00:00So, spendido muna ang mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
00:03sa anomalia sa flood control projects.
00:07Ayon kay Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Chair Panfilo Lacson,
00:11ito ay hanggang hindi na e-endorso sa plenario
00:14at hindi napipirmahan ng ibang miyembro ang Partial Committee Report.
00:19Git niya, dapat lang magkaroon ng logical conclusion bago magsimula
00:23ng panibagong investigasyon para hindi masayang ang mga naonang pagdinig ng komite.
00:29Samantala, kahapon lamang pinirmahan ni na Senate President Vicente Soto III
00:34at Senator Irwin Tulfo ang Partial Committee Report
00:38kaya may anim na pirma na ito at kinakailangan na lamang ng karagdagang tatlo mula sa mga miyembro.
00:45Ayon naman kay Lacson, may mga miyembro na nagdadalawang isip.
00:49Hindi naman anya pipilitin ni Lacson ang ibang miyembro na pumirma
00:52pero nag-alok na ng tulong si Senate President Soto hinggil dito.
Comments