00:00Napapanahon na ba ang repasuhin ng oil regulation law?
00:04Yan po ang tinalakay ng pagdinig ng Kamara kasunod ng pagmahal ng mga produktong petrolyo.
00:09Sabi ng isang opisyal ng Energy Department, may inihahanda silang dokumento para maamiandahan ang batas.
00:15Balitang hatid ni Ian Cruz.
00:20Sa pagdinig ng House Committee on Transportation sa fuel crisis na epekto ng gulo sa Middle East,
00:26halos iisa ang hiling ng mga transport group, ibasura ang oil deregulation law,
00:31lalot ang Department of Energy na ang nagsabing wala silang magawa sa presyo ng langis dahil sa batas.
00:37Namukahe po namin, hindi lang pag-aralan yung oil deregulation law,
00:41kundi ang mukahe po namin, tahas ang siyang ibasura dahil inutil siya para sa mga mamayan.
00:46Itong batas na ito, hindi po kami nakonsulta na ito ay aproba ang maging batas.
00:51Hirap na hirap na po dahil po dyan sa batas na yan.
00:55Ang tawag ko po sa sarili ko po, hindi na po batas ngayon po yan.
00:59Gatas na po.
01:01Sabi ng Department of Energy, may inihahanda silang dokumento para maamiandahan ang oil deregulation law.
01:08Meron na hong tinapos ang DOA na amendment draft doon sa oil deregulation law.
01:16So finalizing it now and soon we will be submitting it to Congress for amendment.
01:22So for the proposed amendment.
01:25Nang tanungin ng GMA News ang DOE para sa mga detalye,
01:28tumanggi ito dahil di raw otorisado si Direktor Rino Abad na isa publiko ito.
01:33Ang oil deregulation law ay ipinasah noong 1998 kung saan hinahayaan ang mga kumpanya ng langis
01:40ang magtakda ng kanilang presyo.
01:43Layon itong mapababa ang presyo ng gasolina dahil magkakaroon ng kompetisyon sa mga oil industry players.
01:49Pero sa taas ng presyo ng gasolina ngayon, sinasabi ng chairman ng komite na baka napapanahon ng baguhin ito.
01:55What is happening right now is an eye-opener.
01:59So basically, ako laging sinasabi ko nga, marami naman mga batas diyan,
02:05but we should adjust or adapt to the changing times.
02:09And I think ngayon is talagang tama na napapanahon na.
02:13Si Quezon City Representative Bong Suntay inusisa ang Department of Finance
02:18kung bakit sa LPG at Kerosene lang inalis sa excise tax sa loob ng tatlong buwan.
02:23Gayong mas marami daw ang makikinabang kung aalisin ang excise tax at value-added tax sa krudo at gasolina.
02:31Umabot pa nga ng 140 eh.
02:33So ibig sabihin, yung bat collection more than doubled for almost two months now.
02:39So malaki na yung napundar ng gobyerno.
02:44So why not give a temporary retrieve sa mga tao like what other countries did?
02:51We take note of the recommendations of the Honorable Congressman.
02:55We're closely monitoring the movements of the prices of fuel.
03:00And maybe in the meeting of the DBCC, pag-aaralan po namin yung mga bagay na yun for the next
03:11recommendation.
03:13Gate naman ni Deputy Minority Leader Serge Dagook.
03:17Malaking value-added tax na ang nakolekta ng BIR sa pagsipa ng presyo ng langis
03:22simula na magkaroon ng gulo sa Middle East.
03:25Kaya bakit hindi raw ipaku muna sa pre-war level ang kinokolektang VAT sa langis?
03:31After sa gira, kumita na tayo.
03:35Ngayon, halimbawa, nasa 90 pesos pa tayo.
03:41So yung 90 pesos, minus 55, 55 lang ang patawa natin ng VAT.
03:48Ang ibig kong sabihin, ang isuspend lang natin na koleksyon ng VAT,
03:53yung increase ng fuel cost per liter.
03:58We will relay your recommendation to our principals for further study.
04:03Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA News.
Comments