00:00Ipinanawagan sa camera ang agarang pagpapatupad ng suspensyon sa excise tax ng LPG at kerosene.
00:06Yan ang ulit ni Vell Custodio Live. Vell?
00:12Eyes, kasunod na anunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng suspensyon ng excise tax para sa LPG at kerosene,
00:21na isang camera na maramdaman agad ng publiko ang epekto ng suspensyon ng excise tax.
00:26Sa pagdinig ng Legislative Energy Action Development o LEAD,
00:31iginiit ni House Committee on Waste and Mean Chair Perison Miroquimbo na dapat agarang ipatupad ang polisiya
00:38para makatulong sa mga Pilipinong apektado ng mataas sa presyo ng langis.
00:42Aapot sa P37 ang maibabawa sa bawat tangke ng liquefied petroleum gas o LPG,
00:48habang P5.60 naman sa bawat litro na kerosene dahil sa suspensyon ng excise tax.
00:55Pero ayon sa Department of Finance, hindi ito agad maipatutupad dahil hindi nito saklaw
01:01ang kasalukuyang inventaryo ng mga oil company.
01:04At ang pagbabago sa excise tax ay para lamang sa mga darating na supply ng krudo.
01:09Batay sa ulat ng Department of Energy,
01:11600,000 bariles ng crude oil ang nakatakdang pumasok sa Pilipinas sa April 16 hanggang 25.
01:18Samantala, bukas din ang LEAD para pag-usapan ng posibleng pag-suspinde ng 12% value-added tax.
01:24Ayon kay Kimbo, handa ang Kamara na pag-aralan ang lahat ng opsyon.
01:28Ngunit dapat mabusisi itong suriin para matiyak na may tunay na epekto ang pagbaba ng presyo
01:34ng hindi lubhang naapektuhan na ekonomiya.
01:37Kayang gawin ng gobyerno na isuspindi ang buwis.
01:41Kasi hindi lang naman ito yung pinagkukuna ng buwis ng ating pamalaan.
01:45Maraming mga malalaking mga negosyo, malalaking mga negosyante na hindi nagbabayad ng buwis.
01:49Baka mas ito yung kailangang habulin ng ating pamalaan.
01:53Sana i-certify as urgent ni Pangulong Marcos ang pag-suspinde ng VAT sa petroleum products
02:01at ang pagbaba ng VAT sa lahat ng bilihin from 12 to 10%.
02:05Ayon naman sa Palacio, hinihintay lang nito ang panukala na manggagaling sa Kongreso
02:10para mabigyan ang kapangyarihan ng Pangulo na isuspinde ang VAT.
02:14Wala pong kapangyarihan ng Pangulo na mag-suspend ng VAT
02:18dahil wala pong batas sa ngayon na siya'y binibigyan ng kapangyarihan.
02:22So baka nagkakaroon po ng misconception
02:24at ngayon ay baka nakakarating sa mga transport sector,
02:30sa mga drivers, sa operators na
02:32sa isang click ay ma-suspend ang Pangulo, ang VAT.
02:36Wala pong kapangyarihan sa ngayon ang Pangulo na mag-suspend or mag-reduce ng VAT
02:43dahil wala pong batas na siya'y binibigyan patungkol dito.
02:47Pagtitiyak ng Malacanang na dinidinig ng Pangulo
02:50ang mga hinaing ng mga nasa sektor ng transportasyon.
02:53Ay samantala isinusulong naman ni Representative Brian Poe
02:57ang pagpapasa ng Biofuels Act at pag-amienda sa Waste to Energy Act.
03:02Ito ay upang maging handa ang bansa kung sakaling magkakaroon muli ng energy emergency.
03:08Balik sa iyo, Ais.
03:10Maraming salamat, Vell Custodio.
Comments