00:00Aminado ang Department of Migrant Workers na napupuno na ang ilang pasilidad sa Kuwait.
00:05Nagkakaroon ng kaunting pagkaantala sa pagpapauwi sa mga Pilipino roon.
00:10Saksi si Jamie Santos.
00:15Sa videong yan na ibinehagi sa Jamie News,
00:19makikita ang ilang OFW na nanunuluyan sa shelter ng Philippine Embassy sa Kuwait.
00:25Siksikan sa loob ng pasilidad.
00:26May hindi po kami ng tulong sa inyo na makauwi po kami.
00:30Ako po si Christine Peralta.
00:32One month na po ako naka-stay dito sa shelter.
00:36Mayroon po akong sakit na gallstone.
00:39Gusto ko pong humingi ng tulong para po makauwi ako sa aking pamilya.
00:44Umaasa silang mapapabilis ang kanilang repatriation.
00:48Hirap na hirap na po kami dito.
00:51Dahil yung mga nandito na nagtagal na, may sakit na rin.
00:54Ugo si po, naghalo-halo na tapos yung mga bagong dating na gusto magparepat na hawaan na rin.
01:01Aminado ang Department of Migrant Workers na napupuno na ang ilang pasilidad,
01:06nagkakaroon ng kaunting pagkaantala sa repatriation.
01:09They're safe. We're feeding them. We're protecting them.
01:12They are in a, yung alam mo yung shelter natin sa Kuwait, nasa magandang lugar, nasa magandang neighborhood.
01:20Kaya patuloy lang natin silang tutulungan.
01:24They are under our care.
01:26So it's just a matter, pinapakain na sila, tapos yung tulugan.
01:30Mainit ngayon doon, so merong adequate cooling facility accommodation natin.
01:39And it's just a matter of time, makaka-uwi siya.
01:42Humingi na rin ang pasensya si Secretary Kakdak sa mga naghihintay pang makauwi.
01:46Ang nangyari dyan, yung government shelter ng Kuwait kasi katuwang natin yan sa pag-shelter ng mga kababayan natin.
01:57So before they leave, they are taken to the government.
02:01Punong-punong ngayon yun yun ng ibang lahi.
02:04So pati yung ating proseso, naaantala din.
02:09But rest assured, we will help them go home.
02:11Umabot na sa halos 2,000 Pilipino ang napauwi mula Kuwait.
02:15Pangalawa sa may pinakamaraming repatriates sa rehyon kasunod ng United Arab Emirates.
02:21Ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments