment complaints laban kay Vice President Duterte.
10:25Well, mabigat po yung dalawang mga COA reports po na ito at COA decisions po na ito
10:30kasi tumataas po eh.
10:32From 73 million, nakakatali na po personal ang ating pangalawang Pangulo
10:36to 448 million na pinapabalik po ng pamahalaan mula sa kanya po nga mga personal na pag-aaring.
10:43Ibig sabihin, hindi po ito pananagutan lang ng opisina po ng OVP.
10:47Ito po ay personal na pananagutan ng pangalawang Pangulo
10:50at anong po mga kasamahan niya po sa OVP na nakapangalanan
10:55nito pong mga notice of disallowance at ito pong final COA decision po na ito.
11:00At kung sakali pong maibalik itong perang ito, ma-absolve po ba itong mga involved?
11:05Wala pong absolusyon kahit pong mag-solik ng 73 million o 448 million
11:11kasi syempre magkakaibang usapin po ito.
11:14Ibahoy-usapin sa COA, ibahoy-usapin sa Ombudsman para sa malversation,
11:18ibahoy-usapin sa impeachment kung saan pagtatanggal sa opisina ang penalty.
11:23So, kahit kung mag-solik po ng perang atin pong mga pangalawang Pangulo,
11:27tuloy po yung proseso po ng impeachment.
11:30May mga lumalabas po na para pabulaanan yung ilang bahagi ng affidavit ni Ramil Madriaga.
11:35Formal nyo ba silang iimbitahan sa komite o paano nila may paparating sa komite yung concern nila?
11:41Bukas po yung komite sa tatlong bahagi.
11:44Pag i-desisyonan po namin kung isasabpina po yung mga napangalanan ng mga personalidad,
11:48pwede rin po silang imbitahan sa huli pong pagdinig.
11:52At sila ho mismo, pwede ho magpunta sa komite para sabihin ho na gusto ho nilang dumalo.
11:57Dito po sa bagay nito.
11:58Lalo at higit, marami ho mga videos na lumalabas after the hearing.
12:02So, halimbawa, si Mr. Madriaga at saka si Mr. Kilala,
12:05magkakasama ho sila doon sa isang kantahan at sosyalan sa panahon ho ng kampanyahan.
12:11At kasama rin din ho, yung isa ho na babanggit doon sa pagbisita ho,
12:15supposedly sa BJMP facility sa Bikutan, si Atty. Joyce Dapat.
12:19So, ito pong mga personalidad ho na ito, up until today, mag-iisang linggo na.
12:23Parang wala pa ho tayo naririnig na absolute denial.
12:26Nakilala ho nila si Ramir Madriaga and that they have nothing to do with him.
12:31Sabi po ng ilang law experts, possibly maging state witness si Madriaga
12:34sakaling may isang pang reklamo sa business sa hinaharap.
12:37Ano pong minasasabi nyo rito?
12:39Pwede po siya maging state witness pagka ho ombudsman proceedings na po
12:42yung pinag-uusapan ho natin, particularly ho dito po sa malversation
12:46at kung magkakaroon man ho ng plunder charges.
12:49Pero sa pagsampaho sa impeachment proceedings,
12:53siyempre pwede pa rin ho siya maging witness doon po sa mga bahagi
12:58ng confidential funds misuse.
12:59Pero, at technically speaking, yung po nga state witness pa,
13:03ang mga criminal proceedings lang po, ito po ang bagay na ito.
13:06Okay, maraming salamat po sa inyong oras na binahagi nyo po sa balitang hali.
13:10Maraming salamat, magandang hali.
13:12Si House Justice Committee Member Representative Terry Ridon.
13:16Susubukan po namin hinga ng reaksyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte
13:19Kaugnay sa mga pahayag ni Congressman Ridon.
13:24Nasunog ang isang warehouse sa Valenzuela.
13:26Dahil po sa dami ng nakaimbak doon na pintura,
13:29naging pahirapan ang pag-apula sa sunog.
13:32Balitang hatid ni E.J. Gomez.
13:38Naglalagablab na apoy ang pinagtulungang apulahi ng mga bombero
13:42sa isang warehouse ng mga pintura sa Barangay Malanday, Valenzuela,
13:46mag-aalas 7 kagabi.
13:56Agad itinaas sa unang alarma ang sunog na umabot sa ikalawang alarma
14:01at mabilis kumalat at tumupok sa dalawa sa tatlong palapag ng gusali.
14:07Nagkaupo lang po ako dito sa garahe namin.
14:10Tapos nakita ko po lumalaki na po yung apoy.
14:13Napansin ko po sa task po yung unang apoy sa task po.
14:16Tapos hanggang lumaki na lumaki na.
14:18Luma-ponsi po namin yung saka yung mga linikas po namin dito yung sa gilid po.
14:24Dahil dikit po ng pader po yung nasunog po.
14:30Pahirapan sa mga bombero ang pag-apula
14:32dahil sa dami na mga nakaimbak na pintura ayon sa BFP.
14:37Challenge din po natin na may mga sumasabag din po na pintura sa loob
14:41and other liquids po.
14:43Tinanay po talaga namin na bumuga po ng AFFF yung foam po
14:49sa mga firetruck namin.
14:50Kaso po eh sa medyo lumawak na rin po kasi yung affected
14:55kaya hindi na po siya masyadong effective.
14:56Nag-cooling na lang po kami para hindi na po masyadong kumalat yung apoy.
15:01Umakyat na rin sa mga bubog ang ilang bombero para apulahin ang apoy.
15:05Aabot sa mahigit walumpong firetrucks ng BFP at fire volunteers ang rumispunde.
15:11Walang nasawi o nasaktan sa sunog ayon sa BFP.
15:14Ligas naman daw na nakalikas ang pamilyang may-ari ng warehouse.
15:18Gayun din ang ilang empleyado nito.
15:20Nasagip din ang ilang alagang hayop.
15:22Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang may-ari ng nasunog na warehouse.
15:26Patuloy naman ang imbistigasyon ng BFP sa pinagmula ng apoy.
15:30Pati na ang halaga ng pinsalang dulot nito.
15:34EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
15:40Ito ang GMA Regional TV News.
15:45Patay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis ang isang lalaki sa General Santos City.
15:59Sa kabila ng babala ng mga residente, patuloy sa pamamarilang pulis na yan sa isang bahay sa barangay Labangal nitong
16:05Sabado.
16:06Target ang lalaking sinasabing tumakas matapos sa reklamong nagpapatok ng baril.
16:11Ayon sa General Santos City Police, naggalit daw ang lalaki dahil sa problema sa pamilya.
16:17Patay sa inkwentro ang lalaki.
16:19Nasawi rin ang isang babaeng 12 anyos matapos matamaan ng bala na pinaniwala ang nagmula sa baril na gamit ng
16:26suspect.
16:27Nananawagan ng hostisya ang pamilya niya at kinukwestiyon ang operasyon ng mga pulis sa gitna ng residential area.
16:33Sabi ng pulis siya, inaimbestigahan nila kung may mga nalabag na safety protocols sa nasabing operasyon.
16:42Update sa nag-emergency landing ng aeroplano sa Iloilo International Airport.
16:47Sinabi po ng Philippine Airlines na nagkaroon ng pressurization indication ang masabing biyahe.
16:54Ayon sa PAL, galing dumagete Negros Oriental at papunta saan ng Maynila ang aeroplano nitong linggo.
17:00Pero dahil daw sa pressurization indication, nag-emergency landing sa Iloilo alinsunod sa safety protocols.
17:08Batid daw ng PAL na naging mahirap ang karanasan ng mga sakay ng aeroplano.
17:13Nagbigay naman daw sila ng tulong sa mga pasahero at crew.
17:17Ipinatatawag ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang mga piloto ng nasabing aeroplano para mag-report sa kanilang flight
17:25standards and inspectorate service bilang bahagi ng investigasyon.
17:30Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ka-app sa Philippine Airlines tungkol sa nangyari.
17:39Nagbigay ng tunet-tuniladang press dates ang Kingdom of Saudi Arabia sa Pilipinas.
17:46Handog po nila yan sa mga Muslim communities sa bansa.
17:49Malitang hatid ni Katrina Swan.
17:54Gina na pang isang ceremony para sa turnover ng press dates mula sa gobyerno ng Kingdom of Saudi Arabia at
18:01ng Saudi Embassy Chancery.
18:03Nasa 30 tonelada ng press dates ang mula sa Saudi Arabia.
18:07Ang press dates ay ibabahagi sa mga Muslim community ng ating bansa sa pamamagitan ng National Commission on Muslim Filipinos
18:15at Red Cross.
18:17This initiative reflects the Kingdom enduring a push to extend goodwill and solidarity to brotherly and friendly nations.
18:29Ang naturang dates ay ipapamahagi sana sa mga Muslim community dapat noong Ramadan na huli lang daw ang shipment nito.
18:37Malaking tulong ang binibigay ng Kingdom of Saudi Arabia sa amin sa mga dates especially mga during Ramadan na ano
18:44talaga, na gamit talaga na mga tao natin.
18:46Dito sa Manila binibigyan natin sa Queapo, binibigyan natin sa Taguig, sa Quezo City, marami tayong pinagbibigyan hanggang sa probinsya.
18:54Napakalaking bagay ito, lalo na sa parangon ng medyo hindi maganda, kulang ang pambili natin, mga kadagdag ito.
19:02Katrina Swan, nagbabalita para sa Jemay News.
19:11Iginate ni Iranian Parliament Speaker at Top Negotiator Speaker Muhammad Kalibaf na hindi sila makikipag-negosasyon kung patuloy na magbabanta
19:19ang Amerika.
19:21Sa isang expose, sinabi ni Kalibaf na hindi negosasyon ang gusto ni US President Donald Trump kundi pagsuko ng Iran.
19:27Nagahanda raw ang Iran habang umiira lang dalawang linggong ceasefire pero hindi tinukoy kung ano ang mga ito.
19:32Sabi na isang Pakistani source ng Reuters na sa Merkoles magtatapos ang ceasefire.
19:38Isang opisyal naman ng Iran ang nagsabi sa Reuters na pinag-iisipan pa kung magpapadala sila ng mga negosyator sa
19:44Pakistan para makipag-usap sa Amerika.
19:47Para ka-Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi, malaking balakid sa negosasyon ang pag-aharang ng Amerika sa Strait of Hormuz.
19:54Wala pang bagong sagot ang Amerika.
19:57Naunda nang sinabi ni US President Trump na may nilatag silang nuclear deal sa negosasyon ng Amerika sa Iran.
20:02Mas maayos daw yan kesa sa Iran nuclear deal noong 2015 na sinangayunan ng Amerika, Iran at iba pang bansa.
20:10Sa naunang peace talks ng Amerika at Iran, kabilang ang nuclear program sa mga hindi na pagkasunduan ng dalawang bansa.
20:18Balik po tayo sa mga balita sa bansa.
20:21Sa halit na makatulong, inire-reklamo ng ilang residente na lalo pa raw lumala ang baha dahil sa itinatayong pumping
20:29station sa barangay Talayan, Quezon City.
20:31Ang naturang pumping station kasama sa kwestyonable umano ang flood control projects na pinaimbisigahan sa Office of the Ombudsman.
20:39Balitang hatid ni Bea Pinlac.
20:45Dalawang taon na ang nakalipas mula nang simulang itayo ang pumping station na ito sa Matalahib Creek, Talayan, Quezon City.
20:52Pero hindi pa rin ito tapos at hindi pa rin mapakinabangan.
20:56Imbes na maibsa ng pagbaha sa mga kalapit na barangay, daing ng mga residente, tila pinalala pa raw nito ang
21:04problema.
21:04Talagang pag nagbaha malalim talaga, lagpa sa tao.
21:08Dati, matagal bago dumating ang tubig sa kalsada.
21:13At saka hindi naabot yung silong namin.
21:16Ngayon, Diyos ko po, wala pang five minutes nasa bahay na namin.
21:21Itong bagyo, umabot ng almost third floor namin.
21:24Ayon sa Quezon City LGU, hindi dumaan sa tamang proseso ang pagpapatayo sa pumping station.
21:30Pinalagan din daw nila ito, dahil hindi ang nila makatutulong sa problema sa baha, ang disenyo ng istruktura.
21:38Nung nabuild itong structure na ito, una, wala pong pahintulot ng lungsod, wala pong certificate of coordination, wala rin pong
21:46kahit anong permit.
21:48Nung wala ito, less yung baha dito sa area na ito.
21:52Nung tinayo ito at hindi tinapos, lumaga yung baha.
21:58In inspection kahapon ng DPWH ang pumping station, kasama ang Quezon City LGU at mga kinitawan ng UP Project NOAA
22:07at private sector.
22:10Sinisimulan na ang mga hakbang para maayos ang pumping station, gaya ng pag-iba sa mga nakaharang na estruktura at
22:17dredging sa San Juan River.
22:18Ang mangyayari po dito, kapag tinanggal natin yan, mabubuksan yung Matalahid Creek at mapupunta yung tubig sa San Juan River
22:27para hindi masyadong nagbabaha doon sa talayan.
22:31Maglalagay din ng mobile pumps at retention basin sa mga piling lugar.
22:35Pero sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon, baka sa susunod na taon pa ito maging fully operational.
22:42Yung pumping station, wala itong pondong ngayon, kaya hindi matapos-tapos.
22:48So we will have to fund this for 2027 para by the end of 2027 or before the rainy season,
22:55hopefully, operational siya.
22:57Isang Matalahid Creek pumping station sa mga maanumaliang flood control project na isinumitin ang DPWH at ICI sa Office of
23:06the Ombudsman.
23:08Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended