Skip to playerSkip to main content
Aired (May 16, 2026): Kilalanin si Mariet Bakani at ang sinaunang Ayta healing ritual na “pag-aanito,” kung saan ang mga hayop ay mahalagang bahagi ng kanilang paniniwala at tradisyon. #PlanetXP #GMANetwork #GMAPlayground

Ang Planet XP ay isang partnership ng GMA at National Council for Children’s Television.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Finally, we are here at Barangay na Buklod.
00:02Thank you, Kuya Bong, Ate Ruth.
00:05Uy, ano yun?
00:08Yo! Mission 1 accomplished!
00:11Ayos!
00:12I'm going to do the next mission
00:14to level up my XP.
00:20Siya si Nanay Maria at Bacani,
00:22residente ng Barangay na Buklod
00:24at certified pet lover.
00:26Sila ang kanyang mga alaga.
00:27Mga baboy at saka bibi.
00:31Dito sa amin,
00:33walang nagkukulong ng bibi.
00:35Ganyan lang sila nakaano yung mga bibi, nakawala.
00:39Buti na lang kahit nangangapit bahay ang mga alaga niya,
00:42kilalang kilala niya ang kanyang mga bibi.
00:44Alam ko yung kulay ng bibi ko
00:47tapos may tanda yung paan nila.
00:49At pag napapasarap ang gimmick ng mga bibi,
00:52tinatawag niya ang mga ito.
00:53Parang tumawag ka ng mga manok.
00:59Ang paboritong bonding time nila,
01:01merienda time.
01:02Ano kayong paboritong merienda ng mga bibi niya?
01:05Mga bigas tapos yung mga kanin na luto.
01:10At dapat laging busog ang mga bibi niya
01:12dahil sila naman ang source ng protina
01:14ng pamilya ni Ate Mariette.
01:18E sa baboy ho, nanay Mariette,
01:20ano hong pinapakain ninyo?
01:21Yung mga tira-tirang pagkain
01:24ang pinapakain namin sa kanya.
01:26Ang paboritong pagkain ng baboy nila?
01:28Ano lang, kamuting kahoy,
01:30tapos yung kamuting baging.
01:32Healthy ah!
01:34Nalaman ko rin na may mga paniniwala pala
01:36mga Ate noon tungkol sa mga baboy
01:38ang pag-aanito.
01:40Pag isang tao na may sakit,
01:44aanituin yung isang tao na may sakit,
01:49tapos ilalagay sa baboy yung nakuha doon sa isang tao.
01:52Pag, alimbawa, nakaiga yung isang tao,
01:56kukuha sila ng ganyang kalapad na puting damit,
02:03i-aano nila sa tao yun.
02:06Tapos, gagaling naman.
02:08Tapos, yung dugo ng baboy,
02:11ilalagay dito sa noonang isang may sakit
02:15na tanda na hindi na babalikan ng sakit.
02:20Na-experience pa rin ito na Ate Mariette.
02:22Ano, nakita ko noon, bata pa ako.
02:26Pero, hindi na raw ginagawa ang pag-aanito ngayon.
02:30Sa ngayon, okay na yun na hindi na pinagpapatuloy
02:33kasi ang ano ng mga tao dito,
02:37kahit na wala yung pang-aanito,
02:41may hospital naman na, ano,
02:45kinatakbuhan ng mga tao dito.
02:48Sa kwento ni Nanay Mariette,
02:50nag-gets ko na nagbabago rin pala
02:52mga nakagawian ng mga katutubong Aita
02:54pagdating sa pag-aalaga ng mga hayop.
Comments

Recommended