- 5 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- Ginang, sugatan matapos mabundol rider na menor de edad
- U.P. student at mamamahayag, kabilang sa 19 na napatay sa umano'y engkuwentro
- Kampo ni VP Duterte: Walang 'di tugma sa mga nakalagay sa SALN at bank transactions ng bise
- High-level coordinating team, pa-Czech Republic para makipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay sa pagpapauwi kay Zaldy Co
- Ex. Pres Duterte, lilitisin matapos kumpirmahin ng Pre-trial Chamber 1 ang mga kaso sa kaniya
- Biyahe ni VP Duterte sa 5 bansa, hindi muna tuloy
- 1st dance ng bride at PWD na groom, natupad sa tulong ng groomsmen
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- U.P. student at mamamahayag, kabilang sa 19 na napatay sa umano'y engkuwentro
- Kampo ni VP Duterte: Walang 'di tugma sa mga nakalagay sa SALN at bank transactions ng bise
- High-level coordinating team, pa-Czech Republic para makipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay sa pagpapauwi kay Zaldy Co
- Ex. Pres Duterte, lilitisin matapos kumpirmahin ng Pre-trial Chamber 1 ang mga kaso sa kaniya
- Biyahe ni VP Duterte sa 5 bansa, hindi muna tuloy
- 1st dance ng bride at PWD na groom, natupad sa tulong ng groomsmen
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04State of the Nation
00:06State of the Nation
00:08State of the Nation
00:14Naglalakad sa gilid ng kalsada ang dalawang yan ng bungguin ng motorsiklo.
00:18Pero imbis na huminto at tumulong, tumakas ang rider na napagalamang menor de edad.
00:24Sugatan ang isa sa dalawang biktima.
00:26Ayon sa Cotabato City Police, nakipag-ayos na ang nanay ng rider sa mga biktima.
00:34Muntik namang makaladkad ang rider na yan habang pinipigilan ng sasakyan na nakasagian niya sa Kainta Junction.
00:41Pero imbis na huminto, tumakas ang SUV.
00:45Nagkaareglo na ang dalawang panic.
00:47Pero ang Land Transportation Office, pinadalahan ng show cost order ang driver at registered owner ng sasakyan.
00:54Sinuspindi rin ng siyam na pong araw ang kanyang lisensya.
01:01Isang estudyante ng University of the Philippines at isang mamamahayag ang kabilang sa labing siyam na nasawi
01:06sa umano'y inkwentro sa Negros Occidental.
01:09Tumipensa naman ang Philippine Army sa gitna ng mga pagkundina sa kanilang pagkakapatay.
01:15May report si Darlene Cai.
01:19Labing siyam ang nasawi ng magkasagupa umano, ang mga sundalo at mga miyembro ng New People's Army sa Toboso Negros
01:26Occidental noong April 19.
01:27Ayon sa Philippine Army, mga miyembro raw ng NPA ang napatay.
01:32Kabilang sa mga nasawi ang mamamahayag na si RJ Ledesmat, ang estudyante ng University of the Philippines Diliman na si
01:37Alisa Alano.
01:38Pero, sabi ng Philippine Army,
01:41Ano ang ginagawa kung sakali man sila ay mga teachers, social workers, journalists, etc.
01:48Ano ang ginagawa nila doon sa encounter site na may hawak na baril at nakipagbarilan sa ating mga sundalo?
01:55Bukod sa sila raw talaga ang naka-inkwentro ng kanilang sundalo, kinilala rin daw sila ng mga dating rebelding sumuko.
02:01Miyembro raw ng isang unit ng NPA si Alisa.
02:04Asa ngayon, yung identified natin sa kanya is member siya ng Negros North Front.
02:11Wala pang pahayag ang pamilya ni Alisa, pero kinundila ng UP Diliman at ng University Student Council ang pagkakapatay sa
02:18kanya.
02:19Inusenteng sibilyan daw si Alisa na nakaupong konsihal ng USC.
