00:00Tumestigo ang dating driver at dating aide ng isang DPWH official sa pagdinig sa malversation case
00:08laban kay dating Sen. Bong Revilla, kaugnay ng maanumalya o manong flood control project.
00:15Sinabi nilang naghatid sila ng mga kahon sa bahay ni Revilla, pero hindi raw nila alam ang laman ng mga
00:22ito.
00:23Ang pagdinig sa Sandigan Bayan tinutukan ni Darlene Kai.
00:30Nang humarap si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee,
00:35sinabi niyang may 125 milyon pesos na umano'y kickback na nakuha si dating Sen. Bong Revilla sa ilang government
00:42projects noong 2024
00:44at naghahatid daw siya ng pera sa bahay nito.
00:47Sa pagdinig kanina ng kasong malversation case kay Revilla sa Sandigan Bayan, tumestigo ang dating aide ni Bernardo na si
00:54Virgel Niño Garcia.
00:55Sabi niya, nagatid siya ng mga kahon sa bahay ni Revilla sa Cavite sa utos ni Bernardo.
01:01Nang minsang magdala ng labindalawang kahon, nakita raw niya mismo si Revilla roon.
01:06Pero hindi ang dating senador ang tumanggap ng mga kahon mula sa kanya.
01:09Pero sabi pa ni Garcia, hindi niya alam ang laman ng mga kahon.
01:13Pumarap din sa pagdinig kanina ang dating driver ni Bernardo na si Francisco de la Fuente Jr.
01:18Dalawang beses daw siyang nag-deliver ng mga kahon sa bahay ni Revilla noong 2024 hanggang 2025.
01:24Nakita niya raw si Revilla pero mga tauhan umano nito ang kumuha ng mga kahon mula sa sasakyan.
01:29Kapanipaniwala ba? Sa amin hindi. Wala naman silang katunayan na inilakip sa kanilang mga salaysay bukod sa kung ano yung
01:39sabi nila at kung ano yung di umano yung sinasabi ni Yusek Bernardo.
01:43Dumalo sa pagdinig si Revilla at kanyang pamilya pero hindi sila nagpaunlak ng panayap.
01:47Senador, kamusta po?
01:52Bukod kay Revilla, binanggit din ang dating aide na si Garcia na inutusan siya ni Bernardo na mag-deliver ng
01:57mga kahon at maleta
01:59kina Sen. Jingoy Estrada, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating Depend Undersecretary Trijip Olivar,
02:06dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral at Carleen Villa, tauhan ni Makati Mayor at dating Senador Nancy Binay.
02:13Bukas ang huling araw ng bail hearing para sa kinakaharap na kasong malversation through falsification of public documents
02:19ni dating Senador Bong Revilla, sa May 6 target daw ng Sandigan Bayan 3rd Division na makapaglabas ng desisyon kung
02:27papayagang makapagpiansa si Revilla.
02:30Darlene Kay, Nakatutok 24 Horas.
Comments