00:00Sa unang pagkakataon ay nagpaputok ng isang Tomahawk Cruise Missile
00:06sa balikatan exercises ng mga sundalo ng Pilipinas at Amerika.
00:11Tinutulan niya ng isang grupo at nanawagan ng imbistikasyon sa missile launch.
00:16Nagbabalik si Chino Gaston.
00:23Nagliwanag ang kalangitan at umalingaungaw ang paglipad ng isang missile.
00:26Ayon sa Koalisyong Makabayan na naglabas ng video mula daw sa isang source,
00:32kuha ito ng paliparin ang isang Tomahawk Cruise Missile kaninang madaling araw.
00:36Kinumpirman ni Colonel Dennis Hernandez, director ng ginagawang balikatan exercises 2026,
00:41nagpalipad nga daw ng isang Tomahawk Missile mula sa Tacloban Airport.
00:46Lumipad ito ng mahigit 600 kilometers at dumaan ang eastern seaboard ng bansa
00:50patungo sa isang designated target area sa La Ur, Nueva Ecija na sakop ng Fort Magsaysay.
00:56May activity doon. It's a national activity wherein land-based activity.
01:04And then yung MRC is in support of that ground activity, ground attack.
01:13Ayon kay Hernandez, ito ang pinakaunang pagkakataon na pinaputok ang Tomahawk sa Pilipinas.
01:19Magsisilbi itong training para sa Armed Forces of the Philippines
01:22sakaling bumili din ng ganitong sandataang militar.
01:25May personal tayo ng Philippine Army doon sa mismong launcher, sa shooters,
01:35and also at the Command and Control Center.
01:38In order for them to access the technical know-how on how it is being conducted
01:45from target acquisition, let's say from finding the target, fixing it, tracking it, and deciding and up to the engagement.
01:58Ang Tomahawk Missile ay isa sa mga makabagong sandata na gustong bilhin ang Pilipinas
02:03para magsilbing deterrence sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea
02:07at para idipensa ang teritoryo ng bansa.
02:10Meron itong maximum range na 1,500 kilometers at inilunsad gamit ang Typhoon Missile System
02:16na dinala ng Amerika sa bansa noong 2024.
02:20Matagal nang inaalmahan ng China ang pagposisyon ng Typhoon sa Pilipinas,
02:24particular sa mga lugar sa North Luzon na malapit sa Taiwan.
02:28Sa isang post sa social media, umalma ang grupong koalisyong makabayan sa missile launch.
02:32Hindi raw playground ang Pilipinas para sa mga missile at bomba ng US
02:36na ginagamit para patayin ang mga sibilyan sa ibang panig ng mundo.
02:41Mariinitong hiningi na itigil ang balikatan ng wargames
02:44at nananawagan na imbestigahan ang missile launch.
02:47Hinihingi na namin ang pahayag ang militar at ang Department of National Defense.
02:52Sino gasto na katutok? 24 oras.
Comments