00:00Mga kapuso, doble ingat kung nagpaparenta ng sasakyan.
00:04Isang inarkilang kotse ang ginamit sa pagpatay sa isang private consultant sa Laguna.
00:09Naaresto ang suspect sa tulong ng GPS nito.
00:13Tutukan sa report kong ito.
00:24Pinalibutan ng mga armadong pulis ang kotse niyan sa Kalamba, Laguna.
00:30At dali-daling pinababa at inaresto ang lalaking sakay nito.
00:33Ang lalaki, suspect sa pamamaril sa consultant ng isang kumpanya.
00:39Batay sa investigasyon, nagmamaneho ang biktima sa Tagaytay, Kalamba Road.
00:42Nang paulanan ng bala ang kanyang AUV.
00:45Tagalas Pinas yung victim.
00:48Then nandun siya, successive na meeting siya ng 3 days dun sa company na yun.
00:53So uwi, pasok, uwi, pasok.
00:56At dun siya, on the third day, dun siya inambus.
01:00Dead on arrival sa ospital ang biktima sa dami ng tinamong bala.
01:04Sa backtracking ng CCTV,
01:07nakita ng pulis siya na binubuntutan ang kotse ng suspect ang sasakyan ng biktima.
01:11Naplakahan ang kotse ng suspect at pinaverify sa LTO.
01:14Lumabas na nirentahan lamang ito ng suspect pero may GPS ito.
01:18Kaya natonton sa barangay Luok sa Kalamba.
01:22Ito rin ang kotse kung saan siya inaresto ng mga operatiba.
01:25Nabigay nila sa amin yung address, pinuntahan namin sa Santa Rosa
01:28at very cooperative yung may-ari ng vehicle, pinarenta pala niya ito.
01:35Narecover sa suspect ang dalawang pakete ng hiniinalang Shabu.
01:38Dalawang magazine ng kalibre 45 barilang narecover sa kotse.
01:42Na-inquesta ang suspect na nakaharap sa reklamong murder at paglabag
01:46sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:49Wala siyang pahayag.
01:50We have a very good inkling now kung ano yung motive ng murder incident natin.
01:57This is part of his work doon sa trabaho niya as consultant dito sa kumpanya na ito.
02:03Tukoy na ang kasabot ng suspect at patuloy na tinutugis.
02:06Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
02:09Outro
02:11.
Comments