00:00Nakabukod at hindi nahawa ang halos 40 Pilipinong sakay ng cruise ship sa Atlantic Ocean na nagka-outbreak ng Hantavirus.
00:08May report si JP Soriano.
00:13Ilang araw nang nakakwarantin ang cruise ship na MV Hondius matapos makalapid sa bansang Cape Verde nitong May 3.
00:20Hindi pinayagang makadaong doon ang barko matapos na magka-outbreak sa loob nito ng nakamamatay na Hantavirus.
00:26Ang Hantavirus ay isang uri ng virus na karaniwang nakukuha sa ihi o dumi ng infected na daga at nagdudulot
00:35ng malubha at nakamamatay na sakit sa baga o bato.
00:38Ayon sa World Health Organization, tatlong sakay ng cruise ship na ang nasawi dahil sa Hantavirus,
00:44kabilang ang isang Dutch couple at isang German national, hinala ng WHO,
00:49bago pa man makasakay ang dalawang Dutch national ay infected na sila ng sakit.
00:53Napag-alama ng National Institute for Communicable Diseases ng South Africa na on the strain ang nakuha ng ilang pasahero.
01:00Ang nag-iisang strain ng Hantavirus na pwedeng makuha sa pamamagitan ng person-to-person transmission.
01:07Ayon sa Department of Migrant Workers, 38 crew member ng barko ay mga Pilipino.
01:12Sa ngayon ay wala pa raw sa mga Pinoy ang nahahawa.
01:16Ganito rin ang impormasyong nakarating sa Department of Health.
01:19Wala silang mga Sintok Pumas, ano nga Hantavirus. Mahigpit po ang quarantine procedures dun sa Hondius kaya hindi po sila
01:26nakahawa.
01:27Kagabi, kinumpirma ng Spanish Health Ministry na tatanggapin nilang mailipat sa Canary Island ang cruise ship,
01:34alinsunod sa international law at humanitarian principles.
01:38Doon susuriin at gagamuti ng mga pasahero at crew bago sila pa uwiin sa kanika nilang bansa.
01:44Pero ang regional government ng Canary Island, kontra rito.
01:48JP Soriano, GMA News.
Comments