00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:063 milyong pisong halaga ng alahas at cash ang natangay mula sa isang pawn shop sa Kalinog, Iloilo.
00:11Ayon sa polisya, posibleng dumaan ng mga salarin sa drainage mula sa ilog at binutas ang sahig para mapasok ang
00:17sanglaan sa barangay Poblasyon Centro.
00:20Sa ngayon, may dalawang persons of interest na ang mga otoridad.
00:24Hindi pa nila masabi kung miyembro ng termite gang ang nasa likod ng panluloob.
00:28Patuloy sila ng angalat ng CCTV footage para sa embistigasyon.
00:44Ito ang GMA Regional TV News!
00:49Arestado ang gunman at ang mastermind umano sa pamamaril sa isang lalaking nasa internet cafe sa Talisay, Cebu.
00:57Base po sa embistigasyon, naglalaro noon ang biktima ng barilin ng isa sa mga suspect.
01:02Sugatan sa insidente ang anak ng biktima matapos tamaan ng bala.
01:07Sa tulong po ng CCTV footage, natukoy at naaresto ng polisya ang gunman.
01:12Nakumpiska sa kanyang isang baril na hinihinalang ginamit sa pamamaril.
01:17Na-recover din po ang apat na bala at motosiklong ginamit niya sa pagtakas.
01:21Na-aresto naman ang pamangkin mismo ng biktima na umano'y nag-utos sa gunman na gawin ang krimen.
01:28Tumanggi siyang magbigay ng pahayag sa media.
01:30Pero ayon sa salaysay niya sa polisya, ang lalaking nasa likod ng biktima ang target ng pamamaril.
01:37May nasabat ding mahigit 170,000 pesos na halaga ng hinihinalang syabu mula sa pamangkin ng biktima.
01:45Hinala ng polisya, personal na alitan at may kaugnayan umano'y sa iligal na droga ang motibo sa krimen.
01:52Nahaharap at mahaharap po sa patong-patong na reklamo ang mga suspect.
01:59Arestado sa Bacolod City ang tatlong pung sangkot umano'y sa iligal na drag racing.
02:03Ni Raid ng polisya at LTO Negros Island Region ang sinasabing drag racing sa Bacolod,
02:09economic highway sa barangay Granada matapos may magsumbong tungkol dito.
02:13Hindi nakuhan na ng video ang aktual na karera.
02:16Nabisto rin ng mga otoridad na may pustahan sa lugar.
02:19Ayon sa LTO, labing tatlong motorsiklo ang na-impound.
02:22Aminado ang punong barangay na may drag racing sa kanyang nasasakupan
02:26at matagal na ron niyang pinagsasabihan ang mga sangkot.
02:30Walang pahayag ang mga inaresto.
Comments