00:00Bistado ang lagusang hulukay ng Binansagang Termite Gang
00:05para sa tangkang panluloob sa dalawang magkatabing sanglaan sa Quezon City.
00:11Ang isa sa mga target na kawan, halos mabutas na ang sahig malapit sa kahadero.
00:18Nakatuto si Jun Meneracion.
00:30Madilim, masikip at mabaho ang imburnal na pinasok ng mga polis
00:35sa ilalim ng isang kalsada sa Novaliches, Quezon City.
00:41Mahaba ang nadeskubring hukay.
00:55Ayon sa Novaliches Police, ginawa ito para sa planong panliloob sa dalawang pawn shop.
01:13Ang mismong station commander ng Novaliches Police ang nag-inspeksyon sa mga hukay
01:18na ang tinutumbok sa itaas ay ang magkatabing pawn shop.
01:35Walang inibutang tao roon, pero may mga nakuhang gamit gaya ng hydraulic jack, crowbar at portable grinder.
01:43Ang titingnan natin, medyo marami o malawak na yung nagawa nila.
01:47So definitely, medyo matagal na yun nilang ginawa. Kailangan maisara yun.
01:52Halos mabutas na ang bahagi ng sahig ng isa sa mga target na pawn shop
01:56na mahigit isang talampakan lang ang layo mula sa vault.
02:00Muntik na rin mabutas ang labas ng pawn shop.
02:03April 22 ng hating gabi, napansin ang isang gwardya ng pawn shop
02:07ang kakaibaan niyang ingay sa ilalim. Kaya nag-report siya sa mga otoridad.
02:11Na hukay, pero hanggang dyan pa lang naman. Kumbaga, hindi pa talaga nagbukas.
02:16Wala. Kumbaga, naagapan din naman. Kasi yung mga guard naman namin, alert naman sila.
02:21Termite gang ang karaniwang tawag ng mga pulis sa mga magnanakaw
02:25na ang modus ay maghukay sa ilalim ng lupa para mapasok ang kanilang gustong looban.
02:30Ito yung bahagi ng creek na sinasabing dinaanan ng mga hininalang miyembro ng termite gang
02:35na nagtangka o manong manloob. Kapag ito'y binaybay, ang tutumbukin nito mga 100 meters ang layo
02:41yung ilalim ng mga magkakatabing pawn shop dito sa Novaliches, Quezon City.
02:46Sa ngayon, inaalam pa ang pagkakilalan ng mga sangkot sa tangkang panloob.
02:51Nangangalap pa po tayo ng mga evidence or CCTV na maaaring makapagturo kung sino-sino yung mga pumasok doon sa
02:59area na yun.
03:00June Venerasyon na Katutok, 24 Horas.
Comments