- 6 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:02Pekka na nga, delikado pa, ganyan ang mga nasabat na shampoo, sabon at lotion sa Nueva Ecija na aabot sa
00:10mahigit 2 milyong piso ang halaga.
00:13Tinutukan yan ni John Consulta, Exclusive.
00:19Bit-bit ang search warrant.
00:21Pinasok ng mga tauan ng NBI Intellectual Property Rights Division ang dalawang warehouse sa Maynila at Nueva Ecija nitong April
00:2722.
00:28Tumambad sa mga niraid na lugar ang maigit 55,000 piraso ng mga pinaking sabon, shampoo at lotion na nagkakahalaga
00:35ng maigit 2 milyong piso.
00:37Ayon sa NBI, online ang bentahan ng mga pinaking produkto na ginaya mula sa hugis hanggang sa packaging.
00:44Ang key indicators para malaman na hindi siya original ay yung kulay ng packaging.
00:51Yung peke, faded yung box niya.
00:55Tapos pangalawa, yung presyo niya halos kalahati sa original.
01:02Pero yung ibang features niya parehong pareho.
01:06Nang suri ng mga eksperto ang mga nakonfiskang mga produkto,
01:09natukla sa ng NBI ang mga sakap na ginagamit sa pagbuo nito na may dalaraw na peligro.
01:14Yung fake may contain harmful ingredients such as heavy metals and prohibited preservatives.
01:22Mapanganib ito na sangkap na pwedeng mag-cause ng allergy, pangangati, pinsala sa balat.
01:31Lalo na dun sa mga bata.
01:34Mapanganib ito kasi walang safety testing na naganap.
01:40Wala rin permit mula sa FDA.
01:43Kinumpis ka mga counterfeit na produkto na nakatakdang sirain sa oras na ipag-utos ng Korte.
01:48Wala bang pahayag ang mga may-ari ng mga isabisimento na naaarap sa reklamang paglabag sa intellectual property rights codes
01:53at FBA law.
01:55John Consulta, nakatutok, 24 oras.
01:59Pag-iisahin na at gagawa ng committee report ang dalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
02:07Tiwala ang ilan sa committee na lulusot ito sa plenario.
02:11Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
02:15Raise their right hand.
02:18Kasunod ng pagdeklarang may probable cause para i-impeach at litisin si Vice President Sara Duterte kahapon,
02:25may mga kailangan pang pagdaanan bago maiakyat sa Senado ang proseso para sa impeachment trial.
02:32Ang dalawang impeachment complaints, kailangan pang i-consolidate o pag-isahin.
02:37Kailangan din ang House Committee on Justice na magbalangkas ng committee report na naglalaman ang articles of impeachment.
02:44Ang committee report, nakatakdang pagbotohan ng committee sa May 4.
02:50Saka palang ito pwedeng ipadala sa plenario na posible namang pagbotohan sa May 11.
02:55Yung May 11, that is just my recommendation.
03:00Kasi on May 4, i-approve yung committee report, resolution, and articles of impeachment.
03:07Right after approval, on the same day, we transmit it to the plenary.
03:12Once it is in the plenary, we anticipate that they will be transmitting copy of the same to all the
03:20members of the House,
03:21including the Vice President, kasi ito yung nasa desisyon ng Duterte v. House of Representatives
03:27to provide reasonable time sa House members to read and study the impeachment complaint, including the evidence, before the plenary
03:37vote.
03:37Ang botohan daw kahapon, parang patikim na na magiging botohan sa plenario.
03:42One third ng lahat ng kongresista o 106 na boto ang kailangan sa plenario para maitransmit ang articles of impeachment
03:52sa Senado.
03:53Sa tingin po ninyo, maaabot yung 106?
03:56Well, makita nyo naman sa voting sa Justice Committee, dinanin mo sa nang bumoto.
04:05Ang mga bumoto po nung kahapon is 53 na.
04:09Hindi pa po diyan bumuboto yung chairman.
04:11So, kung ibibigil lang po natin si chairwoman Jinky, 54 yan.
04:17So, kung ang kailangan po namin ay let's say 106, so we are short of 152.
04:25So, kaya nyo po yun.
