00:00Inereklamo ng Energy Department sa Justice Department ang solar company ni Congressman Leandro Leviste
00:06dahil sa kabiguan umanong tuparin ang kondisyon ng mga prangkisa nito.
00:11Ang reaksyon ni Leviste sa pagtutok ni Sandra Ginaldo.
00:18Mismong si Energy Secretary Sharon Garin ang nagpunta sa Department of Justice
00:22para magsampan ng reklamo laban ni kay Batangas First District Representative Leandro Leviste
00:28at lima pang personalidad.
00:30Sa complaint affidavit, sinabing hindi umanotinupad ni Leandro Leviste ang mga kondisyon sa prangkisa nito.
00:36Ang tinutukoy ng DOE, ang 25 years na prangkisa na ibinigay sa solar para sa Bayan Corporation
00:43kung saan daw Chairman, President at CEO si Leandro Leviste
00:47at Director naman ang lima pang ibang personalidad.
00:50Ayon sa DOE, sa prangkisang ibinigay sa korporasyon noong 2019,
00:55magtatayo at mag-ooperate ito ng pagkukuna ng renewable energy
01:00sa mga liblib at underserved na lugar sa bansa.
01:04Nakasaad daw na marerevoke ang prangkisa kung hindi makapag-ooperate
01:09ng tuloy-tuloy ng dalawang taon.
01:11Pitong taon na rawan lumipas pero hindi umanon nakasunod sa kondisyon ng respondents.
01:16Sabi pa ng DOE, wala umanon itong proyekto pero nakapagbigay naman umanon ng renewable energy
01:23sa ilang kumpanyang nasa ilalim ng Solar Philippines Power Project Holdings Inc.
01:29na 100% na pag-aari ni Leviste.
01:32Sabi naman ng DOJ, pag-aaralan pa ang reklamo ng DOE
01:37at kung may sapat na batayan ay magsasagawa sila ng preliminary investigation.
01:41Sabi naman ni Leviste, kapansin-pansin na ang pagsasampan ng reklamo sa DOJ
01:47ay sabay sa resolusyon ng Batangas congressman laban sa kanya.
01:53Ang resolusyon, inihain ng lima niyang kasamahang kongresista sa Batangas
01:58kasama si 6th District Representative Ryan Recto,
02:02anak ni na Executive Secretary Ralph Recto
02:05at Batangas Governor Vilma Santos Recto.
02:08Tinawag nilang walang basihan, malisyoso at iresponsable
02:12ang mga aligasyon ni Leviste ng korupsyon laban kay Secretary Recto.
02:18Sandra Aguinaldo, Nakatuto, 24 Horas.
Comments