00:01Siyam na pong araw na suspendido ang lisensya ng driver na nag-ambang papaluin ng baseball bat ang nakaalitang rider.
00:12Pinagpapaliwanag naman ang driver ng kotse ng counterflow sa NLEX.
00:17Nahuli ka pa mga yan at nakatutok si Mark Salazar.
00:30Inamba na ng driver ang kanyang baseball bat sa ulo ng rider.
00:34Buti na lang at hindi ito nauwi sa mas malalang sitwasyon.
00:44Ano ba ang mitsya ng pagkakainisang ito?
00:48Bandang 4.30 ng hapon sa kahabaan ng Molino Boulevard sa Bacoorcavite noong Martes,
00:55magkasunuran sa kalsada ang motorsiklo at SUV.
00:59Napasadeng stop ang rider sa pedestrian lane dahil may tumatawid.
01:03Ang naalangan sa likod na SUV nang gigil sa busina.
01:08Ganun lang kaliit ang dahilan pero pinainit nilang dalawa ang sitwasyon.
01:16Sa tagisan ng busina.
01:18Hanggang sa huminto at magpalita naman ang insulto at mura.
01:24Siyam pa!
01:25Sigaw-sigaw pa!
01:32Sa LTO nga ang ending ng kwento dahil kapwa sila inisuhan ng show cause order
01:38para magpaliwanag sa LTO sa May 6.
01:41Pero ang lisensya lang ng driver ng SUV ang suspendido ng 90 days
01:46at naka-alarma na rin ang SUV.
01:48Ang viral video ang basihan ng imbestigasyon ng LTO.
01:52Doon sa video, makikita naman natin, maraming siyang paglabag na ginawa.
01:57Bakit? Kasi yung SUV driver, kita naman doon sa video na masyadong mabilis yung dating niya.
02:04Hindi niya nakontrol eh.
02:06May tricycle sa kaliwa.
02:07Kumabig siya doon sa kabilang lane.
02:10Na yung motorsiklo, biglang huminto dahil nga may tatawid.
02:15Muntik niyang matamaan, nataranta siya.
02:17Hanggang sa naging pumunta na sila sa road rage.
02:20Nagbabaan sila, nag-away, naglabas ng bat.
02:24Pusible raw na i-revoke ng LTO ang lisensya ng SUV driver.
02:28Yung pagbaba mo ng sasakyan at may daladala kang bat, para sa akin, hindi lang suspension na dapat mong abutin
02:36dyan.
02:37Paalala ng LTO, imbis na baseball bat, pasensya na lang at pagpapakumbaba ang bitbitin tuwing sasabak sa kalsada.
02:46Maraming paraan yan. Pag may pinakamalapit na pulis, magsumbong sila sa pinakamalapit na pulis.
02:51Yun ang tanging dahilan. Pero hindi sila yung makikipag-away sa kalye.
02:56Humingi lang sila ng paumanin. Ano ba yung ilang minuto, ilang segundo na pabayaan mo na.
03:03Sa Bukawetol, barrier naman ito sa NLEX noong lunes.
03:07Pagdang alas 4 rin ang hapon.
03:09Kuha sa dashcam ang napaka-weird na eksenang biglang nag-u-turn ang kotseng pula,
03:15imbis na dumiretsyo sa tollgate.
03:17Saka nag-counterflow na parang wala lang.
03:20Ngayon lang ako nakakita nag-u-turn sa gitna ng NLEX.
03:24Sa tagal ko na rin ho nagmamaneho.
03:27So kung ano't ano pa man ang dahilan niya,
03:31ay hindi po yun, hindi niya dapat ginawa yun.
03:36Kasi yun ang nga parate, naglalagay ka sa delikadong antas
03:41yung mga kasamahan mong driver sa kalye.
03:43Hindi kayang ipaliwanag ng nag-viral na video
03:46kung ano ang tumatakbo sa isip ng driver ng kotse.
03:49May pagkakataon siyang magpaliwanag sa LTO
03:52dahil inissuhan din siya ng show cause order.
03:55Pero pwede raw itong umabot sa revocation din ang lisensya.
03:59Pwede po.
04:00Kasi ano po yun, expressway yun eh.
04:03Yun nga kung simpleng swerving, change of lane
04:10na upupunta sa reckless eh.
04:12How much more yung ginawa niya na nag-u-turn sa gitna ng expressway.
04:15Sa ngayon, suspended muna ng 90 days ang kanyang lisensya
04:19at naka-alarma din muna ang kotsing binaneho niya.
04:22Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments