00:00May hanggang March 30 pa ang kampo ni dating Sen. Bong Revilla para magsumite ng counter-affidavit sa Department of
00:08Justice.
00:09Ito ay matapos magsumite ng kontrasalaysay ang apat na idinagdag na respondents sa kaso ng flood control anomalies sa Bulacan.
00:18Si R.R. Tubice sa sentro ng balita.
00:23Dumating sa Department of Justice ang abogado ni former Sen. Bong Revilla na si Atty. Carlos Villaruz para humarap sa
00:30panel of prosecutors sa pagdinig ng preliminary investigation sa reklamong plunder.
00:35Kaugna ito ng mga maanumalyang flood control project sa Bulacan.
00:38Hindi dumalo sa pagdinig si Revilla. Tanging ang mga kinatawa niya lang ang humarap sa DOJ panel.
00:43Sa pagdinig, tinanggihan ng DOJ ang posisyon ng kampo ni Revilla laban sa pagdagdag ng mga bagong respondent sa reklamo.
00:58Naunan ang nag-hahain ng mosyon ang National Bureau of Investigation para isama sa kaso ang apat na dating engineer
01:04ng Department of Public Works and Highways NCR.
01:07Kabilang sa mga idinagdag na respondent, sina Denryl Cesar Cortuna, Manny Bulusan, Ruel Umali at Arturo Gonzalez Jr.
01:15Nauna nang nakasama sa reklamo ang mga dating opisyal ng DPWH na sina former Undersecretary Roberto Bernardo, former District Engineer
01:24Henry Alcantara at dating Regional Director Gerard Opulencia, na itinuturing namang mga state witness sa kaso.
01:30Ayon sa abogado ni Revilla, na isumitin na sa mga bagong respondent ang kanilang mga counter-affidavit.
01:36They submitted their counter-affidavit and subscribed to it. And then kami naman, the other respondents, including former Senegal Revilla,
01:46were given until March 30 to file the necessary manifestation and action.
01:51Pagkatapos nito, inaasahang isusumitin na ang reklamo para sa resolusyon ng mga prosecutor.
01:57Nauna nang nagsumitin ng kanyang counter-affidavit si Revilla noong February 12 laban sa mga paratang.
02:03Ayon naman sa DOJ, ang reklamong plunder ay sumasaklaw sa malawakang anomalya sa flood control project sa Bulacan.
02:09But we know that plunder kasi, of course, it's a grave crime. It covers a combination of series of overt
02:18acts where the acquisition of ill-gotten wealth amounted to more than, to at least 50 milyon.
02:25Ipinaliwanag din ng DOJ na hindi nakatoon sa iisa lamang na proyekto ang nasabing reklamo.
02:31Ang plunder complaints po necessarily, hindi lang po yan isang project or isang project ID. It's not confined to one
02:36project. It's multiple projects, but what we can say is they're all located in Bulacan.
02:42Sa resulta ng preliminary investigation, nakasalalay kung may sapat na ebidensya upang isampasahukuman ang mga kasong plunder laban kay former
02:50Sen. Bong Revilla at sa iba pang sangkot sa reklamo.
02:54RR2B, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments