Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Igrit po ng kampo ni Sen. Ronald De La Rosa na walang legal na basehan para tawagin siyang isang pugante.
00:06Pariwala po ni Sen. Robin Padilla, nasa bansa si De La Rosa.
00:10Pero hindi ko mabibig kung magkasama ba silang umalis sa Senado noong Webes ng madaling araw.
00:15Saksi, si Ian Cruz.
00:21Senator Bato is absent?
00:23With 23 senators present, the chair declares presence of a chorus.
00:28Isang linggo matapos muling pumasok, absent ulit sa sesyon ng Senado kanina, si Sen. Ronald Bato De La Rosa.
00:37Pero ang sinasabing kasama niyang umalis sa Senado noong madaling araw ng Webes, naisi Sen. Robin Padilla present.
00:45Sen, ikaw daw ang huling kasama ni Sen. Bato?
00:47Kayo daw po nagpasama sa kanya.
00:49Huwag gabi-gabi yung magkasama.
00:52Totoo bang magkasabay kayong umalis dito noong Wednesday ng madaling araw at Thursday na ng madaling araw?
00:59Mas maganda po siguro kung magbibigay ng info niya namang pag natapos na investigasyon.
01:07Kasi mas maganda yung opisyan niya.
01:09Batay sa official report sa investigasyon ng mga pangyayari na ibinigay sa GMA News, sumakay si De La Rosa sa
01:16isang SUV na minamaneho ni Padilla bandang alas 2.30 ng madaling araw noong Webes.
01:22Sa mga oras na iyon, nakuna ng GMA News ang puting SUV na ito palabas ng Senado at ang flaka
01:30kapareho ng plate number na binabanggit sa official report.
01:34Sa panayam ng 24 oras, inamin ni Padilla na kanya ang sasakyan.
01:39Opo, sasakyan ko po yan.
01:42Nakasakay po mo dyan si Sen. Bato De La Rosa? Nung nakunan yan?
01:48Antayin na lang po natin, Tita Mel, yung investigasyon. Pero akin po yan.
01:53Sir, kayo? Nakasakay ba kayo dyan?
01:56Antayin na lang po natin yung...
01:58Pati kayo, hindi pwedeng itanong.
01:59Antayin po natin yung investigasyon po.
02:01Tinanong din si Padilla kung alam niya ba kung nasaan ngayon si De La Rosa.
02:06Nakausap po ba kayo? Wala nang magkahiwalay kayo sa Senado ng Webes?
02:10Ay, hindi po.
02:11Ah, wala? May sinabi po kasi kayong...
02:14Ay, di, sabi niyo sigurado.
02:16Ah, hindi ko po.
02:16Ay, siyempre naman. Kayo naman ay tatanungin ko ng maayos.
02:20Diba? Kasi yan ang gustong mahalaman ng taong bayan eh, sir.
02:24Yan po naman, yan hindi lang ako.
02:26Ay, pasensa na po.
02:26Kaya na itatanong sa inyo.
02:29Apo.
02:31Isa si Padilla sa itinuturing ng National Bureau of Investigation na Person of Interest,
02:36kaugnay sa pag-alisi De La Rosa sa Senado.
02:39Yan po ang dahilan kung bakit kailangan...
02:43Yan po ang dahilan.
02:44Kaya kailangan po na doon muna po tayo maglahad sa formal na investigasyon.
02:50Kasi kung hindi naman po nila sinabi na tayo po ay Person of Interest,
02:54eh, malaya po tayong makakapagkwento sa inyo kung ano ang mga naganap.
02:58Tayo yung nangangako, nagsasabi ngayon sa bayanan na pag nandoon sa investigasyon,
03:04sasabihin nyo na lahat. Ganon, Senator.
03:07Ay, wala akong record ng pagsisinungaling.
03:09Ako po ay rumispeto sa batas ng Pilipinas.
03:14At ako po ay nagpakulong dahil sa paggalang sa batas ng Pilipinas.
03:18Bago yan, natanong din si Padilla kaugnay sa kumalat na usap-usapang
03:23na mataan siya sa naia noong Huwebes.
03:26Walang sense naman yun. Bakit naman kami magpapakita sa airport pa?
