00:00Marami man ang hamon na kinakaharap ng mga OFW, patuloy pa rin silang nagsisikap at nagbibigay inspirasyon sa ating mga
00:08kababayan.
00:09Kaya naman ngayong umaga, nakakasama po natin ang isa sa mga pinarangalan sa 2026 New Taipei Annual Awarding Ceremony
00:17na si Ms. Beverly Genobiagon Lagarto-Panco, isang OFW mula sa Taipei, Taiwan. Magandang umaga!
00:27Hello po, magandang umaga po. Rise and shine.
00:31Rise and shine, congratulations po ma'am. Tunay po nakakaproud na makilala ang mga Filipinong patuloy na umaani na tagumpay
00:39sa ibang bansa.
00:40Excited na po kami marinig ang yung journey at mga aral na may babahagay niyo sa aming mga ka-RSP.
00:46Ayun, ito unang tanong, Ate Bey. Kasi Ate, tawag ko sa kanya hindi kita.
00:51O, nasanay ako na Ate.
00:52Sabag yung parang same age lang natin.
00:54Yes!
00:56Ayan, para mas makilala namin kayo, pwede niyo po bang i-share kung ano yung trabaho niyo sa Taipei at
01:03ilang taon na po kayong OFW?
01:05Bale, ano po, nung dumating po ako dito, isa po akong pangkaraniwang factory worker.
01:12Pero sa tagal po ng panahon na pinagtatrabaho ko po dito, naging isa po akong team leader sa kumpanyang pinapasokan
01:20ko ngayon.
01:21Wow! Ilang taon yun? Ilang taon?
01:25Bale, sa ngayon po dito po sa company po na pinapasokan ko, magsa-seven years na po ako, pero mag
01:31-e-eleven years na po akong OFW dito sa Taiwan.
01:36Ayun, makikigay Ate Bey din ako ha.
01:38Sige.
01:39Ate Bey, curious lang din kami, bago ko dumating dyan sa Taipei, ano muna yung naging trabaho mo at pinagkakabalahan
01:46mo rito sa Pilipinas?
01:48Bale po, nagsimula po ako sa Pilipinas bilang pangkaraniwang factory worker din po.
01:54Matagal po na panahon nagtrabaho po ako sa Pilipinas hanggang sa nangarap din po ako gaya ng iba dahil sa
02:02hira po ng buhay namin.
02:04Nangarap po ako makapag-abroad para po mabigyan ng maayos na pumumuhay po yung pamilya po.
02:09Kaya sumubok po ako na magtrabaho po at makipagsapalaran po sa ibang bansa.
02:15Ayun, ito naman. Ano po ang inyong nararamdaman Ate Bey nang naging isa kayo sa mga pinarangalan sa 2026 New
02:22Taipei Annual Awarding Ceremony ngayong 2026 po ngayong taon?
02:26Siyempre po, masaya po ako nang makatanggap po ako ng parangal mula sa gobyerno po ng Taiwan.
02:32Dahil napakabihira lamang po sa mga isang foreign worker po, nakagaya po, ang mabigyan po ng ganitong klaseng recognition.
02:42Kaya malaking karangalan po ito para sa akin na na-recognize po ang sipag at effort ko po sa trabaho.
02:50Thankful din ako dahil na-appreciate din po ang aking pagtulog sa aking mga kapwa OSW, lalo na po sa
02:57aking mga katrabaho.
02:59Okay, bilang isa sa mga natutangin Pilipinong kinlala sa New Taipei,
03:04How was the journey? Ano yung mga pinagdaanan mo bago mo makamit itong tagumpay na ito?
03:10Noong una po dito po sa kumpanya po na pinagtatrabohohan po,
03:15dito po ako nabigyan ng pagkakataon para po maging isang team leader.
03:20At talaga po sa una, napakahira po para sa akin dahil lagi po akong may pangamba,
03:25kung kaya ko po ba itong responsibilidad na ibinibigay po sa akin.
03:29And dahil po sa buong suporta na rin po ng asawa ko, mga kaibigan ko,
03:36mga katrabaho ko po, yung mga boss ko, yung mga Taiwanese ko po na leader,
03:43sila po yung nagbibigay sa akin ng motivation, pinapalakas po nila yung loob ko,
03:48pinapakita po nila yung tiwala sa akin para patuloy ko pong nalalampasan po yung mga pagsubok
03:55dito po sa trabahong binigay po sa akin.
