00:00Bukod sa Metro Manila, inulan din ang ilang lugar sa Luzon at Mindanao ngayong weekend na nagdulot ng pagbaha.
00:07Nakatotok si Jamie Santos.
00:11Lumusong sa hanggang gutter na baha kagabi ang mga sasakyan sa barangay Manuyo 2 sa Las Piñas.
00:17Ang kalsada papasok sa isang subdivision, tila naging lawa kasunod ng ulan.
00:22Kaya napilitang lumusong ang mga residente.
00:25Pagka umuulan po talagang lagi akong bumaba dyan. Naayos po yung kanal, pinalalakihan po yung Marulas Creek po.
00:33Gagawa po ng palibagong drainage na papunta po sa main creek po natin.
00:40Hanggang gutter din ang baha kagabi sa bahagi ng Aguinaldo Highway sa Bacoor, Cavite.
00:46Umulan din sa Dagupan City pasado alas 8 kagabi.
00:50Bumaha sa ilang kalsada at humupa matapos ang halos 2 oras.
00:55Ilang araw nang umuulan tuwing hapon sa Senador Ninoy Aquino Sultan Kudarat.
01:00At nang sumungit ang panahon kahapon, umapaw ang mga sapa at ilog at binaha ang mga kalsada at bahay.
01:07Nalubog din pati babuyan ng isang residente. Kaya sinalba ang mga baboy.
01:14Pinasok din ang tubig baha ang ilang bahay sa tabing kalsada sa Dato Abdula Sangki, Maguindanao del Sur.
01:20Umapaw sa National Highway ang tubig at putik mula sa ilog at sapa kasunod ng pagulan kahapon.
01:28Sa Tampakan, South Cotabato, nagka-traffic ng humambalang sa kalsada ang mga sanga at puno na napinsala ng malakas na
01:35hangin at ulan.
01:37Pinagtulungan ang mga residente at ilang motorista na alisin ang mga kalat.
01:42Ayon sa pag-asa, localized thunderstorms ang nagpaulan sa Metro Manila, ilang bahagi ng Luzon at sa Mindanao kahapon.
01:50Jamie Santos, Nagkatutok, 24 Oras.
Comments