- 4 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:05Disgrasya ngayong Semana Santa ang sinapit ng ilang deboto sa Ligao City, sa Albay.
00:11Magsisimba sana ngayong Biyernes Santo ang mga biktima nang bigla silang araruhin ng Police Mobile.
00:16Labing lima ang sugataan kabilang ang limang menor de edad.
00:22Ayon sa Albay Police, nag-iinspeksyon sa pilgrimage site ang mga tauhan ng Ligao City Police
00:28nang lumapit ang isang babae at humiling ng libring sakay para sa tatlong senior citizen.
00:35Habang tinutulungan ang mga polis sa mga sasakay, bigla umanong umandar at dumausdos sa pababangdaan ang patrol car.
00:44Noon na, nabangga ang mga deboto.
00:46No, agad silang dinala sa ospital at nasa mabuti ng kalagayan.
00:49Ang isa, nananatili pa po sa ospital.
00:52May SUV ding nasira ang bumper sa lakas ng impact.
00:56Tinanggal sa pwesto at posibleng maharap sa patong-patong na kaso ang driver.
01:01Patuloy po ang investigasyon.
01:06Yung mobil po, maganda po yung pag-a-part.
01:09May nakahan brake, tapos may bato.
01:12Pa-dusdos po kasi yung kalsada po.
01:16Sa sobrang dami nilang sumakay, ano na yung mobil po, yung patrol car natin.
01:21Pag-abandi po, hinawakan ko po sa likod para mapugol, mapigilan.
01:26Sobrang bigat po.
01:27Hindi ko na po talaga na kaya hanggang nasubatan nga po ako.
01:31Nagbitawan ko na po yung patrol.
01:33May reject order na siya at din tinitingnan din natin yung possible filing ng kaso niya.
01:40Katulad na lumabawa kung makita natin yung reckless imprudence resulting in physical injuries, damage to poverty, at saka yung sigurado,
01:49papasok siya sa administrative case.
01:53Sa gitna ng pagmahal ng langis, sinulit ng mga dumayo sa Baguio ang biyahe at nag-side trip na rin
02:00sa La Trinidad.
02:01Pero mas marami ang namanata muna ngayong Viernes Santo.
02:05At nakatutok live ni Bea Timla.
02:08Bea.
02:12Vicky, ngayong Viernes Santo, pause muna sa pamamasyalang ilang turista sa Baguio para ituloy ang kanilang panata.
02:18Pero may iba naman na bumaba pa rito sa La Trinidad Benguet para naman ituloy ang kanilang travel goals.
02:28Pinasan ng 75 anyos na si Rupert ang cruise na yan habang nagdarasal para sa Stations of the Cross sa
02:34Baguio Cathedral kaninang umaga.
02:36Sa kabila ng bigat ng cruise, tila gumagaan naman aniya ang puso niya.
02:41Nawawala yung mga problema sa buhay. Ngayon nararamdaman ko na ang bigat ng cruise na dinadala mo.
02:51Kaya sabi ko, salamat Lord.
02:53Gaya niya, marami pa rin ang nagtungo sa mga simbahan sa Baguio bilang panata ngayong mahal na araw.
02:58Lagi kong dinadasal, Lord Kako, bigyan mo pa ako ng lakas ng loob, lakas ng katawan para mapagsilbihan.
03:06Every year yun, hanggang buhay. Hanggang malakas. Every year, hanggang buhay pa ako.
03:16Palama sa mga tulong niya.
03:19Ang pamilya de Guzman, pahinga muna sa pamamasyal ngayong Biyernes Santo para magbisita iglesia kasama ang kanilang baby.
03:26Gusto pa rin namin bigyan ng importansya ang Panginoon.
03:30Siya pa rin naman kasi yung sentro ng relationship namin.
03:33Ang dami naming prayers na sinagot talaga ni Lord.
03:36Minsan lang kami sa mobra pero never kami nagkulang.
03:39Ito, ito yung prayer. Ay, ito yung sagot sa prayer.
03:43Pasan man sa bulsa ang bigat ng mataas na presyo ng petrolyo,
03:46may ilang turistang nag-side trip pa sa La Trinidad Benguet galing Baguio para mag-strawberry picking.
03:52Push namin kasi na-request ng mother ko.
03:56Para hindi sayang sa gas is pagsunod-sunod rin yung locations na malalapit.
04:00Masaya ko kasi kasama ko yung mga anak ko.
04:03Bahagyamang nakabawi sa kita ang ilang naghahanap buhay sa strawberry farm.
04:07Hindi pa rin daw nito mapantayan ang sigla rito bago lumubo ang presyo ng langis.
04:12Simula po kahapon, medyo dumami na po yung tao.
04:16Kaya po, kunti po yung dumadayo ngayon kasi po mahal na po yung gasolina at diesel po ngayon.
04:21Kaya kunti po yung kita namin.
04:27Vicky, kaninang hapon maalinsangan ang panahon dito sa La Trinidad Benguet.
04:32Pero ngayon ay lumalamig-lamig na ang panahon.
04:34Samantala, pwede pong mag-strawberry picking dito simula alas 8 ng umaga.
04:39Yan ang latest mula rito sa La Trinidad Benguet.
04:41Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
04:44Maraming salamat sa iyo, Bea Pinlak.
04:54Mahigit kalahating milyong deboto ang dumalo sa prosesyon ng Jesus Nazareno na tumanggal na mahigit labing tatlong oras.
05:03Nagsimula yan pasado alas 11 kagabi at natapos bago mag-alauna ng hapon kanina.
05:10Nakatutok si Jomer Apresto.
05:16Ganito kainit ang naging sitwasyon sa prosesyon ng Puang Nazareno sa bahagi ng Arleg Street sa Maynila pasado alas 12
05:23.30 ng hating gabi.
05:25Bawat deboto gustong mahawakan ang lubid ng andas.
05:30Sa kuhang ito, may kita na marami rin ang naglalakas loob na makasampas sa andas para makapagpahid ng kanilang mga
05:36bibo.
05:37Pero kung marami ang sumama sa prosesyon, marami rin ang piniling mag-abang na lang sa pagbalik ng andas.
05:44May mga naglatag pa ng sapin sa bangketa at kalsada.
05:47May mga nagdala ng upuan para makapahinga muna.
05:50Ang magkaibigang senior citizen na sina Romeo at Arturo na taga Bagong Silang Kaloocan,
05:55piniling hindi na sumama sa prosesyon.
05:57Mahigit 50 taon na raw deboto ang 73 years old na si Lolo Romeo.
06:02Siya raw ang humikayad sa 63 years old na si Lolo Arturo para maging deboto.
06:06Kahit na stroke at nagkaroon ng blood clot sa ulo, hindi ito hadlang para sa kanyang panata sa Nazareno.
06:13Panata ako talaga, habang may buhay ako.
06:15Ang sarap.
06:17Mangingilabot ka.
06:20Iiyak ka.
06:21Luha, uhog, sipon.
06:24Sama-sama.
06:25Pag nakita lang ang Nazareno, masama pakiramlam ko.
06:32Saktong alas 11.33 kagabi nang lumabas ang andas sa simbahan.
06:36Mas maaga ito na mahigit 20 minuto sa schedule na alas 12 pa sana ng hating gabi.
06:41Ayon sa pamunungan ng simbahan, yan ay upang makabalik agad ang andas bago ang 7 palabras.
06:46Inasahan daw kasi nila na mas marami ang deboto ngayon kumpara noong nakarang taon.
06:51Yan ay dahil marami ang hindi umuwi ng probinsya dahil sa taas ng presyo ng petrolyo.
06:57Base sa datos ng Manila Police District, aabot sa mahigit kalahating milyong deboto ang dumalo sa prosesyon.
07:04Inexpect natin na noong nakarang taon, noong 2025, nakapagtala tayo ng mahigit kalahating milyong mga deboto ang nagparticipate dito.
07:12Wala namang pagbabago dun sa ruta, ganun pa rin naman siya.
07:15Yung mga polis natin, nandyan para bantayan lang yung kaayusan at katahimikan.
07:21At sabi maitawid natin ang maayos itong ating Good Friday procession.
07:26Sabi ng mga deboto, puyat at pagod man, ang mahalaga na ipakita nila ang kanilang malalim na debosyon
07:33at pananampalataya sa may kapal sa pamamagitan ng imahen nito.
07:39Jomer Apresto Nakatuto, 24 Oras.
07:50Dahil sa sobrang init, hinimatay ang ilang dumagsa sa Maleldo 2026,
07:56ang bersyon ng senakulo sa San Fernando, Pampanga, kung saan may literal na nagpapapako sa Cruz.
08:02Nakatutok si Chino Gaston.
08:08Sa pagpasok ng mga kabayo at mga Romanong sundalo,
08:14nagsimula ang Maleldo 2026 sa crucifixion site sa San Pedro Cotod sa San Fernando, Pampanga.
08:21Dagsa mga manunood, kabilang na ang ilang dayuhan, gaya ng katolikong si George Hatter mula Austria.
08:27I think it's interesting to see it live, you know, because you read about it in the Bible,
08:33you hear it in Holy Week, every time when you read to the gospel,
08:36but here seeing it live, it's completely different.
08:41Sa sobrang init, ilang manunood ang hinimatay at dilapata ng Pangunang Lunas.
08:48Naging hamon din sa mga organizer ang mga taong gustong makalapit sa mga aktor sa senakulo.
08:59Pangunahing tampok sa Maleldo si Ruben Enaje na tatlumbot-pitong taon nang ginagampanan ang papel bilang Jesucristo.
09:11Literal siyang ipinako sa isa sa tatlong Cruz na natayo sa Burol.
09:18Isang panatang kanyang sinimulang noong dekada 80 bilang pasasalamat sa pagaling mula sa aksidente sa trabaho.
09:26Taon-taon na lang sinasabi ni Ruben Enaje na magri-retiro na siya mula sa pagpapapako sa Cruz.
09:31Kaya ang tanong ng marami, ito na nga ba ang huling taon na pagganap niya bilang Jesucristo dito sa San
09:37Pedro Cotod sa San Fernando, Pampanga?
09:40Pagkatapos ng medical check-up at kaunting pahinga, humarap sa media si na Enaje at dalawang napipisil na pabalit sa
09:47kanya.
09:48Taon-taon, pinagdadasal ni Enaje ang kanyang kalusugan tuwing nasa Cruz.
09:52Pero kanina, iba raw ang kanyang ipinagdasal.
09:55Matigil na yung gira sa silangod. Ayun po yung pinalangin ko sa taas ng Cruz.
10:02Kasi tatlo lang yung naglalaban, buong mundo na ang nasasaktan. Isa na tayo doon.
10:11Sa kabila ng mataas na presyo ng langis at init, ay maraming dumayo. Bagay na ikinagulat ng mga organizer.
10:18In-expect din natin na magkakaroon po ng efekto yung po ang krisis na nangyayari ngayon.
10:23Pero nakita nyo naman, marami pa rin po.
10:29Ang napagkasunduan po namin, estimate at this time, ng ating PNP.
10:34Dito po sa site is more or less 8,000 yung pong mga naging bisita po natin.
10:41Labing limang libo naman kung bibilangin ang nasa apat na iba pang crucifixion site sa San Fernando.
10:46Sino gasto na katutok? 24 oras.
10:51Bawal muna mga party at ingay sa Boracay ngayong Birnes Santo.
10:57Inilaan muna ng mga nagbabakasyon doon ang panahon para magnilay-nilay at mag-ayuno.
11:03Nakatutok doon live si Kim Salinas ng GMA Regional TV. Kim?
