Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:06Sinugod at pinagbantaan ng armadong lalaki at dalaman niyang kasama
00:10ang isang bahay sa North Zagaray sa Bulacan.
00:14Ang kanila umanumpaka ay resbakan ng magkapatid na sakay ng SUV
00:17na nakaalitan nila dahil umano sa git-gitan sa kalsada.
00:22Ang mga nanugod na sakay ng motorsiklo
00:24e napag-alaman ding nakainom nang mangyari ang away kalsada.
00:28Nakatutok si June Veneracion.
00:33Takot na takot ang mga nakatira sa bahay na ito sa North Zagaray, Bulacan
00:37nang sinugod sila ng isang armadong lalaki at dalaman niyang kasama.
00:56Hinahanap pala ng mga umataking lalaki
00:57ang mga nakaaway nilang magkapatid na nakatira sa lugar.
01:05Sa embestigasyon ng Bulacan Provincial Police Office,
01:08nagugat ang gulo sa git-gitan sa kalsada.
01:11Nagkainitan daw ang magkapatid na sakay ng SUV
01:14at ang dalawang nakamotorsiklong sumugod sa lugar.
01:17Nakainom daw ang mga nakamotorsiklo nang mangyari ang git-gitan.
01:30Ang lalaking may dalang baril ay tinawag lang daw ng mga nakamotorsiklo para tulungan sila.
01:35Nagkaroon po ng konting komosyon doon sa lugar.
01:39At ang matapos po ang komosyon, sinundan po nitong mga suspect natin itong mga complainant hanggang sa kanilang bahay.
01:45At pagdating po doon, nagbanta po sila na babalik kami.
01:49Doon po nila tinaawag na yung kanilang kaibigan, yung po yung nasa video na may dalang baril.
01:55Nangyari ang insidente noong May 3.
01:57At kinabukasan, naaresto ang dalawa sa tatlong suspect.
02:00Noong naaresto po itong dalawa na suspects na nakamotor ay kinasuan na po natin noon ng grave threat, malicious mischief
02:13at trespass po sa dwelling.
02:16Pinagahanap pa ang suspect na may dalang baril.
02:18Pero sinampahan na rin siya ng reklamang paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos matukoy ang pagkakakilanlan.
02:27Wala siyang record sa LTAP at meron po naka-reistro sa kanyang baril,
02:32ngunit ito po ay expired pa noong 2016 kaya po siya ay nakasuan ng violation ng RA-10591.
02:41Tumangging magbigay ng pahayag ang dalawang nahuling suspect na nasa kustudiyan ng Norzagaray Police.
02:47June Van Arasyon na Katutok, 24 Horas.
02:51Inalmahan ni Vice President Sara Duterte ang ilang ipinupukol sa kanya online.
02:57Kabilang, ang umano'y pamamato niya ng laptop sa miyembro ng kanyang defense team na si Atty. Michael Poa.
03:05Nakatutok si Marisol Abdurama.
03:11Sa video niyong binigay ng kanyang tanggapan, sinagot ni Vice President Sara Duterte ang kumakalag sa social media
03:17na binato niya umano ng laptop si Atty. Michael Poa, ang nagsisibling spokesman sa kanyang impeachment complaint.
03:24Itinaggin ni Duterte ang kwentong ito.
03:26Ang dami pong mga statements na lumalabas sa different platform ma'am na tinapunan mo daw ng laptop ang isang
03:33empleyado mo ma'am na si Atty po.
03:36Actually, sa totoo lang, masyado na siyang basura ba ng gossip na hindi na din siya dapat pinapansin.
03:47Never in the history sa aking trabaho ako nagtapon ng laptop sa isang kulig o sa isang empleyado o sa
04:00isang abogado.
04:02Pangalawa, hindi ako gumagamit ng laptop kasi hindi ako marunong gumamit ng computer.
04:13Sa lahat ng mga documents, nirely ko lang yan sa kasamahan sa...
04:21Sunod ay, yung laptop ko, personal ko siya na laptop.
04:27Binili ko siya, mahal siya, and hindi ko siya itatako.
04:33Basta-basta, personal ko yun.
04:35Pag nasira yun, ako din yung gagasos at bibili ng...
04:41Hinihingan pa namin ang pahayag tungkol dito si Atty. Poa.
04:45Pinalagan din ang BC ang ilang paglalarawan umuno sa kanya sa social media.
04:49Parang, ano ba ang gusto nilang ipalabas ng naratiba?
04:55Baliw ako. Ano pa ba?
04:58Bobo ako. Pro-China ako.
05:03Competent.
05:04So, lumalabas din yan sa kanala.
05:10Dati, nagsasabi sila, brat ako, pero ewan ko, tumitigil na sila ngayon.
05:14Unstable, ma'am?
05:15Oo yan, baliyo nga. Unstable. So, yun yung sumasabi ko. Basura na siya, pero siyempre dahil nakoconsume siya sa social
05:27media para paboran yung narrative na gusto ng kalaban.
05:36Ayun pala, corrupt maglalakaw.
05:38Sa tinukoy niyang paninira umuno at ang pinagdaraanan ngayong impeachment complaint, sabi ng BC.
05:44Alam nyo naman na hindi ko gusto maging president. Kaya nga ako hindi kumakbo ng president.
05:55So, para sa akin, kung manatili ako vice president, well and good. Mas marami pa akong matutulungan through the office
06:06of the vice president.
06:09Kung hindi man din ako maging vice president, okay lang din sa akin. So, makakatulong pa rin ako sa mga
06:22tao sa ibang capacity na, sa ibang pamamaraan.
06:26Pero ang tanong niya, tungkol saan ba ang impeachment?
06:30Is this accountability or is this about removing a person who doesn't agree with the administration?
06:40Marisol Abdurrahman. Nakatuto, 24 oras.
06:46Itinagiri ni Atty. Michael Poa ang aligasyong binato siya ng laptop ni Vice President Sara Duterte.
06:52Ito raw ay fake news at completely false.
06:58Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang petisyon para ipatigil ang impeachment proceeding sa Kamara laban kay Vice President
07:07Sara Duterte.
07:08Ang petisyon ay iniharap ng asawa ng bise na si second gentleman Manasas Carpio.
07:14Sa desisyon, sinabi ng Korte na hindi ito maaring manghimasok sa ginagawa ng Kamara na alamin kung may sapat na
07:21batayan para litisin ang impeachment complaint.
07:24Itiro kasi ay kanilang tungkulin na nakapaloob sa saligang batas.
07:29Ang Kamara rin daw ay isang co-equal branch ng hudikatura, kaya dapat daw sa Supreme Court if inile ang
07:36petisyon.
07:37Kaya hindi nito pinagbigyan ang petition for prohibition ni Carpio dahil sa lack of jurisdiction at hindi rin pinagbigyan ang
07:45hiningi niyang writ of preliminary injunction.
07:49Mga kapuso, sumuko na sa mga otoridad ang driver na sangkot sa nahulikam na gas and run kamakailan sa Quezon
07:55City.
07:56Ang kanyang dahilan sa pagtutok ni James Agustin.
08:03Ilang araw matapos ang nakunan sa CCTV na insidente ng gas and run sa isang gasolinahan sa barangay Bahay Toro,
08:09Quezon City,
08:10kung saan tinakbuhan ng driver ang pampatenda at hindi binayaran ang 1,500 pesos na pinakargang gasolina.
08:16Sumuko na ang 38 anyo sa driver.
08:19Pasadol at sumebe kagabi na dumating sa Quezon City ang driver na galing sa Nueva Ecija.
08:25Hinikayat daw siya ng kanyang nanay at asawa na makipagtulungan sa mga otoridad.
08:29Tatakot po ako kasi hindi ko naman po talaga intention na tumakbo sir.
08:33Opo, bakit nyo ba nagawa yun sir?
08:35Natataranta po ako eh.
08:37Kasi po, nahaway po ako nung wife ko dahil nagkocall nga po sa akin dahil po yung anak ko may
08:44hika po kaya medyo tuliro po ako eh.
08:49Kaya hindi ko na rin po naisip kung na-scan ba yan o hindi na-scan.
08:54Diretso po ako, nagmamadali po ako eh.
08:55Unang nakipag-ugnayan sa Holy Spirit Police Station ang driver.
09:00Iturnover naman siya sa Project 6 Police Station na nakakasakop sa pinangyarihan ng insidente.
09:05Sa police station, nagkaharap ang driver at 20 anyos na pampatenda.
09:10Todo ang pagsisisi ng driver.
09:12Gusto ko pong humingi ng tawad sa kanya para lang po sa mga anak ko kasi naghahanap buhay po ako
09:17eh.
09:19May sakit po talaga yung kambal kong anak na hika po.
09:24Willing naman po ako magbahid sir kung yung danos po na lang nagawa ko sa kanya.