02:23Naroon daw siya sa Negros upang makipamuhay at pag-aralan ang tunay na kalagayan ng mga magsasaka sa Negros Island
02:30sa gitna ng anilay pangangamkam ng lupa, pananamantala at militarisasyon sa lugar.
02:36Nanawagan naman ang UP Diliman Committee on the Protection of Academic Freedom and Human Rights sa gobyerno
02:41na magkaroon ng malinaw at patas sa investigasyon sa pagkamatay ni Alisa at ng iba pang nasawi sa Toboso.
02:47Ang kamag-anak naman ang mamamahayag na si RJ.
02:50Doble ang bigat ng pagluluksa, lalot ang kanyang pagpanaw ay nadudungisa ng panghuhusga.
02:56Do kagulpe, gitbalas ang sitwasyon, no? Do hindi kami magpate.
03:00Do active lang gini siya sa Iyabing na school.
03:02Sa tutuod lang wala kami kapate. Wala gig kami kapate 100%.
03:06Sakit na asamon nga ginaano siya, balas ang mga tao, ginadjuds.
03:11Darlene Kai, GMA News.
03:15Pinalagaan ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang mga pagdududa sa SALEN at Backwards Actions ng BC na tinalakay
03:22sa Kamara kahapon.
03:24Git naman ni Duterte, lehitimo ang bawat sentimo sa kanyang pera at ari-arian.
03:29May report si Marisol Abduraman.
03:33Sa pagdinig ng House Committee on Justice kahapon, lumalabas na tila hindi raw nagtutugma ang mga halagang nakalagay sa SALEN
03:41sa mga bank transactions ni Vice President Sara Duterte.
03:44Meron din daw mahigit 600 covert at suspicious transactions sa mga bank accounts ng Vice at kanyang asawa na nagkakahalaga
03:53ng 6.7 billion pesos.
03:55Batay sa testimonya ng Anti-Money Laundering Council o AMLAC.
03:59Pinalagan niya ng kampo ng Vice.
04:01Para po sa amin, actually, wala naman pong hindi nagtutugma. Perhaps it's just the way that things were presented.
04:08Suspicious transactions does not equate to any wrongdoing or unlawful activity.
04:14Perhaps the bank thought or tagged it as suspicious so umakyat noon sa AMLAC.
04:22Hindi naman ibig sabihin noon, eh iligal na kaagad or may money laundering na kaagad or may krimen na kaagad.
04:27Anila, lumaki ang halaga dahil sa pinagsama-sama ang mga transaksyon sa mahigit labing walong taon.
04:33Kasi aggregate yung ginagawang numbers. So lahat ng inflows dyan, lahat ng outflows dyan, ina-add up lang.
04:41Kaya may tendency talaga na maging bloated yung figures.
04:46But it is not determinative or conclusive as to magkano ba talaga yung nasa loob ng account.
04:51Giit nila, nagdeklara rin daw ang VC ng cash on hand and in banks sa kanyang SALEN.
04:56Taliwa sa sinabi ng pagdilig ng House Justice Committee.
04:59She disclosed because it was all lumped under yung others.
05:05Kasi sa personal items, kung makita nyo dun sa SALEN, nakasulat dun eh, vehicles, others.
05:13So yung cash and bank, kasama siya dun sa others.
05:16Sa isang pahayag pinuna ni Duterte ang mga opisyal ng AMLOC dahil hindi nito nilinaw na walang findings na mga
05:23paglabag sa batas ang kanyang mga transaksyon at hindi totoong may bilyones sa kanyang mga bank account.
05:28Anya, e dineklara niya sa kanyang SALEN ang lahat ng kanyang ari-arian at pera.
05:33Bawat sentimurao ay lehitimo at may kaukulang dokumento.
05:37Tinukoy rin ang BC ang inilabas ng Notice of Disallowance ng COA sa confidential funds ng BC.
05:42Tila itinaundaw ang paglalabas ng report at naaayon sa mga nararanasang political attack.
05:48Sa desisyon ng COA, pinababalik sa tanggapan ng BC ang 73 million pesos na confidential funds.
05:55Hindi pa po final yan dahil may remedies pa po ang mga officials ng OVP.
06:01Again, motion for reconsideration within 30 days and then upon denial kung ano man ang balance ng 30-day period
06:09na yun,
06:10ay maaari pa kaming umakyat sa Supreme Court on Rule 64.
06:14At dun lang po sa desisyon ng Supreme Court magiging final itong disallowance na ito.
06:19Muling iginiit na defense team ni BC ang kanilang naonong posisyon na sa tamang forum lang haharap
06:25at sasagot ang BC at ang kanyang mga abugado.
06:29Pinalagan din ang BC ang testimonya ni dating Sen. Antonio Trillanes IV
06:33pantungkol sa drug money na tinanggap umano ng pamilya Duterte.
06:37Halos isang dekada na raw gumagawa ng kwento si Trillanes,
06:40hingilas na di umanibilyones sa kanilang bank accounts.
06:43Wala raw bago sa kanyang mga kwento.
06:45Ang nabago lang daw, may ibang makinaryang nasa likod niya na tinukon niyang si Pangulong Bongbong Marcos
06:51na dapat daw nagpapadrug test.
06:53Pati na rin ang mga tinawag ng BC na mga lawbender,
06:56na mga kongresista na tumatanggap ng mga maleta
06:59at paulit-ulit na binabaliwala ang constitutional limit.
07:03Kung gaano raw katindi ang paninira sa kanya,
07:06ganon din daw katindi ang katahimikan at takot ng administrasyon
07:10na managot sa bilyong-bilyong pisong ni nakaumanong nilagay sa maleta
07:14at inilabas sa bansa.
07:16Kinukuhanan pa namin ng reaksyon ang mga personalidad
07:19at mga tanggapang nabanggit ni Duterte.
07:22Marisol Abduraman, GMA News.
07:27Biyahing Czech Republic ang ilang kinatawa ng gobyerno ng Pilipinas
07:30para sa pagpapauwi kay dating Congressman Zaldico.
07:34Kuha tayo ng update mula sa Czech Republic.
07:36May live report si Marizo Malik.
07:38Maris.
07:42At ang kasunod nga ng anunsyo mismo ni Pangulong Bumbo Marcos
07:46na nasa kustodiyan na ng Czech authorities
07:48ang nagtatagong dating Congressman na si Zaldico
07:51matapos magtangkang pumasok sa Germany
07:53na kulang ang mga dokumento
07:55at narito nga tayo sa Czech Republic, sa Prague mismo
07:58para personal na tutukan din yung sitwasyon.
08:02Kasalukuyang pa na sa pagpupulong itong si Ambassador Eddie Meñez
08:06kaugnay nga raw sa issue ni Ko.
08:07Lalo't inaasahan na nga ang pagdating dito sa Czech Republic
08:11ni Justice Secretary Vida para tutukan ang pagpapabalik kay Ko sa ating bansa.
08:18Parating na nga rito sa Prague, Czech Republic
08:21ang flight ng High Level Coordinating Team
08:24ng Administrasyong Marcos
08:26na mga ngasiwa sa pagpapabalik kay dating Congressman Zaldico sa Pilipinas.
08:29Pinangungunahan nito ni Justice Secretary Frederick Vida
08:33at Chief State Counsel Dennis Chan.
08:36Mahalagaan nilang personal na makipag-ugnayan sa mga otoridad dito
08:39ang mga kinatawan mismo ng gobyerno ng Pilipinas
08:42para maidiin sa kanila ang halaga sa Pilipinas
08:45ng pagpapanagot kay Ko.
08:47Naharap si Ko sa mga kaso malversation at graft and corruption
08:50kaugnay ng flood control scandal.
08:52Ayon kay DOJ Spokesperson Paulo Martinez
08:55dadaan sa masusing legal at diplomatikong proseso
08:58ang gobyerno ng Pilipinas para mapauwi si Ko.
09:01Dahil walang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas
09:05at ng Czech Republic
09:06naghahanap ng iba pang legal na paraan
09:08ang pamahalaan para mapauwi si Ko.
09:11Pero umaasa ang Justice Department
09:12na ipade-deport si Ko
09:14na kasalukuyang nasa kusudiya nga ng Czech authorities.
09:18Narito ang pahayag ni DOJ Spokesperson Attorney Paulo Martinez.
09:22The fact that the Czech Republic is open to dialogue
09:26that I think is very telling.
09:28Simple deportation, it's not only a faster route
09:30but it's also a more plausible route than extradition.
09:37Atom, inihahanda na nga pamahalaan
09:40yung mga dokumento na magpapatunay
09:42na may mga nakabimbing pang mga kaso
09:44sa Sandigan Bayan, si Ko.
09:46Ituraway kanilang depensa
09:47sakaling nag-apply na
09:49para sa political asylum itong si Ko
09:52na totoong meron siyang mga malversation
09:54at corruption cases sa Pilipinas
09:57kaya dapat siyang bumalik sa bansa
09:58para harapin ito.
10:00At yan ang pinakasariwang balita
10:01mula pa rin dito sa Czech Republic.
10:03Balik sa'yo, Atom.
10:04Maraming salamat, Marie Zumali.
10:07Sasalang sa pagliliti si dating Pangulong Rodrigo Duterte
10:10matapos kumpirmahin
10:12ng ICC Pre-Trial Chamber 1
10:14ang mga reklamo laban sa kanya.
10:16Sa ilalim ng Rome Statute,
10:18required siyang humarap sa mga pagdinib.
10:20May report to JP Soriano.
10:24Today, the judges of Pre-Trial Chamber 1
10:27of the International Criminal Court
10:29unanimously confirmed all the charges
10:32against Rodrigo Roa Duterte
10:35and committed him to trial before a trial chamber.
10:38Inanunsyo yan ng tagapagsalita ng ICC
10:41isang araw matapos ibasura ng appeals chamber ng Korte
10:44ang apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
10:46na kumukwestyon sa hurisdiksyon ng ICC
10:49sa mga kasong kinakaharap niya.
10:51There are substantial grounds to believe
10:53that Mr. Duterte is responsible
10:55for the crimes against humanity of murder
10:58and attempted murder.
11:00These crimes were allegedly committed
11:02as part of a widespread and systematic attack
11:05against the civilian population
11:07on the territory of the Republic of the Philippines
11:10between the 1st of November 2011
11:14and the 16th of March 2019
11:17in the context of the War on Drugs campaign.
11:20Haharapin ng dating Pangulo
11:22ang tatlong counts ng crimes against humanity
11:24ng murder at attempted murder.
11:26Sabi ng Korte,
11:27organisado ang mga pagpaslang
11:29na nagsimula sa lunsod ng Davao
11:31at pinalawik sa buong bansa
11:33ng maupo bilang Pangulo si Duterte.
11:36Siya raw ang mastermind dito.
11:37The judges built their decision
11:40on the evidence and arguments
11:42presented by the prosecutor
11:44and the defense
11:45during the confirmation of charges
11:47which took place in February 2026.
11:50The judges also considered
11:52the submissions of the parties and participants
11:55including participating victims.
11:58The defense and the prosecution
11:59are not automatically entitled
12:02to appeal to this decision
12:03but they can request authorization
12:05from the Petrial Chamber to do so.
12:07Sa oras na simulan,
12:09ang paglilitis,
12:10haharap si Duterte
12:11sa iba't ibang uri ng pananagutan.
12:13Sa ilalim ng Rome Statute,
12:14required ng humarap
12:16ang dating Pangulo sa mga pagdinig.
12:18Hindi pa malinaw
12:19kung personal siyang pupunta sa Korte
12:20o via video conference,
12:22depende sa mapag-uusapan sa ICC.
12:25539 na mga biktima rin
12:27ang sasali sa pagdinig.
12:28Sina-Atty. Joel Butuya,
12:30Atty. Gilbert Andres
12:31at Office of Public Counsel
12:33for Victims Head,
12:34Paulina Masida,
12:35ang magiging kinatawan nila.
12:37The case will be transferred
12:38to a trial chamber
12:40composed of three different judges
12:42who will decide on the next steps
12:44leading up to the trial.
12:47Trials at the ICC are fair
12:49and impartial
12:50and the defense will have sufficient time
12:53to prepare its case
12:54while respecting the rights of victims.
12:57Sa isang text message sa GMA News,
13:00sinabi ng abogado ni Duterte
13:01na si Atty. Nicholas Kaufman
13:03na hindi na nakapagtataka
13:04ang desisyon ng pre-trial chamber 1
13:07na nakabatay raw
13:08sa mga hindi napatunayang pahayag
13:10ng self-confessed murderers
13:11na ginawang cooperating witness.
13:14Nihindi nga raw nasuri
13:15ang kredibilidad
13:16ng sinasabing mga testigo.
13:18Dahil anya sa desisyon,
13:20posibleng magkakaroon
13:20ng ibang katauhan
13:21ang mga witness
13:22na gagastusan
13:23ng international community
13:25mula sa Office of the Prosecutor.
13:27Sa panahon ng trial,
13:28patutunayan ang yan
13:29ang depensa
13:30na ang tinutukoy na
13:31state policy
13:32o patakaran ng Estado
13:33na pagpaslang ay isang
13:35ganap na kathang isip.
13:37Ipapakita rin daw
13:38ng depensa
13:38na ang ebidensyang
13:39nagmula sa mga testigo
13:41ay walang anumang
13:42bigat o halaga.
13:43Sabi naman
13:44ng mga ICC
13:45appointed council
13:46na mga biktima
13:46na isang malakas na mensahe
13:48sa international community
13:50ng international justice system
13:52ay gumagana
13:53para panagutin
13:54kahit pa
13:55ang isang dating presidente
13:56tulad din Duterte.
13:58Ayon naman
13:58kay ICC
13:59Assistant to Council
14:00Atty.
14:00Christina Conti
14:01ang magkasunod
14:02na desisyon ng ICC
14:04hinggil sa
14:04horisdiksyon
14:05at confirmation of charges
14:07ay mga mahalagang hakbang
14:08na nagbubukas ng daan
14:10para sa paglilitis.
14:12Siyempre masaya po kami
14:13at kung kahapon
14:15masaya,
14:16ngayon masayang masaya
14:17dahil malinaw na
14:19may kapangirian ng ICC
14:21na silipin.
14:21Ito po ang final na desisyon
14:23patungkol sa jurisdiksyon.
14:25Tiniyak naman ang ICC
14:26na mananatiling patas
14:28at walang kinikiningan
14:29ang paglilitis.
14:30Mabibigyan din daw
14:31ng sapat na panahon
14:32ang depensa
14:33para ihanda
14:34ang kanilang kaso
14:35habang pinangangalagaan naman
14:37ang karapatan
14:38ng mga biktima.
14:39Ang malakanyang
14:40igagalang daw
14:40ang desisyon
14:41ng ICC.
14:42Ayon kay Yuse Claire Castro,
14:44justisya
14:45ang kailangang makamit
14:46sa mga kasong ito
14:47at parehong panig
14:49ang makikinabang
14:50sa proseso.
14:50JP Soriano,
14:52GMA News.
14:55Kasunod ng pagpayag
14:56ng Office of the President,
14:57nagbago ng plano
14:58si Vice President
14:59Sara Duterte
15:00kaugnay sa nakatakdaan
15:02niyang biyahe
15:02sa limang bansa.
15:03Sabi ng kampo
15:04ng vice,
15:05salamat
15:05sa tinawag nitong
15:07last minute
15:08na pag-issue
15:08ng travel authority.