04:27So, 52 na lang. So, tingin ko naman po yung 52 na yun ay medyo within striking distance. Doable.
04:33Sabi ng mga kongresista ang nakausap namin ang boto nila base sa kanilang pagsusuri sa mga iniharap na ebidensya.
04:42Wala raw itong koneksyon sa aligasyon ng kapatid ng vice na si Davao City First District Representative Paulo Duterte
04:49na may tumatawag sa mga opisina ng mga kongresista para pilitin silang bumoto pabor sa impeachment ng vice
04:57para masigurong may pondo pa rin ang kanilang distrito.
05:00Wala po tayong na-experience na ganyan.
05:03So, we deny the statement of Congressman Pulong in as far as we are concerned.
05:10Anticipated yan na they will be commenting a lot of negative things against this impeachment process,
05:20especially that the Justice Committee was able to establish probable cause
05:26with respect to the two impeachment complaints against the vice president.
05:30Kasama sa mga paghahanda ng Kamara sakaling aprobahan ng Articles of Impeachment
05:35ay ang eleksyon ng mga kongresistang tatayong impeachment prosecutors
05:39at ang posibleng pagkuha ng mga tutulong na pribadong abogado.
05:44Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 oras.
05:49Sunog na naman mga kapuso.
05:50Limampung pamilya ang apektado ng sumiglab na apoy sa Payatas, Quezon City.
05:54Dagdag pasakit sa mga bumbero ang parahon.
05:57Nakatutok live, si Rafi.
06:00Rafi.
06:04Emil Kasag, sagantaman din ng init ang araw kanina ng sumiglab na ang sunog
06:07dito sa barangay Payatas, Quezon City.
06:09Bagamat napigilan yung tuloy ang pagkalat ng apoy,
06:13eh humigit kumulang limampung pamilya pa rin ang apektado ng sunog.
06:21Kita sa drone video na ito ang malakas na lagablab ng apoy
06:24sa kasagsagan ng sunog kanina sa Santan Street, Payatas A, sa Quezon City.
06:29Sa cellphone video naman ito ng isang residente,
06:32kita ang makapal na itim na usok mula sa mga nasusunog na mga bahay.
06:36Mahigit kalahating oras lang mula ng may report ang sunog,
06:39iniyak ka taga dito ng VFP sa ikatlong alarma.
06:42Bukod sa init ng panahon,
06:43nagpahirap daw sa mga bumbero ang dami ng tao.
06:47Abang umaabante kami, pumapasok naman yung mga residente,
06:52masisikip yung mga daanan, mga iskinita,
06:55tapos mainit yung araw,
06:58talagang magliliyab yung mga light materials sa loob.
07:01Halos apat na pong bumbero ang rumisponde sa sunog,
07:04kaya nakakontrol ang apoy pasado alas 2 ng hapon.
07:08I-diniklara itong fire out ng 3.06pm.
07:11Sa kuhang ito ng aking drone,
07:13makikita ang mga bumbero at ilang sibilyan sa mga bubunga ng bahay.
07:16Pilit na sinasalba ang mga bahay na hindi pa inaabot ng apoy.
07:20Yun yung mga pre-protectahan namin kasi ang hangin papasok sa loob.
07:25Kaya doon kami umabante, doon kami umatake para hindi na lumaki yung sunog.
07:29Isa sa mga nagpapasalamat ang pamilya ni Trixie.
07:32Kung hindi raw naisalba ang kanilang bahay,
07:34tiyak damay ang hilera ng mga tindahan ng school supply sa lugar.
07:38Isang bahay na lang po. Buti na lang po yung bahay doon sa likod is batom.
07:43Kaya hindi po agad kumalat.
07:45Pero ang bahay ni Namiko, isa sa mga unang natupok.
07:49Wala raw silang naisalba.
07:51Nagsimula sa kapitbahay namin, sa bubong daw eh.
07:54Tapos hindi ko na alam kung ano yung nangyari.
07:56Biglang lakas talaga agad ng apoy.
07:57Sabi ko, bumbero na, hindi na talaga kaya.
08:00Hanggang nagtakbuhan ng mga kapitbahay namin.
08:03Ilang residente ang nagtamon ng minor injuries matapos subukang isalba ang kanilang mga gamit.
08:08Ang ibang residente, gumamit na ng guardian host para basain ang paligid ng kanilang bahay.
08:13Sa ngayon, iniimbestigahan pa rin ng BFP kung ano ang naging sanhinang apoy.
08:22Inasikaso naman agad ng lokal na pamala ng Quezon City itong mga nasunugan
08:25na pansamantalang narito ngayon sa covered court ng Barangay Payatas A.
08:30Lahat sila ay humihingi ng tulong particular ng mga personal na gamit
08:33dahil karamihan ay walang naisalba sa bilis na pagkalat ng apoy.
08:37Yan ang latest mula dito sa Barangay Payatas A.
08:40Emil?
08:40Maraming salamat, Rafi Tima.
08:43Sa gitna ng maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa,
08:48inulan, binaha at nakaranas naman ang pagguho ng lupa ang Baguio City.
08:53Nakatutok si CJ Torida ng GMA Regional TV.
08:59Sa lakas ng biglang buhos ng ulan nitong Martes,
09:03miragasan ang tubig ang kalsada ng Barangay Irisan.
09:08Ang ilang bahay, putikan hanggang sa loob matapos pasukin ng baha.
09:13May mga naapektuhan din sa pagguho ng lupa.
09:16Sa Barangay Dominican Mirador, nabutas ang dingding ng bahay na ito
09:20matapos mabagsakan ng malaking tipak ng bato.
09:24Tulong-tulong naman ang mga residente at autoridad
09:26para linisin ang mga putik at bato na bumagsak sa mga bahay.
09:31Ito yung exodus kasi mainit sa inaga hanggang panghalo hapon.
09:35Nagbunis kasi yung time na nagbibiday natin yung mga cloudiness natin
09:39at nagkaroon tayo ng mga thunderstorms.
09:42Nagpabot na rin ng tulong ang City Social Welfare and Development Office
09:46at iba pang ahensya sa mga apektadong pamilya.
09:48Mula sa GMA Regional TV, CJ Torida, nakatutok 24 oras.
09:57Nagbubuga pa rin ang usok ang sunong sa Navotas Landfill
10:01pagaman mas kaunti na umano.
10:03Nagkasana ng ilang bagong hakbang para tuluyang maapula ang sunong.
10:09Nakatutok si Dano Tingkungko.
10:14Kumpara nitong mga nakaraang linggo, hindi pa man tuluyang naaapula
10:18ay higit na kontrolado na ang sitwasyon sa nasusunog na Navotas Sanitary Landfill.
10:22Ayon sa Environmental Management Bureau sa tulong ng Japan International Cooperation Agency o JICA,
10:28may bagong atake ang mga otoridad para makontrol, maapula
10:32at masigurong hindi na muling mag-aapoy ang landfill.
10:34Kung papasok daw yung hangin dun sa slope, mag-iignite na naman siya ng apoy dun sa subsurface.
10:43Kailangan ma-stabilize yung slope para ma-lessen po yung pagpasok ng hangin.
10:48Kaya po yung sinabi ko kanina yung merong drone na may thermal scanner
10:52para makita kung meron pang heat sa ilalim.
10:56Iniimbisigan pa rin ang BFP ang sanhinang pagseklab ng sunog sa landfill.
11:00Sa loob ng halos isang buwan, nagdulot ito ng negatibong epekto sa kalidad ng hangin
11:05sa mga karating lugar tulad sa Maykawayan at Ubando, Bulacan,
11:09pati sa Metro Manila hanggang sa Makati at Pasay.
11:12Base sa monitoring ng Philippine Space Agency ngayong araw,
11:15mas konti na ang nakikitang usok mula sa lugar na sakop ng landfill.
11:19Bagamat meron pa rin mga indikasyon nito, partikular sa bahagi ng Bulacan.
11:23For NCR, good and fair na po yung ating mga air quality index.
11:29Actually, also for Maykawayan, for Bulacan, starting April 28,
11:37naging fair na rin po yung kanilang air quality.
11:40Pinag-aaralan po yung ating water quality results.
11:44Hopefully this week lumabas yung laboratory results.
11:48Nakikipagugnayan din ang EMB sa Office of the Solicitor General
11:51para malaman ng pananagutan ng dating operator ng landfill na Fileco.
11:55Sabi ng EMB, nakatuon ang kanilang imbisigasyon sa mga paglabag ng Fileco
11:59sa mga kondisyon ng Environmental Compliance Certificate na in-issue dito,
12:04kabilang ang hindi umano pagkumpleto sa panuntunan sa tamang pagsasara at rehabilitasyon sa landfill.
12:1010% lang po yung soil cover na nagawa nila dun sa property.
12:15Hindi pa po namin na-measure yung height nun kung if it fits the requirement po.
12:21Yung gas vents po, dapat dadagdagan pa yun with the closure.
12:24Wala pa po kasi nga po, soil covering pa lang.
12:26And then the, of course, the submission, delayed submission of their safe closure and rehabilitation plan
12:33and the abandonment plan.
12:35The DNR has the power to initiate the filing of cases.
12:41Ang OSG naman kasi is that they will act based on the information or the data or the report submitted
12:49to them by the agency concerned.
12:52Hinihingan pa namin ng panibagong pahayag ang Fileco.
12:54Bagamat nauna na nilang sinabing hindi nila natapos ang kailangang closure and rehabilitation ng isaraang landfill
13:01dahil pinalayasan nila sila ng San Miguel Aero City na ngayon nagmamayari sa lugar kung nasa ng landfill.
13:08Nauna na rin sinabi ng San Miguel Aero City na hindi nagpatupad ang Fileco ng mga requirement
13:13para masara at ma-rehabilitate na ang lupa bago ito umalis.
13:17Danating ko, ako nakatutok, 24 Horas.
13:21Tinatayang aabot sa hanggang lagpas 6% ang bilis ng pagmahal ng mga bilihin at servisyo ngayong Abril
13:28kabilang ang bigas sa mga pabigat sa bulsa na inaasakan pang aabot sa mayigit 60 pesos kada kilo sa Setsembre.
13:35Nakatutok si Bernadette Reyes.
13:40Dahil sa pagmahal ng pagkain tulad ng bigas, pork at isda
13:45na sinabayan pa ng taas presyo sa kuryente, tinatayang papalo sa 5.6 hanggang 6.4% ang inflation rate
13:54ngayong Abril.
13:55Pagtatayayan mismo ng Banko Sentral ng Pilipinas sa bilis ng taas presyo ng mga produkto at servisyo sa bansa.
14:03Bagay na ramdam din ni Tita Naran.
14:06Bitin tuloy ang kita niya bilang vendor at kita ng asawang construction worker.
14:10Nahirapan po budget ma'am, lalo pag sabay-sabay ang bayaran ng big currency, gusto hirap ako talaga ma'am.
14:17Sa pagkain?
14:18Sa pagkain, mahirap din.
14:20Hinihintay na ng BSP ang pinal na datos ng inflation para magamit na gabay sa pagbabantay.
14:25Kabilang sa minamonitor ang latest sa Middle East at ang epekto nito sa inflation at ekonomiya.
14:31Kahit kasi may magkakasunod ng rollback, hindi pa bumabalik ang presyo ng petrolyo sa level nito bago ang gulo sa
14:39gitnang silangan.
14:40At ang bigas na gumagamit ng petrolyo sa delivery, pamahal ng pamahal mula noong unang araw ng airstrike ng Amerika
14:47sa Iran.
14:48May 42 pesos pang nabibiling kilo ng local well-mealed rice bago ang gulo.
14:53Pero umaabot na sa 57 pesos ngayon.
14:57Abot 48 pesos naman ang imported.
15:00Pabigat talaga sa bulsa, lalo sa pamilya ni Sonia na may labintatlong miyembro.
15:05Mabigat po talaga kasi katulad namin marami kami.
15:10Eh di siyempre po, yan nga po, dalawang kilo, isang araw lang po yan.
15:17Dati po kasi may 40, 45 lang, gano'n. Eh biroin niyo po 52 na.
15:2448, 50, 52, yun lang po. Hanggang ano na po yan, hanggang 58.
15:32Siyempre, hirap din po talaga yung iba, lalo na po kung low budget po talaga yung mga tao.
