00:00International Criminal Court is now in session.
00:03Rodrigo Roa Duterte.
00:13Inanunsyo ng International Criminal Court
00:15ang tatlong hukom na lilitis sa kasong crimes against humanity
00:18ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:21Sila ay sina Judge Joanna Corner mula sa United Kingdom,
00:24Judge Kee Bong Peck mula naman sa South Korea,
00:27at Judge Nicolas Guew mula naman sa France.
00:32Ayon sa ICC, ang tatlong judge ang bubuo sa Trial Chamber 3.
00:38Sila ay kilalang mga eksperto sa Criminal Law,
00:41International Humanitarian Law at Human Rights Law.
00:44Nauna na ang sinabi ng kampo ni dating Pangulong Duterte
00:48na iaapila nila ang desisyon sa Pre-Trial Chamber 1
00:51na i-confirm ang lahat ng charges laban kay Duterte.
00:55Ayon sa ICC, kailangan humingi ng permiso ang defense team
00:59ng dating Pangulo sa Pre-Trial Chamber 1 bago umapila.
01:03Ayon sa Principal Counsel ng Office of Public Counsel for Victims
01:07na si Paulina Masida,
01:09ay kailangan munang marisolba ang apila ng dating Pangulo
01:13bago simulan ang trial proper.
01:15Oras daw na magtakda ng unang pulong ang Trial Chamber 3,
01:19ay agad daw hihilingin ng OPCV na simulan na agad
01:23ang pagdinig dahil matagal na itong hinihintay ng mga biktima.
Comments