15:10Pero nagbago na raw
15:11ang plano
15:12dahil hindi nila
15:12masiguro
15:13kung papayagan siyang
15:15umalis.
15:16Kaya hiling siya
15:17ng panibagong authority.
15:19Sana raw
15:19ay pakibilisan
15:21ang pagproseso nito
15:22para may sapat na panahong
15:24makapaghanda siya
15:24imbis na ilang oras lang
15:26bago umalis.
15:27Sana rin daw
15:28ay matiyak
15:29ang confidentiality nito.
15:31Sa inilabas
15:32sa travel authority
15:33ng Malacanang kahapon,
15:34mag-aabroad ang vice
15:35simula sa ngayong araw
15:37hanggang May 15.
15:38Itinanggi ng Malacanang
15:40na last minute
15:40ang paglalabas
15:41ng travel authority
15:42na hiniling umano
15:43ng vice
15:43noong April 14
15:45o isang linggo
15:46bago pagbigyan.
15:49Para sabihin na
15:53last minute
15:54resolution
15:55or decision to
15:56hindi po ganun
15:57dahil yun po palagi
15:59normally
16:00nangyayari po
16:01ang pagbibigay sa kanya
16:02ng travel authority
16:03a day before.
16:04Normally po
16:05mga five working days
16:08inaayos
16:08at
16:10pagka
16:11ang vice presidente
16:12naman
16:13ang umihiling
16:14hindi naman
16:15niyang tinatanggian.
16:16We usually expedite
16:17the processing
16:18of the travel request.
16:25Sa sanyo ng tapang
16:27pinatunayan ng isang groom
16:28na dihadlang
16:29ang kapansanan
16:30para makasayaw
16:31ang asawa
16:32sa unang pagkakataon
16:33kung paano siyang
16:35tumayo sa wheelchair
16:36para sa kanilang
16:36first dance.
16:37Pusuhan sa report na ito.
16:46Sa unang sayaw
16:48ng bagong kasal
16:49na sina Michelle
16:49at Andy Teodoro
16:50tunay na pagmamahal
16:52ang umalalan.
16:53You are the force
16:54that makes me strong
16:55enough to push
16:56my wheelchair
16:57and the wind
16:58that carries me forward.
16:59Mahirap man daw
17:00nagsumikap si Andy
17:01para makatayo
17:02sa kanyang wheelchair.
17:04Ang tatag ni Andy
17:05mas pinatibay pa
17:06ng kanyang kapatid
17:07at matalik na kaibigang
17:08umakay sa kanya
17:09para maisayaw
17:10sa unang pagkakataon
17:12si Michelle
17:12bilang asawa.
17:13Tagpong nagpaluha
17:14sa pamilya
17:15at mga bisita
17:16at nagpatutuo
17:17sa Love Knows
17:18No Boundaries.
17:19He just grew
17:21so much
17:22especially after
17:23his injury.
17:24There was a lot
17:25of things
17:26that he had
17:26to overcome
17:27and this strong
17:28and this resilient
17:29and those
17:31are the main
17:31things that really
17:33attracted me
17:34to Andy.
17:38Sumailalim sa therapy
17:39si Andy
17:39para makayanang tumayo
17:41dalawang araw
17:42bago ang kasal.
17:43Nag-insayo sila
17:44para sa sayaw
17:45ang kwento nila.
17:47Nagpantik
17:47pati sa netizens
17:48dahil sila
17:49ang patunay
17:50walang kapansanang
17:51hahadlang
17:52sa tunay
17:53ng pagmamahalan.
17:55I vow to always
17:56pick up your chair.
17:57I vow to always
17:58believe in miracles
17:59for the two of us.
18:05At yan ang mga balitang
18:06dapat niyong malaman.
18:08Ito ang GMA News.
18:09Walang kinikilingan,
18:10walang pinoprotektahan.
18:12Noon at ngayon,
18:13serbisyong totoo.
18:14Ako po si Atom Araulio
18:15at ito ang
18:16State of the Nation.
Comments