15:38Nahirapon din po sila. Siyempre, ahanapin po nila yung mura.
15:41Posible pang sumipan ng 62 pesos ang kada kilo ng bigas sa Siyempre ayon mismo sa Department of Agriculture.
15:49Dahil sa pagdobli ng presyo ng fertilizer, mahal na petrolyo at banta ng elminyo.
15:55Ngayon pa nga lang nakakaranas na ng tagtuyot sa ilang probinsya.
15:59Before the conflict sa Middle East started, yung presyo ng fertilizer, specifically yung urea and complete nasa 1,500 lang.
16:101,500 pesos per bag. Ngayon nasa 3,000 na.
16:14Pangalawa, pag mahal ang petrolyo mo, may epekto yan doon sa paggamit nila ng makinarya.
16:19Para maiwasan ang lalo pang pagtaas ng presyo ng bigas,
16:22pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang tinatawag na blending o paghahaluin ang imported at local rice.
16:29Sa pwestong ito, halimbawa dito sa Agora Market sa San Juan, 54 pesos ang kada kilo ng imported rice.
16:36Habang umaabot naman hanggang 60 pesos ang kada kilo ng local rice.
16:40Halimbawa, 60% ng murang imported, 40% ng mahal na lokal.
16:46Pag samahin mo, then you can reduce the price noong bigas.
16:5360, 40% or 70, 30% ng pag-blend ng local and imported rice.
17:00Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
17:04Labing-anim na petisyon para sa dagdag sahod ang hawak ng Labor Department mula pa lang sa Metro Manila.
17:11I-gigit din ang wage hike ng iba't ibang grupo bukas, Labor Day, pero may patikim na ang ilan kanina.
17:18Nakatutok si Ian Cruz.
17:23Ang minimum wage earner na si Joe, matagal nang naglalakad papasok sa trabaho para makatipid.
17:29Nang sumipa pa ang presyo ng bilihin dahil sa fuel crisis,
17:33uling na ang panluto nila sa bahay.
17:35Ang mga natitipid, inilalaan para sa mga nag-aaral nilang anak.
17:39Yung hirap ng kalagayan ng ano ngayon eh, kagauna-una sa mga bilihin,
17:45tapos panggastos araw-araw, tapos pangbayad ng mga bilings,
17:50tapos yung pamasahe pa ng mga bata.
17:53Si Rika, single at kumikita ng 695 pesos kada araw,
17:58pero sa dami ng bayarin at mahal ng bilihin,
18:02hapit na agad kahit kakasweldo lang.
18:04Ibabayad pa po yan ng utang.
18:06Yung budget mo na 695, hindi siya enough para sa mga katulad na minimum lang.
18:13Kaya hiling ni Rika, tumaas sana ang minimum wage.
18:17Okay po kung 500 to 800 po kung itataas.
18:21Enough na rin po siguro yun para sa mga nasa unti lang yung pamilya.
18:27Simula 2022 hanggang 2025, 158 pesos lamang ang total wage increase na naibigay sa Metro Manila workers.
18:36Ayon sa Dole, mayroon ngayong 16 na wage increase petitions sa NCR ang iba't ibang grupo.
18:42Mayroon po ang bago kapon, 1,200.
18:46Mayroon po mga ibang petisyon from Raging Fog, 500 pesos, 800 pesos pataas.
18:53Yung po ang hinihingi.
18:55Ang nire-request nila yung agaran.
18:57Agaran na increase, dulot po ng Middle East tension o war.
19:03July 18, 2025, ipinatupad ng 50 pesos na dagdag sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa NCR.
19:11Kaya naging 695 pesos ang arawang kita ng mga karaniwang manggagawa.
19:17658 pesos para sa agri-workers at small retail workers.
19:22Ngayong Mayo o dalawang buwan bago ang anibersaryo ng huling taasahod,
19:27pag-aaralan ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board
19:31kung sapat pa ba ang sweldo ng mga manggagawa sa rehyon.
19:35July 18, maaari na magkaroon ng bagong wage order.
19:39And 60 days before the issuance of the wage order,
19:43meron na huyang review.
19:45Kung magkano, depende sa desisyon ng regional boards.
19:49Sa ibang rehyon, pinakahunin nagtaas ang Bicol Region nitong April 8.
19:5420 pesos ang umento, kaya naging 455 pesos ang bagong minimum wage doon, sabi ng Dole.
20:01May nagsumite rin ng wage hike petitions sa Central Luzon, Calabar Zone at Central Visayas.
20:07Ayon sa labor groups, kailangan ng tumaas ang sahod para makaya ang araw-araw na gastusin.
20:14Bibigay niyo kami ng sapat na sweldo, batay sa aming pinagtaguran, hindi kami aasa sa ayuda.
20:22Kasabay ng pagunitan ng araw ng mga magagawa bukas,
20:25magmamarcha mula Welcome Rotonda patungong Menjola sa Maynila,
20:29ang iba't-ibang labor group para sa panawagang pagtaas ng sweldo.
20:33Ang Dole, mayroong siyam na pong job fair sites sa iba't-ibang bahagi ng bansa,
20:38kung saan may one-stop shop din para sa mga kailangan kumuha ng dokumento.
20:43May kadiwa centers din sa ibang job fair para sa mga murang produkto.
20:48Ian Cruz, Nakatuto, 24 Horas.
20:55Kinilala sa Village People's Choice Awards ang GMA Network at Kapuso Personalities and Celebrities.
21:01Kabilang dyan ang ating 24 Horas anchor na si Vicky Morales.
21:06Narito ang report ni Aubrey Carampert.
21:12Kapuso Pride shines bright sa 7th Village People's Choice Awards.
21:17Huwag ibilang TV Station of the Year ang GMA Network.
21:20Ang parangal tinanggap ni GMA Senior Vice President Atty. Anet Gozon Valdez
21:25na nakakuha naman ng People of the Year Award.
21:28Nagpapasalamat ako sa 7th VP Choice Awards para sa karangalang ito.
21:33Tamang-tama, 7th year nila.
21:35So GMA 7 Station of the Year. Thank you very much.
21:39Sa pagbabalita, kinilalang News Anchor of the Year si 24 Horas anchor Vicky Morales.
21:44News Reporter of the Year si E.J. Gomez.
21:48Sparkling as ever din ang Sparkle GMA Artist Center na kinilalang Artist's Powerhouse Agency of the Year.
21:55Natinanggap ni Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo.
22:01TV Supporting of the Year si Marco Masa para sa Akusada.
22:04TV Supporting Actress of the Year ang kanyang kapwa PBB Collab 2.0 ex-housemate at Akusada co-star Ashley
22:11Sarmiento.
22:12Nakuha naman ni AZ Martinez ang New TV Female Personality Award at People's Sexiest of the Year 2nd Place sa
22:20Female Adult Category.
22:22It's a big responsibility ah to be looked up by people and actually see you as a personality.
22:28I'm very grateful for everyone who made this possible.
22:30People's Sexiest of the Year 2nd Place din sa Male Adult Category si Dustin Yu.
22:36Na itinanghal ding Supporting Movie Actor of the Year para sa Shake, Rattle, and Roll Evil Origins.
22:43Nakakuha rin ang paranghal bilang fandom of the year ng Dust Bia na fandom ni Dustin Yu at Bianca Divera.
22:49Si Mika Salamanka ang viral TikTok Video of the Year para sa kanyang viral Sino Nga Ba Siya Video?
22:56People Face of the Year 1st Place Female Teen Category si Kapuso Big Winner Caprice Cayetano.
23:02Kasi sobrang nakakatuwa po at syempre na-appreciate ko po lahat ng nag-vote sa akin, lahat po ng nagmamahal
23:08sa akin.
23:09Kaya thank you so much po sa inyong lahat.
23:11People Face of the Year 1st Place Male Teen si Heath Hornales.
23:15People Face of the Year 1st Place Male Adult si Will Ashley.
23:20At People Face of the Year 2nd Place sa Male Teen si Mad Ramos.
23:24VP Cover of the Year si Kelvin Miranda, habang VP Spotlight of the Year si Kayla Davis.
23:30Aubrey Carampel, updated sa showbiz sa happenings.
Comments