11:12Mel, daan-daang deboto ang nakibahagi sa taon ng Via Crucis o Stations of the Cross dito sa Boracay ngayong
11:19Birnes Santo.
11:24Tahimik at payapa. Walang maririnig na malalakas na tugtog.
11:29Ito ang sitwasyon sa isla ng Boracay ngayong Good Friday.
11:33Ang maririnig lang kaninang umaga.
11:36Ang dasal ng mga nagprosesyon sa beachfront.
11:43Ang Via Crucis o Stations of the Cross ang taunang aktibidad ng parokya sa Boracay.
11:48Ngayong taon, daan-daang deboto ang nakibahagi.
11:52Sa Certificate of Land na ngayon ay binabawi sa amin, kaya in-offer namin yung mga intensyon namin dito.
11:59Hindi lang mga residente ang nakiisa sa Via Crucis, kundi pati mga nagbabakasyon.
12:04Tulad na lang ng grupo ni Thalma.
12:06Ano yung parang may misa, sabi kong ganun.
12:08Siyempre, Birnes Santo. Gusto namin ding mag-simba, kaya sumama kami.
12:12Ayon sa Kura Paroco, maigit limang daan ang sumama sa Via Crucis ngayong taon.
12:17May success yung hinahanap natin, kundi yung fruitfulness.
12:21Maganda yung takbo ng Via Crucis.
12:25Walang masyadong interruption at maraming sumama.
12:31Bilang pag-obserba din sa Good Friday, kahit sa gana sa pagkain sa Boracay,
12:36nag-ayuno at umiwa sa pagkain ng karne ang ilang turista.
12:40Simula kaninang alasais ng umaga, ipinagbawal na sa isla ang mga party
12:45at pagpapatugdog ng malakas. Tatagal yan hanggang alasais bukas ng umaga.
12:50Tonight po, more on kami, family dinner lang, to keep it solemn.
12:56Alam naman po natin ngayon na Holy Week, so bawal po talaga yung maingay.
13:05Mel, kaninang alas 12 ng tanghali, ginanap ang seven last words sa simbahan.
13:09Sa ngayon nagpapatuloy naman ang proseson ng religious images na nakalagay sa Karosa.
13:14Maigpit namang magbabantay ang otoridad o pang masigurong sinusunod ang ilang restrictions.
13:20Mel?
13:21Maraming salamat sa iyo, Kim Salinas, ng GMA Regional TV.
13:33Mga kapuso, kasunod po ng prosesyo ng Nazareno kanilang madaling araw.
13:38Prosesyo naman ng Santo Intero ang dinagsasakya po ngayong hapon.
13:42Nakatutok live si Marie Zumal.
13:44Marie.
13:48Emiel, taimtim na ginunita na mga katoliko ang isa sa pinakabanal na araw sa buong taon,
13:54ang araw ng pagkamatay ng ating tagapagligtas na si Heso Kristo ngayong Biyernes Santo.
14:01Napuno ang Kiapo Church na mga nakinig sa mga nagbahagi ng syete palabras o ang seven last words ni Jesus.
14:08Taimtim lahat, lalo sa pagpaparangal sa banal na krus kung saan inalala ang pagkamatay ni Jesus.
14:14Yung krus kasi dati diba ay simbolo ng pamamahiya. Ngunit ngayon, naging instrumento na ito ng awa ng Diyos para
14:22sa atin.
14:23Pagkatapos ay idinaos na ang paglilibing o prosesyo ng Santo Intero.
14:27Inikot sa mga barangay na sakot ng parokya ang imahe ng patay na Kristo kasama ang Mater Dolorosa o inang
14:33nagdadalamhati at iba pang mga santo.
14:36Para sa akin po kasi is sobrang kulang na hindi ako makarating dito sa mahal na po ng Masareno kasi
14:43ito po yung simbahan na nilapitan ko nung ilang beses akong mag-exam, ng board exam.
14:51Then that time, yung father in law ko is nasa hospital pero hindi niya ako binigo.
14:56Ito po yung araw na inaano namin yung paghihirap niya hanggang sa paggamatay niya.
15:05Parang sinasabuhay namin yung pag-alaala na ganap sa kanya.
15:12Ganon din sa buhay namin.
15:14Si Nanay Delia nakikiisa sa sakripisyo ni Maria dahil sinaktan din daw ang anak niya kahit wala kong anong kasalanan.
15:21Bakit ganon? Sabi ko ganon.
15:24Wala naman pong kasalanan yung anak ko. Bakit siya pa po yung ginawang ano ng mga tao?
15:33Yung kaaway niya. Hindi ko nga po alam kung bakit naging kaaway niya.
15:37Sa Balotondo, isang grupo naman na mga kalalakihan ang nagpenetensya papasok sa isang chapel.
15:43May iba hinahampas ang likod at isang nagbuhat pa ng krus.
15:51Emile, itong mahabang pila na nakikita mo sa Plaza Miranda ay bahagi o pila para sa veneration of the cross
15:58o paghalik sa krus ng poong si Jesus Cristo.
16:01Samantala, patuloy naman yung paghihintay rito sa Plaza Miranda at sa paligid ng Capital Church ng mga deboto para sa
16:08pagbabalik ng Santo Entiero dito po sa simbahan.
16:11At pagkatapos po ng prosesyon ng Santo Entiero ay susundin na ang Magnum Silensium Latin para sa Great Silence o
16:18panahon para sa pagninilay at pakikinig sa Panginoon.
16:22At yan ang pinakasariyong balita mula pa rin dito sa Keyapot Church. Balik sa'yo, Emil.
16:26Maraming salamat, Mariz Umali.
16:29Ultimo mga fire dancer ng Puerto Galera ay niinda ang taas presyo ng diesel pero todo pa rin ang kanilang
16:37mga pagtatanghal kagabi bago ang pagbabawal sa mga party roon ngayong Biyernes Santo.
16:43At nakatutok si Bam Alegre.
16:48Naglalagab lab na mga bolang apoy, paikot-ikot at iniitsa-itsa pa.
16:52Habang hawak ang mga ito, may tumatambling pa ha.
16:57Ang mga fire dancer na ito ang bumungad sa nightlife ng Puerto Galera kagabi, Huebes Santo.
17:03Pero maging mga fire dancer, umaaray sa presyo ng diesel na gamit nila sa kanilang ekshibisyon.
17:10Aptado talaga po kami kasi ang gamit po namin is diesel kasi mas matagal siyang mamatay.
17:15Bagaman relax ang vibe ng mga turista, nananatiling naka-alerto ang mga otoridad sa seguridad.
17:20May police visibility sa White Beach.
17:22Nadoble po ang deployment po ng aming LGU personnel.
17:26Katulong din po namin ang tourist police.
17:28Actually po lahat ng, halos lahat ng tourist attractions.
17:30May palibreng concert din kagabi.
17:35Kinaumagahan ng Bierne Santo tahimik na sa beach.
17:38May direktiba kasi ang lokal na pamahalaan na bawal ang malalangas na sounds ngayong araw.
17:43Pwede mag-relax, pwede mag-unwind, pwede pakinggan ang tunog ng mga alon.
17:48Pero bawal mag-ingay dito ngayon sa Puerto Galera ngayong Bierne Santo bilang paggunita sa mahal na araw.
17:54Sa tala ng lokal na pamahalaan, nasa mahigit 12,000 na ang mga turista na bumisita rito mula noong Holy
18:01Monday.
18:017,000 ang dumating kahapon, Monday Thursday.
18:04At ngayon inaasahan na 3,000 turista pa ang hahabol.
18:08Ang matahimik na aura ng Puerto Galera ngayon ang nakaakit sa barkada nila Angelica para magbakasyon dito.
18:14Yun yung maganda po dito kasi syempre iba-ibang religion tayo pero may paggalang pa din tayo sa mga kung
18:22ano yung dapat tahimik, dapat solemn pa din yung place.
18:25Sa tala ng lokal na pamahalaan, mas kaunti ang mga turista ngayon kumpara noong nakaraang taon dahil na rin daw
18:31sa oil price hike at sa mas mataas na pamasahe.
18:33Syempre naman po, alam naman po natin na we are experiencing crisis po talaga.
18:37So meron po tayong medyo maliit na pagbaba po ng number ng tourist po natin.
18:44Around 1,500 tourists po yung dinecline ng Puerto Galera from Monday hanggang kahapon po.
18:49Mula rito sa Puerto Galera, Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
18:55Ang ganitong panahon mga kapuso, pagkakataon din para makapagpahinga.
18:59Kaya tinagsa ng mga gustong magliwaleo ang Liuliwa Beach sa Azambales.
19:05Nakatutok si Ian Cruz.
19:12Kung beach destination lang ang usapan, isa sa literal na dinarayo ang Liuliwa Beach sa San Felipe Azambales.
19:20Ayon sa kanilang Resorts Association, mula pa miyarkulis santo ay wala ng pati ng dating ng mga tao.
19:27Kaya ngayon ng biyernes santo, fully booked ang karamihan sa 150 hotels dito.
19:33Ang resulta sa beach area, siksikan!
19:36Sa dami nga na bisita roon, may ibang nag-walk-in na hindi na na-accommodate at lumipat na lang
19:42sa ibang bahagi ng San Felipe.
19:43May mga reports din po kami na fully booked na.
19:45Bukod sa paliligo sa dagat, maraming aqua activities na pwedeng ma-enjoy.
19:50Kabilang dyan ang Dragon Boat na nagdoble na sa 200 best ang bayad ng kada pasahero dahil sa taas ng
19:56presyo ng kudo na gamit sa bangka na humihila rito.
20:00Executive order din po coming from the office of the mayor yung naging way para ma-implement po nila yung
20:06standardized pricing nila.
20:08So, okay naman din po sa side ni LGU na ginawa nila yun para makahabol din po sila doon sa
20:14magiging kakulangan if ever para matuloy nila yung operations.
20:17Patok din dito ang ATB na nasa 500 pesos kada 30 minutes na pandami.
20:22Kapansin-pansin namang maraming millennials at Gen Z na guests ang mga resort dito.
20:27Buhod kasi sa maganda at malinis sa tanawin, lalo't paddad ng Aguho Tree o Beach Pie ng Liwliwa Beach.
20:35Ipinagmamalaki rin ang mga TikTok at IG-worthy restaurants at cafe.
20:40Compared to other places, more of mga pocket resorts lang kami. Maliliit na resorts, maliliit na community and karamihan dito
20:47mga surfers.
20:48Mura rin sir yung mga accommodations namin, mura din dito yung food.
20:51Mula Maynila, nasa 30 hanggang 4 na oras lang ay mararating na ang Liwliwa Beach.
20:57Kaya kung di afford na magbayad ng hotel, pwede naman ang day tour.
21:02Dagsa ang mga tao dito sa Liwliwa Beach ngayong Biyernes Santo at sa tansya ng kanilang Municipal Tourism Officer,
21:09aabot pa hanggang linggo ng pagkabuhay ang pagdagsa ng mga tao.
21:14Mula rito sa San Felipe, Zambales, Ian Cruz na Katutok, 24 Horas.
21:19Mga kapuso, milyong-milyong deboto ang nakiisa sa taon ng alay lakad sa Antipolo Cathedral.
21:31Umabot po sa 6.6 na milyong katoliko ang dumagsas sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good
21:38Voyage
21:39hanggang kanina madaling araw ng Biyernes Santo.
21:42Mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon na 5.1 milyon na mga deboto.
21:46Ayon sa pulisya, may siyam na nawalan ng ilang kagamitan gaya po ng cellphone at wallet.
21:51Sa kabila niyan, maituturing pa rin na mapaya pa ang alay lakad sa pangkalakatan.
Comments