09:30Desidido naman ang pampatenda at nasampahan ng reklamong estafa ang driver.
09:35Itutuloy ko po yung demanda sa kanya kasi nga po, nagtatrabaho lang po ako ng maayos tapos ganon pa yung
09:44mangyayari.
09:46Gusto ko lang po na sir, humaban po kayo ng patas.
09:50Kasi ako nga po, nagtatrabaho ko ng maayos, galin pa akong probinsya.
09:55Bago nangyaring pagsuko na tukoy ng polisya sa tulong ng CCTV,
09:59ang plate number ng kotse na minamaneho ng driver.
10:02Doon na pag-alaman kung kanino ito nakarehistro.
10:05Dahil na-identify po natin through our coordination with other government agencies like LTO,
10:11nakuha po natin yung records niya, nakuha natin yung address niya.
10:15Pinuntahan po natin kanina sa Nueva Ecija.
10:18Unfortunately nga lang wala siya doon.
10:20However, nakuha natin yung kanyang contact number.
10:22And tinawagan po natin.
10:25And ang maganda po doon, in-express niya ang kanyang intensyon na sumuko.
10:30I-impound na muna ng polisya ang kotse ng driver habang naka-alarma ito dahil sa insidente.
10:36Bilang konsiderasyon, hindi ibinawas ng pamunuan ng gasolinahan sa sahod ng pump attendant
10:41ang hindi nabayarang 1,500 pesos.
10:44Nagambagan din ang mga polis para mabigyan ng tulong ang pump attendant.
10:48Nagbigay po ang station ng tulong through ambagan nga ng ating mga personnel
10:52para at least man lang makalesen doon sa burden nga na kanyang dinanas.
10:58Papasalamat lang po ako sa nag-abot pa sa akin ng tulong.
11:02James Agustin, Nakatuto 24 Horas
11:07Mga kapuso, may inaasahan pong pag-alaw muli sa presyo ng langis sa susunod na linggo.
11:13Ayon sa Oil Industry Sources, posible ang hanggang 4 piso at 50 centimong rollback sa kada litro ng diesel.
11:21Ang presyo ng gasolina naman may tsyansang tumaas ng hanggang 2 piso at 25 centimong kada litro.
11:29Wala pang informasyon kung may pag-alaw sa presyo ng kerosene.
11:34Bilang chairman sa ASEAN ay pinulong ni Pangulong Bongbong Marcos,
11:39ang mga leader ng Vietnam at Cambodia sa pag-asang maplan siya ang gusot
11:44na dulot ng tensyon sa kanilang mga border.
11:46Isa lang yan sa mga pulong sa sideline ng ASEAN Summit bago ang formal nitong pagbubukas sa Cebu.
11:54At live mula roon, nakatutok si Ivan Ayrin.
11:57Ivan!
12:01Vicky, ang koordinasyon at pagkakaisa sa pagharap sa epekto ng gera sa Middle East
12:07ang isa sa pangunahing paksa ng ASEAN Summit ngayong taon na pinungunahan ng Pilipinas dito sa Cebu.
12:163, 2, 1
12:18Nasa Cebu na ang lahat ng mga leader at kinitawa ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations
12:23o ASEAN.
12:24Bago ang mga pagpupulong ng lahat, ay may sideline meetings na.
12:28Bilang ASEAN chair ay nagpatawag ng trilateral meeting si Pangulong Bongbong Marcos ngayong gabi
12:32sa pagitan ng Pilipinas, Cambodia at Thailand.
12:35Mula na itong nakarang taon, ay nagkakaroon ng bakbakan sa pagitan ng Thailand at Cambodia
12:40dahil sa away sa teritoryo.
12:42Daan-daan na ang namatay at daang libon tao na ang nagsilikas dahil sa sigalot na ito
12:46na layong mapahupa sa pagpupulong na ito.
12:50Bago niya rin, nakapagpulong din si Pangulong Bongbong Marcos kay Vietnamese Prime Minister Le Minh Hong.
12:55Nagkasundo silang magtatag ng pangmatagalang rice trade mechanism
12:59na titiyak sa supply ng pagkain ng Pilipinas at Vietnam.
13:03Napag-usapan din ang kooperasyon sa pagsawata sa transnational crime
13:06kabila mga scam hub at human trafficking
13:09at ang pagtutulungan para isulungang turismo.
13:12Naganap din ngayong hapon ang pulong ng BIM-Eaga
13:15o ang Brunei de R.S. Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area
13:19isang matatawag na sub-region sa ASEAN
13:22na layong paunlarin ng ilang remote area ng mga nasabing bansa
13:25sa larangan ng agrikultura, turismo at edukasyon.
13:28Today's discussions highlight key milestone programs and projects
13:33that are already making a big difference in our communities,
13:37creating livelihoods, strengthening connectivity
13:40and expanding opportunities especially in the sub-region's growth areas.
13:46Bukas sa man ay kabilang sa pag-uusapan nila sa summit dito
13:49ang energy security, food security at kaligtasan ng mga mamamayan ng Southeast Asia.
13:54Partikular na pagtutunan ng atensyon ang tugon ng ASEAN countries
13:58sa epekto ng tensyon sa Middle East.
14:00Nauna rito, naglabas ang pahayagang ASEAN bilang isang regional bloc
14:04para sa agarang pagtigil ng karahasan sa Middle East.
14:07We urge all parties in the Middle East to continue negotiations
14:11that will lead to the permanent end of the conflict
14:14affecting the lives of millions of people across ASEAN.
14:17Bagamat oil producing ang Indonesia, Brunei, Thailand at Malaysia,
14:2266% pa rin ang inaangkat na crude oil ng ASEAN member states
14:25ang mula sa Middle East.
14:27Dahil sa pagmahal ng petrolyo,
14:29apektado rin ang supply at presyo ng pagkain at iba pang raw materials
14:32na kailangan ng mga negosyo para sa iba pang bilihin
14:35na hanapan ang solusyon sa mga pagpupulong.
14:38What began as a distant crisis is now affecting energy prices,
14:42supply chains, and economic conditions across ASEAN.
14:47These are not isolated effects.
14:49These are a reminder that our economies and our vulnerabilities are closely linked.
14:59Vicky, hanggang sa mga oras sa ito ay nagaganap pa rin
15:03yung trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas,
15:06ng Cambodia at ng Thailand.
15:08Mahalaga ang magiging kalalabasan ng pulong na yan, Vicky,
15:11dahil isinusulunga ng ASEAN ang pagkakaisa
15:14at ang ASEAN centrality.
15:16At kailangan maayos itong mga ganitong sigalot
15:20sa pagitan ng mga ASEAN member states.
15:24Alas 7 ngayong rubi,
15:25inaasahan maglalabas ng statement
15:27ang Pangulo at gayon din ang leader
15:30ng Cambodia, Thailand,
15:31kaugnay ng kalalabasan ng trilateral meeting na yan.
15:34Samantala, ngayong gabi rin ay may dinner
15:36na i-host ang first couple
15:39para sa mga bisita mula sa mga ASEAN member states.
15:42Vicky.
15:43Maraming salamat sa iyo, Ivan Mayrina.
15:46Abogado ang mga senador na tumayong presiding judge
15:49sa mga nakaraang impeachment trial.
15:51Dahil hindi ganyan ang sitwasyon ngayon,
15:53may mga mungkahing magtalaga ng isang abogadong senador
15:56bilang impeachment court administrator.
15:59Ang tugod ng napipisil pararyan
16:02sa pagtutok ni Mav Gonzales.
16:07Pinag-iisipan pa ni senador Kiko Pangilinan
16:10kung tatanggapin ang posisyong maging impeachment court administrator
16:14sakaling matuloy ang impeachment trial
16:16ni Vice President Sara Duterte.
16:18Kahapon, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ping Lakson
16:21na napag-usapan ang posibilidad na gumawa ng ganitong posisyon
16:25dahil parehong hindi-abogado si na Senate President Tito Soto
16:29at Majority Leader Meg Zubiri.
16:31We're planning to appoint an impeachment manager.
16:35Tingin namin si senador Kiko para lawyer.
16:39Parang may mangugulo.
16:41Siya yung parang, hindi, dito muna, doon muna.
16:45Parang yung orderliness ng trial.
16:47It's just a suggestion so wala pang final
16:52pero tingnan natin.
16:55It's really the decision of the majority.
16:57Sabi ni Pangilinan, parang court administrator ang posisyon.
17:01It's more administrative than legal discussions or debates
17:06kasi lahat kami judge.
17:08Taga-bukas at sara ng tindahan.
17:12Parang majority leader, plenary session, parang...
17:15Parang gano'n, mostly administrative
17:18just for the smooth, orderly proceedings.
17:22Pero tingin niya, kailangan pa ito ilagay
17:24sa rules of impeachment ng Senado.
17:26Ayaw namang magkomento ni Pangilinan sa sinabi ni Lakson
17:29na posibleng hindi makonvene ang impeachment court
17:32kung may mangharang na senador.
17:34Ayaw ko ng pag-usapan ang mga legal issues ng impeachment
17:38because I will be a judge.
17:41Hintayin na lang natin.
17:43Hintayin na lang natin.
17:45Ayaw ko na muna mag-comment
17:46kasi baka lahat yan pag...
17:50ang tawag dito?
17:54Pagbobotohan.
17:55Nauna nang sinabi ni Senador Robin Padilla
17:57na kukontrahin ng minorya
17:59ang pag-convene ng impeachment court
18:01kung iakyat sa Senado ng Kamara
18:03ang articles of impeachment.
18:04Dahil trabaho aniya ng minorya
18:06ang kumontra.
18:08Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
18:14Good evening mga kapuso!
18:16Di lang sa series kundi pati sa totoong buhay
18:19nakikipaglaban sa cybercrime
18:21ang mga bida ng Task Force Firewall.
18:24Ang kanilang experience at tips
18:25para hindi mabiktima,
18:27itchichika ni Nelson Canla.
18:31Bukod sa taping ng maraming action scenes,
18:34nagkaroon ng cast pictorial
18:35ang upcoming GMA Prime Action Crime Series
18:38na Task Force Firewall recently.
18:41Ang mga nagsisiganap na lumalaban
18:43sa mga krimen gamit ang internet.
18:46May kanya-kanya rin palang kwento
18:48in real life kung paano sila
18:50nabiktima ng cybercrime.
18:52Ang negosyanteng si Buboy Pilyar
18:54ilang beses na raw na scam
18:56pagdating sa mobile wallets.
18:58Nag-food business din po ako,
19:00scammers na pag nagpipay ng online,
19:04hindi namin,
19:04syempre dalaw na po ako,
19:05hindi ako mateki na tao.
19:06So hindi ko naiiwasan minsan na,
19:09oh shucks, nai-scam na pala ako,
19:11may nababawas na pala sa kita namin,
19:13hindi namin namamalayan.
19:15Ang mapanirang side naman ng internet
19:17ang bumiktima kay kapuso star,
19:20Lexi Gonzalez.
19:21Not just the bashing,
19:22but fake news, fake rumors,
19:26anything na people believe
19:29would drag me down.
19:31But then, kaya nga,
19:33meron tayong NBI in real life
19:36and then in our show,
19:38yun yung pinupush na kaalaman ng firewall.
19:42Si Kailin Alcantara naman,
19:44Warns of Links,
19:45na ipinapadala ng mga kawatan
19:47sa ating mga email at phone messages.
19:50Just one click,
19:52nabawasan daw ang kanyang hard-earned money.
19:55May time na may naklik akong email,
19:57email,
19:58tapos may link,
19:59tapos naklik ko yun,
20:00tapos yun na yun,
20:01na-scam na po ako.
20:03Tuloy-tuloy na may mga
20:04nawalang pera,
20:06ganyan,
20:06pero buti po,
20:07napansin ko agad.
20:09Mag-ingat daw sa mga nagpapanggap,
20:11natutulong sa'yo online.
20:13Huwag basta-basta magtiwala
20:15sa mga taong hindi mo kilala.
20:17Yes,
20:18just recently talaga,
20:19yung mga tumatawag
20:21and then they would pretend
20:22that there's some sort of app.
20:24Tapos sasabihin nila na parang
20:25may gustong mag-hack
20:26nung account mo
20:27and then magugulat ka na lang
20:29na parang hihingan ka na ng OTP.
20:31So if you're smart enough,
20:32you have to be smart enough
20:33to discern na,
20:34na parang,
20:35oh,
20:35humingi na sa akin ng OTP,
20:37hindi tama to.
20:37Pero thankful ang cast
20:39dahil hindi lang basta action
20:41ang aasahan ng mga manunood
20:43sa kanilang seryeng Task Force Fireball.
20:46Magtuturo din daw ito
20:48kung paano lalabanan,
20:50iiwasan
20:51at kung sino ang dapat lapitan
20:53kapag na-biktima
20:55ng mga cyber crimes.
20:57Nahack yung Instagram ko
20:59and my Facebook,
21:00no no, my Twitter.
21:01And takbo ko agad sa GMA
21:03so they can fix it.
21:05I'm really happy to be part of a show
21:07that tackles that
21:08and i-educate yung mga tao.
21:09Nelson Canlas
21:10updated sa Shubisapining.
Comments

Recommended