00:00Una sa ating mga balita, bago bumiyahe patungong Cebu para pangunahan ang 48th ASEAN Summit and Related Meetings,
00:08sunod-sunod ang mga aktibidad ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layong tiyakin ang kapakanan ng mga
00:15Pilipino.
00:16Ang mga yan sa sentro ng balita ni Clayzel Pardilla, live.
00:24Trixie, siksik ang aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw.
00:29Bago lumipad ng Cebu para sa ASEAN Leaders Summit, anim na event ang nasa schedule ng presidente.
00:36Kabilang dyan ang situational briefing, kaugnay ng pag-aalboroto ng Balkang Mayon
00:41at ang pamamahagi ng tulong sa mga barangay sa iba't ibang lungsod dito sa Metro Manila.
00:49Apat na lungsod ang nakatakdang bisitahin ni Pangulong Marcos ngayong araw
00:53para mamahagi ng pinansyal na tulong sa ilalim ng bawat bayan makikinabang program.
00:59Kabilang ang Muntinlupa, Las Piñas, Paranaque at Pasay City.
01:05Personal na iaabot ang presidente.
01:07Ang tig-200,000 pesos na pinansyal na tulong sa bawat barangay sa nasabing lungsod.
01:14Kalahati ng pondo ay nakalaan sa pagpapatayo ng mga evacuation o health center.
01:21100,000 piso naman ay para sa finisher program o scholarship ng mga estudyante sa kanilang barangay.
01:28Mamimigay din ang tig-10 kilong bigas sa bawat residente.
01:32Mahalaga ito para mapagaan ang bigat ng pasanin ng mga Pilipino sa mahal na nga presyo ng mga bilihin.
01:40At layon din itong masiguro na may sapat na pagkain habang pinalalakas ang kapasidad ng mga barangay.
01:48Bukod dyan, Trixie ay nagtungo rin ang presidente sa Camp Aguinaldo kasabay nang isinasagawa
01:54na balikat ang exercise ang Pilipinas, Amerika at Japan sa Ilocos Norte.
01:59Target itong patatagin ang depensa ng Pilipinas at palaliming pa ang kooperasyon ng tatlong bansa.
02:07Nagsagawa rin ang situational briefing sa Malacanang para alamin ang mga nagawanan ng pamahalaan
02:13at kinakailangan pang tulong ng mga apektado ng pag-aalboroto ng Bulcang Mayon.
02:20Mamayang gabi naman, inaasahan ang paglipad ni Pangulong Marcos patungo ng Cebu para sa ASEAN Leaders Summit.
02:27Mahalaga ang attendance ng Pangulo, lalo't Pilipinas ang tumatayong chair at host ng ASEAN ngayong taon.
02:35Trixie, mahalaga ang international event na ito para mapatibay pa ng Pilipinas ang relasyon sa mga bansa sa Timog Silangang
02:44Asia,
02:44lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan at mapatatag pa ang kapayapaan sa rehyon.
02:51Yan ang muna ang pinakahuling balita mula rito sa Malacanang, balik dyan sa studio.
02:57Okay, maraming salamat, Clay Zelfardilia.
Comments