03:58At saka po sa panahon po na minsan po kasi merong ang bigat-bigat po ng responsibilidad,
04:04talagang dumarating po sa panahon na parang ayoko na, gusto ko ng sumuko.
04:09Ang hinding-hindi ko po kinakalimutan lagi po ay ang pagtawag po at lagi pong
04:15pagpanalangin po sa Panginoong Diyos po.
04:19Ito naman, ano yung pinakamahalagang aral na inyong pong natutunan habang natatrabaho
04:24at namumuhay sa ibang bansa?
04:27Sa pamumuhay po dito talaga ang nakita ko po sa tagal ko na rin po ng pamumuhay dito sa ibang
04:33bansa.
04:33Nakita ko po talaga yung disiplina po ng mga tao dito,
04:37lalo na po sa pagsunod nila sa mga batas at patakaran dito.
04:42Talaga pong pantay-pantay po ang tingin nila, hindi po naglalamangan.
04:47Marunong pong sumunod lahat sa batas at hindi rin po dito inugali ng mga tao dito,
04:52yung mga alam po sa buhay ng ibang tao.
04:55Malaki po ang epekto ng pananaw at pumumuhay bilang isang OFW po.
05:00Kung maia-apply po natin itong ganito pong sistema sa ating bansa,
05:06yung pagsunod po sa batas, yung pagiging disiplinado po,
05:10makikita ko po na talagang maganda po ang kalalabasan
05:13at magiging ganito rin po sanang kaganda kung ano po yung pamumuhay nila dito sa Taiwan.
05:19Kung maia-apply po natin ng mga ganitong sistema nila sa Pilipinas,
05:24lalo na din po tayo mga Pilipino, napakaganda po talaga ng kalalabasan.
05:28Ayun, sana nakikinig yung mga chismos ang kapitbahay ng mga ka-HRSP natin, ha?
05:33Pero you are an inspiration indeed sa amin, Ate Bay.
05:37Baka pwedeng bigyan mo naman kami ng tayo para sa mga nananais din na maging isang matagumpay, no, IFW?
05:45Para sa akin po, mahalaga po na be thankful po tayo at patuloy po na magsikap sa trabaho natin
05:52dahil hindi naman po lahat po ng tao ay nabibigyan po ng pagkakataon na magkaroon ng opportunity
06:00na makapagtrabaho po at mabigyan ng magandang trabaho dito sa ibang bansa.
06:05Kaya lagi po nating pahalagahan at kung halimbawa sa kasulukuyan naman pong sitwasyon natin sa Pilipinas,
06:14nakikita naman po natin, di ba, kung gaano po kahirap yung pamumuhay natin dyan.
06:19So, pahalagahan po natin yung trabaho natin dito, lalo na po sa kagaya kong mga OFW,
06:26isipin na lang po natin na nakakapagbigay tayo ng support sa pamilya natin
06:31at saka po, nasaganan hindi po nila masyadong maramdaman kung gaano po ang hirap ng pamumuhay dyan.
06:39Dahil dito po sa Taiwan, napakabuti po at nakapagbigay ng bansang ito sa ating mga Pilipino,
06:46huwag po nating abusuhin, yun na lang po, huwag po nating abusuhin ang tiwala sa atin ng bansang Taiwan,
06:52lalo na po yung kaluwagan na ibinibigay po sa atin.
06:56Lalo na po, open po sila sa ating mga Pilipino,
06:59para po dun sa mga nagnanais din po na makapagtrabaho din po sa bansang ito.
07:06SELFA, bilang isang maging matagumpay na OFW.
07:11Yes, maraming maraming salamat Ate B,
07:14sa pagpabahagi ng iyong heartwarming story bilang isang OFW.
07:18Isa kang patunay na sa pamamagitan ng sipag at pagtsatsaga,
07:22kayang makamit na mga Pilipino ang tagumpay saan man sa mundo.
07:27Patuloy po kayong maging inspirasyon sa ating kababayan.
07:30Thank you so much Ate B.
07:32Thank you Ate B.
Comments