03:33Hindi po totoo yung Naya, hindi totoo yung yate.
03:39Paniwala ni Padilla, hindi aalis ng bansa si De La Rosa.
03:44Hindi ka gawin ni Padilla. Mahal niya ng Pilipinas.
03:47Totoo po ba, sir, na nasa Davao siya?
03:49Ngayon? Naku, hindi ko alam. Wala akong idea.
03:53Nakausap niya ba ulit siya, sir? Nakausap niya na ulit siya?
03:57Siyan ba ito?
03:58Yan ang mahirap sagutin.
03:59Sa panayami Jessica Soho noong Merkoles, bago magkaputukan sa Senado,
04:06sinabi ni De La Rosa na lumutang siya sa Senado matapos ang anim na buwang pag-absent
04:11dahil tinawagan siya ni Cayetano.
04:14Tinawagan ako ng aking mga kasamahan na kailangan nandito ako sa Senado para sa butuhan.
04:20Tungkol saan daw yung butuhan?
04:21Change of leadership ng Senado.
04:24So kung hindi ako magdating, hindi namin makuha yung leadership dahil ako ang pang-13th vote.
04:30Pwede mo malaman sino tumawag po sa inyo?
04:32Si Senator Alan Cayetano, yung aming majority leader.
04:35Pero nagulat daw siya na may naghihintay na sa kanyang mga tauha ng NBI.
04:40Alam niyo ba na may mga naghihintay sa inyo?
04:43Kung alam ko na may nag-aabang, hindi na ako papasok.
04:46Pagpasok ko, pag doon sa pintuan, may sa gilid, may mga nakaupo.
04:50Dalawang babae, tsaka may mga lalaki.
04:52Kala ko mga staff na yun na Senador o kaya mga driver na Senador.
04:57Pagdaan ko, tumayo sila, hinarang ako.
04:59Sir, sir, sir, sir, NBI kami.
05:01Hinawakan yung braso ko.
05:03So nagpumiglas ako.
05:04Piglas ko ganun, takbo na ako.
05:05Habulan na kami hanggang nakarating ako sa session hall.
05:08Oberspeeding, run for your life, yung ginawa ko eh.
05:11Takbo!
05:12Nitong Sabado, nagsumite sa Korte Suprema ang OSG o Office of the Solicitor General
05:18ng 83 pahinang komento para ipabasura ang petisyon ni De La Rosa
05:24na harangin ang Ward of Arrest ng ICC.
05:27Anila, ang mga naging hakbang ni De La Rosa ay maituturing nagalawa ng isang pugante
05:33na walang karapatan sa anumang judicial relief.
05:36Sa social media post ni Atty. Israelito Toriyon,
05:40iginiit ng kanilang kampo na hindi nasagot ng OSG ang isyo sa kung anong batas sa Pilipinas
05:46ang nagbibigay pahintulot na arestuhin o isuko ang isang Filipino citizen sa ICC
05:53sa visa lamang ng ICC warrant.
05:55Anila, hindi pugante si De La Rosa at walang legal na basihan para tawagin siyang pugante.
06:14Ang isa pang abogado ni De La Rosa na si Atty. Jimmy Bondoc sinabing nagpulong sila sa Senado kanina
06:21para sa magiging tugon nila sa komento ng OSG.
06:24Noong nakarang linggo, sinabi ng Pangulo na wala siyang utos na arestuhin si De La Rosa
06:30pero ayon sa Malacanang, maari iyang magbago depende sa magiging pasya ng Korte Suprema.
06:37Iginagalang po ng Pangulo at ng administrasyon ang nakabingbing kaso sa Supreme Court
06:42ngunit hindi kailangang tumakas palabas ng bansa si Sen. Bato De La Rosa.
06:50Kapag siya ay nagtangka, ayon na rin sa DOJ, siya ay huhulihin.
06:54So kung yun po ang posisyon ng Pangulo last week, pwede po ito magbago
06:58depende sa magiging development sa pending na petisyon sa Supreme Court.
07:02Opo.
07:02Ako, si Ian Cruz, ang inyong saksi!
Comments

Recommended