Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Reklamo ng mga consumer sa pagsipa ng konsumo sa kuryente, tinalakay sa pagdinig ng Senate PROTECT Committee | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binusisi ng mga senador sa Protect Committee ang additional charges na ipinapataw sa electric bill ng mga consumer.
00:07May iba't ibang sugestyo naman ng mga mambabatas kung paano mapagagaan ang pagbabayad sa kuryente.
00:13May report si Luisa Erispe.
00:18Ang paglobo ng singil sa kuryente ang pinanggigilan namang questioning ng mga senador sa pagdinig ng Protect Committee.
00:26Ayon sa mga senador, kaliwat kanan kasi ang reklamo na natatanggap nila na kung hindi dumoble, tumriple pa ang electric
00:34bill ng ilang consumer.
00:36Pero ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian, posibleng damay kasi talaga ang taas ng kuryente sa gulo sa Middle East.
00:43Kaya ang nakikita natin lately na pagtaas ng presyo ay konektado rin sa gulo sa Iran at gulo sa Middle
00:52East.
00:53Kaya po itong pagtaas ng generation charge, ito po yung nakikita natin ngayon sa mga electricity bill natin.
01:01Hindi po yung pagtaas ng lifeline rate natin, ang senior citizens discount natin, pareho lang, bumaba pa nga.
01:09Pero ang generation charge ang tumataas these past three months.
01:13Paliwanag pa ng senador, tumaas kasi ang presyo ng liquefied natural gas, pati na rin ang uling o coal na
01:20ginagamit sa kuryente.
01:21Kaya talagang sisipa ang kilowatt per hour na singil, particular sa generation charge sa mga electric bill.
01:28Makikita ho natin ang presyo ng langis konektado rin sa presyo ng coal at presyo ng LNG na binibili natin.
01:39Imported rin yan. At lahat ito ay internationally priced.
01:43So kung bumibili tayo ng coal, which is half of our electricity, at tumaas ang presyo ng coal, sigurado tataas
01:51rin yung presyo ng ating kuryente.
01:54Ayon naman sa Miralco, ang presyohan din kasi talaga ng binibiling fuel na ka-dollars.
01:59At dahil tumaas ang palitan ng piso sa dolyar, tataas din ang singil.
02:03Pero humirit naman si Sen. Rodante Marco Leta. Kung kasama sa problema ang uling o coal, bakit kasi ine-export
02:11ang uling ng Pilipinas at nag-i-import naman ang gagamitin ng bansa sa kuryente?
02:16Mas mura kung locally produced coal o diretsyo ng magagamit ng bansa.
02:21Bakit hindi po nyo sinag-i-invest na in-export natin ang coal production natin, kahit na po sinasabi nila,
02:29we're exporting this because we cannot use it locally.
02:33That's very ironical, Mr. Chair. Sabi po nila, low-calorific value.
02:39Eh bakit po binibili ng ibig mong bansa kung low-calorific value?
02:43I think magamit natin yung coal natin, yun ang kapapababasa kuryente.
02:49Sumagot naman ang Department of Economy Planning and Development o Deptev, nakukonsultahin din nila ang Department of Energy hinggil dito.
02:57Pero si Sen. Amy Marcos, iba naman ang pinagdiinan, ang mga nadagdag na other charges sa bill ng kuryente, ang
03:05lifeline rate at senior citizen charge.
03:08Kung subsidiya pala ito, bakit pa kailangang ipasa sa mga consumer?
03:13Baka naman pwede nang saluhin ng mga electric companies.
03:16Ang lit-lit naman ang lifeline na yan. At nasabi nga, 135,000 lang naman, 8 million lang naman yan
03:23every month.
03:24Hindi ba pwedeng i-absorb na ng Meralco yan?
03:27Iba-iba din po kasi ang ating mga distribution utilities. Mayroon din tayong mga electric cooperatives na kung saan ang
03:34kanilang talipan.
03:34Hindi, sana manguna na yung Meralco. Siyang pinakamalaki.
03:37Of course, kung sila po voluntary.
03:40Bukas naman anya ang Meralco na pag-aralan ito, gayon din ang ERC.
03:45Pero nakabase kasi sa batas, nasisingil ng 0.1% sa bawat consumer na hindi kasama sa 4Ps para sa
03:53mga naturang subsidiya.
03:54Pero hindi pa rin tinantanaan ang mga senador ang issue sa kuryente.
03:58Isa pa sa nasita, ang patong-patong na buwis.
04:02Kaya naman hirit ulit ni Sen. Marco Leta, tanggalin na ang 12% VAT sa kuryente.
04:07Kailangan lang mapastrack yung pagpapaalis ng 12% VAT sa kuryente.
04:13Para sa ganun, ay unti-unti nabababawasan natin ang elektrisidad.
04:20Ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian,
04:23mabuti pa rin na magpatupad na ang ERC ng staggered o utay-utay na ang pagbabayad ng kuryente na mga
04:30consumer o kaya ay ang taas singil.
04:32Paking panawagan, panawagan rin ng committee at recommendation, mag-implement ng staggered ang ERC.
04:39Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended