00:00Ilang grupo at kongresista ang pumalag sa na-videohang paglulunsad ng Tomahawk Missile ng Amerika
00:08sa unang beses na paggamit sa na-idinaraos na balikatan exercises.
00:13Mula Leyte, tumama ito sa Nueva Ecija sa loob ng humigit kumulang isang oras.
00:18May report si Chino Gaston.
00:22Nagliwanag ganinang pasado hating gabi sa Tacloban Airport sa Leyte.
00:26Ayon sa Kualisyong Makabayan na naglabas ng video, pinalipad noon ang isang Tomahawk Cruise Missile.
00:35Kita rin sa video na bumagsak ang missile sa Laur, Nueva Ecija.
00:40Ang pagpapalipad ng missile ay bahagi ng balikatan exercises na mga sundalong Pilipino at Amerikano.
00:46Ayon mismo kay Balikatan Spokesperson Colonel Dennis Hernandez.
00:50Ginamit sa pagpapalipad ng Tomahawk Missile ang Typhoon Missile System.
00:542024 pa, dinala ng Amerika sa bansa ang Typhoon, pero ngayon lang ginamit.
01:01Mahigit 600 kilometers ang inilipad ng missile at dumaan sa eastern seaboard patungo sa target area
01:08na nasa loob ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, pasado alauna ng madaling araw.
01:14Ayon kay Hernandez, ito ang unang beses na nilaunch ang Tomahawk Missile sa Pilipinas.
01:19However, the munition, the rounds, is inert.
01:24So wala siyang live, walang explosive.
01:27Impact lang yung namemeasure, accuracy.
01:30Isa ang Tomahawk Missile sa mga makabagong sandatang gustong bilhin ng AFP.
01:35Pusibli raw itong gamitin na pandepensa sa teritoryo ng bansa
01:39at pansawata sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea.
01:43Kaya nitong tamaan ang target ng hanggang 1,500 kilometers ang layo.
01:49It is a steaming missile. You can fire it anywhere, unlike the traditional rocket na isang direksyon lang.
01:55Ito, it can travel and a low-level flying missile.
02:00Maghihit talaga ng target to as small as a window.
02:03Kahit pintana ay yung target from far apart, kaya niyang palusutin yung Tomahawk.
02:10Tutol ang grupong kualisyong makabayan sa missile launch at nananawagan ng imbisigasyon.
02:15Anila, ang Pilipinas ay hindi playground o palaruan para sa mga missile at bomba ng Amerika
02:21na gagamitin umano para pumatay ng mga sibilyan sa ibang bahagi ng mundo.
02:27Kinundin na rin ito ng ilang kongresista dahil bukod sa delikado para sa mga Pilipinong sibilyan,
02:33tila nakakaladkad pa raw ang Pilipinas sa mga kinasasangkotang gulo ng Amerika.
02:39Sinusubukan ng GMA News na makuha ang panig ng AFP at Department of National Defense.
02:44Dati na rin inalmahan ng China ang pagposisyon ng typhoon sa Pilipinas,
02:49partikular sa North Luzon na malapit sa Taiwan.
02:52Wala kaming pinatutunguhang bansa na gawin ito
02:56at karapatan namin ng armed forces nyo na gawin ito
03:00para sa ating defensa sa ating soberania at ating teritoryo.
03:06Chino Gaston, GMA News.
03:09Chino Gaston, GMA News.
Comments