00:01May sakay na 38 Pilipinong tripulante ang cruise ship sa Atlantic Ocean na nagka-outbreak ng nakamamatay na Hantavirus.
00:10Ayon po kay Health Undersecretary Albert Domingo, hindi naman daw nagkasakit ang mga Pinoy sa MV Ondios Cruise Ship, batay
00:18sa impormasyon mula sa World Health Organization.
00:21Ang Hantavirus ay isang rare na sakit na karaniwang nakukuha sa ihi o dumi ng infected na daga.
00:28Tatlong pasahero ng cruise ship ang namatay na dahil sa hini-hinalang Hantavirus.
00:33Nakikipag-ugnayan na raw ang DOH kung paano mapapauwi ang mga Pinoy na crew ng barko.
00:40Pero dahil sa medical emergency, naka-quarantine ngayon ang cruise ship at nakadaong ang malapit sa bansang Cape Verde.
Comments