00:00Tipid na sa oras ng pagluluto o humahaba parawang shelf life ng mga pagkain kapag inilalagay sa freezer.
00:08Suportado yan ng ilang eksperto basta't maging maingat sa paghahanda nito.
00:12Alam niyan sa Tip Talk ni Katrina Son.
00:19Nilaga, kare-kare, pati tsamporado.
00:22Ang mga pagkain niyan hinahango at hinahandaan ng 34-year-old working mom na si Izel Straight from the Freezer.
00:30Backup niya raw ang mga ito kung hindi makapagluluto agad.
00:33So malaking help po siya in terms of sa time, sa budget, and even mental load ko.
00:39Big help din in making sure na nakakakain ng tama yung family ko.
00:45Isang taon niya na raw ginagawa tuwing day off ang pag-prepare ng mga pagkain para i-freeze na natutuhan
00:51niya raw online.
00:53Maging kay Alvin Pablo, laking ginhawa rin daw ang pag-freeze ng pagkain.
00:58When I moved out, na-realize ko na gosh, ang hirap palang mabuhay mag-isa like I have to cook
01:03for myself every day.
01:05Madalas daw tumatagal ng hanggang tatlong buwan ang kanyang frozen meals.
01:09Ayon sa isang eksperto, sa pag-freeze ng mga niluto, mas marami raw ang nilalaang oras para sa sarili at
01:16pamilya.
01:17Lalo na kung abala sa trabaho.
01:19Ang pag-meal prep ng ganito ay maganda dahil ito ay tipid at actually maganda rin at masustansya.
01:25Dahil ang mga pagkain na frozen, madalas hindi agad nasisira at nag-degrade yung nutrition nito.
01:32Paalala ng eksperto, dapat maging maingat sa paghahanda nito.
01:36Dapat malinis ang kusina, malinis ang pag-prepare.
01:40Dapat airtight and freezer safe ang ating mga lalagyanan.
01:44I-check kung negative 18 degrees Celsius ang temperatura ng freezer.
01:49Sa ganitong lamig kasi, hindi napapanis ang pagkain at napipigilan ang pagdami ng mga mikrobyo.
01:55Pero kapag inalis na sa freezer at muling ininit ang pagkain,
01:59agad itong kainin at huwag nang ibalik sa freezer para hindi na masira.
02:04Katrina Son, GMA News.
Comments