00:00Posibleng magkaroon muli ng pagdinig ang Blue Ribbon Committee hingga sa Umanay Flood Control Scam,
00:05kung saan target na paharapin si na dating Congressman Zaldico at Representative Martin Romualdez,
00:11pati na ang Umanay 18 ex-Marines, sinang ulat ni Luisa Erisbe.
00:18Posibleng magkaroon ng face-off o magharap-harap si na dating Congressman Zaldico,
00:22late Rep. Martin Romualdez at ang 18 ex-Marines sa mga susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee.
00:30Matatandaan, ang tatlong panig ang iniimbestigahan at naglabas ng mga kritikal na impormasyon hingga sa Flood Control Scam.
00:38Ayon kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Chairman Panfilo Lacson,
00:42kung maghaharap-harap ang mga ito, magkakaalaman na kung sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang nagsisinungali.
00:50Kaya kahit inimbitahan na noon si Romualdez at dalawang beses itong hindi sumipot,
00:55handa ang komite na muli siyang imbitahan at bigyang pagkakataon na maipaliwanag
01:00ang kanyang panig bilang itinuturong mastermind sa anomalya.
01:04Gayt pa ni Lacson, kapag sumabak si Romualdez sa pagdinig,
01:08dito maoobserbahan kung tapat ba ito sa kanyang magiging pahayag.
01:13Samantala, para naman magkaroon na muli ng pagdinig ang Blue Ribbon,
01:16bubuo muna ang komite ng Chairman's Progress Report imbis na hintayin ang Partial Committee Report.
01:23Hindi kasi mailapag sa plenario ang naunang report hanggang sa ngayon dahil kulang pa ito ng pirma ng mga miyembro.
01:29Sa ngayon, nakapag-draft na ang komite ng Progress Report.
01:33Sa oras na ma-i-sumite ito,
01:34ay maaari na ulit magbukas ng pagdinig ang Blue Ribbon hingga sa flood control scandal.
01:39Nagpadala din ang mensahe si Lacson sa Office of the Ombudsman kung maaari bang ipadala sa kanila ang Chairman's Progress
01:46Report.
01:47Sa pamamagitan nito, maaaring magamit ang mga ebidensyang laman nito para sa investigasyon.
01:52Dagdag pa ni Lacson, kailangan magtulong-tulong para luminaw na kung sino ba talaga ang mga nasa likod ng anomalya.
01:59Sa ibang usapin naman, habang naghahanda na rin ang Senado para sa napipintong impeachment trial laban kay Vice President Sara
02:07Duterte,
02:08sakaling ipadala na sa kanila ang Articles of Impeachment mula sa Kamara,
02:12si Lacson nagpaalala naman sa mga kasamahang senador na dapat hindi magpakita ng kulay o panig,
02:20lalo na at uupo sila bilang Senator Judges.
02:23Hindi dapat sila magmukhang parte ng prosekusyon o maging defense panel.
02:27Hindi rin daw magandang pangitain kung magmumukhang may pinipiling panig.
02:32Sa pagtatanong, dapat malinaw na may nais lang klaruhin.
02:36Tiniyak naman ni Lacson na magiging patas siya at ang magiging desisyon ay nakabase lang sa lalabas ng mga ebidensya.
02:43Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments