00:00Update po tayo, kasunod naman ng ammonia leak mula sa isang planta ng yelo sa Deparo, Caloocan.
00:06May ulat on the spot si Chino Gaston. Chino?
00:12Pony, napakalakas pa rin ang amoy ng ammonia mula sa lugar na ito sa barangay 168 sa North Caloocan
00:18matapos nga magkaroon ng ammonia leak ang ice plant na ito sa aking likuran.
00:24Mayat-mayat dinitest ang toxicity level ng hangin para malaman kung pwede nang pabalikin
00:29ang mga residente na nakatira malapit sa ice plant.
00:32Ayon sa CDRRMO, tuwing nalalanghap ang ammonia, maaring magdulot ito ng pagsusuka,
00:38hirap sa paghinga at pagkahilo.
00:40Papanganib daw ito sa mga matatanda, bata at yung mga may karamdaman sa baga.
00:45Sa ngayon, wala nang nananatili o walo pa ang nananatili sa Tala City Hospital o sa Tala Hospital
00:51samantalang inoobserbahan naman ng ilang residente sa barangay hall matapos makalanghap at makaranas ng pagkahilo.
00:58Agad nagpunta ang CDRRMO sa lugar katuwang ang BFP para i-ventilate o pahanginan ang fumes ng ammonia
01:05na gamit sa refrigeration at produksyon ng yelo.
01:08Narito din ang mga kinatawa ng City Environmental Office para malaman kung ano-ano
01:13ang posibleng pananagutan ng may-ari ng planta.
01:17Connie, base sa huling reading ng hangin ay hindi pa rin pwedeng pabalikin itong mga residente
01:22at may nakahanda namang evacuation center dito habang di paligtas silang bumalik sa kanilang mga bahay.
01:28Sinusubukan pa natin hanggang sa mga sandaling ito na makunan ng pahayag ang may-ari ng nasabing ice plant.
01:35At yan ang ligtas mula rito sa North Caloocan. Balik sa inyo, Connie.
01:38Marami salamat, Shino Gaston.
01:44Marami salamat, Shino Gaston.
Comments