00:00Samantala, pamamahagi ng cash relief assistance ng DSWD Davao Region sa Jeepney Drivers naging maayos.
00:07Pero halos 200 unclaimed assistance na itala.
00:11Si Regine Lanuza sa Sentro ng Balita.
00:15Matagal nang hinihintay ng jeepney driver na si Danilo na dumating ang ayuda para sa kanilang mga driver.
00:22Kaya nang makatanggap ito ng text message na maaari na niyang makuha ang cash relief assistance,
00:26agad siyang nagtungo sa Agdao Public Market kung saan isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development 11 ang cash
00:34payout.
00:34Ayon sa kanya, hindi na siya namasada. At alasais pa lang ng umaga ay nakapila na siya.
00:40Matapos makuha ang ayuda, agad siyang bumalik sa pamamasada.
00:52Ayon sa DSWD-11, matagumpay ang unang araw ng distribusyon at kaunti lamang ang naranasang problema
01:00kumpara sa nangyaring distribusyon ng ayuda para sa mga tricycle drivers.
01:04Sa unang araw ng distribusyon, nasa isang libong beneficiary sana ang target na mabigyan ng tulong penansyal.
01:10Ngunit nasa 809 na drivers lang ang kumuha.
01:14Ayon sa DSWD-11, na maaari pang makuha ang unclaimed subsidies sa uling araw ng distribusyon.
01:21Ang mga daylan kung bakit may mga unclaimed, isa doon, yung hawak nilang lisensya ay non-professional.
01:28So hindi talaga natin ibibigay yun. Yung iba naman, hindi talaga pumunta.
01:33Pangalawa, yung iba naman, nagpadala lang ng proxy. So hindi natin pwedeng ibibigay yun.
01:40Inamin ng DSWD-11 na may natanggap ang kanilang tanggapan ng mga reklamo sa social media
01:46na mga di umano, di nakatanggap ng ayuda.
01:49Paglilinaw na opisyal, may sinusunod umanong proseso at hindi basta-basta ibinibigay.
01:54Mas mabutihan niyang lumapit sila sa kanilang mga employer na siyang makikipag-ugnayan
01:59sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nagbibigay ng listahan sa kanilang tanggapan.
02:04Kadalasan, ang natatanggap ng reklamo ay mula sa mga taxi driver, food delivery riders at iba pa.
02:11Una-una, pag delivery food driver ka ng malalaking kumpanya, alam namin, ang opisina talaga yan, nasa Maynila.
02:18So dapat napitag-ugnayan na sila sa LTFRV, Central Office, para automatico na may sali nila.
02:26Yung lahat ng driver nila, hindi lamang sa Davao, kundi sa buong Pilipinas.
02:31Gayunpaman, inaasahan ang tanggapan na mananatiling maayos at payapa ang pagsasagawa ng cash payout
02:36sa mga susunod na araw.
02:38Mula sa PTV Davao, Regine Lanuza, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.