00:00At tinanggal na ang Value Added Tax o VAT sa system loss sa kuryente ng Bureau of Internal Revenue.
00:07Hanggang magkano kaya ang mame-menos at kailang kaya ito mararamdaman na?
00:13Alamin sa pagtutok ni Bernadette Ray.
00:18Sa loob lang ng ilang buwan, lumobo sa 84,000 pesos ang Meral Cubil na nakapangalan kay Rochelle.
00:26Sampung pamilya raw silang naghahati-hati sa iisang metro pero hirap ngayong magbayad dahil sa taas ng presyo ng kuryente.
00:34Libong piso na ang binabayaran nila sa system loss pala o yung kuryente ng natural na nawawala kapag dumadaloy sa
00:41kable o kung ninanakaw tulad ng mga gumagamit ng jumper.
00:45Yung mababa po yung system loss noon, hindi po maabot ng 26,000 ng bill po.
00:50So, ngayon po, medyo lumaki po ang system loss natin kaya lumaki rin po ang bill ng kuryente ko.
00:58Pero asahang liliit ang system loss charge.
01:01Dahil sa memo ng Bureau of Internal Revenue o BIR, natanggalan na ito ng value-added tax o VAT.
01:07Sabi sa utos, hindi ito kailangang buwisan dahil hindi naman ito bahagi ng kabuoang kita ng producer at distributor ng
01:15kuryente o maging ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
01:21Ngayong naglabas na ng kautusan ng Bureau of Internal Revenue na tanggalin ang buwis sa system loss charge,
01:27kailangan na lang magkaroon ng pagbabago sa collection at billing system ng mga distribution utilities.
01:33May mga kailangan ding linawin sa BIR ayon sa Energy Regulatory Commission o ERC.
01:39Pero target ng komisyong maipatupad na ito sa October bill.
01:4320 pesos ang matitipid kung 200 kilowatt hours ang konsumo ng isang bahay.
01:48Dahil maliit lang kung tutuusin, hinihirit ng ilan na alisin na ang buong system loss na hindi naman ako konsumo
01:55ng mga customer.
01:56Kung tatanggalin lahat lahat, siguro mas matinding nakakatulog, mas ma-talaga sa aming mga mayihirap.
02:01Mas maganda, tanggalin na lang po. Sa bigas lang po, kulang pa po yung 200.
02:07Sunod na yung target ng Department of Energy o DOE.
02:11Lalot yan mismo ang utos ni Pangulong Bongbo Marcos sa nakaraan niyang State of the Nation Address.
02:17Ang next step po dyan is yung system loss mismo na babawasan at iwawala.
02:22We also need the PNP, the DILG, DICT.
02:27We also need the local government units, all the distribution utilities, all the electric cooperatives.
02:34Nea, lahat-lat po, they're all working and implementing now so that we can lower or remove the system loss.
02:42Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Horas.
Comments