00:00Assalamualaikum warahmatullahi wabarakatuh.
00:03Maria, Wagmayo Adlaw, kaninyong tanan.
00:05Magandang araw sa inyong lahat.
00:07Nitong nakraang buwan,
00:09naramdaman natin ang bagsik ng Bagyong Basyang
00:11na sumalanta sa Northern Mindanao.
00:14Libo-libo nating kababayan
00:16ang nawalan ng tahanan sa loob lamang ng isang gabi.
00:19Sinunda nito ang kambal na trahedya
00:21ng Bagyong Tino at Uwan noong Nobyembre.
00:24Saksi tayo sa paglubog ng Visayas,
00:26sa Baha at ang malaawak na pinsala sa Luzon at Bicol.
00:31Ang mga kalamidad na ito
00:33ay kumitil ng halos tatlong daang buhay
00:35at nagpalikas sa mahigit isang milyong Pilipino.
00:39Ito ang nangyayari kapag kinalimutan natin
00:41igalang ang mundong ating kinagisnan.
00:44Ang singil ng kapabayaan natin
00:46ay pasan ng mga mamamayang Pilipino.
00:49Kapag ang bilyong-bilyong inilaan
00:51para sa flood control ay ninanakaw
00:53o sinasayang,
00:55hindi lang natin binibigo ang kalikasan.
00:59Ipinagkakanulo natin ang ating sariling mamamayan.
01:02Ang korupsyon ng ating climate infrastructure
01:05ay isang tuwirang banta sa ating national security.
01:09Nang inilunsad ng Office of the Vice President
01:12ang pagbabago ang Million Trees Campaign,
01:14nakita ko ang kayang gawin ng mga Pilipino.
01:17Naabot natin ang mithiing isang milyong puno
01:20sa loob lamang ng tatlong taon.
01:22Nagtanim tayo ng isang milyong puno
01:25upang patibayin ang ating mga bundok
01:27at buhayin ang ating mga watershed.
01:30Ito ay isang nature-based solution
01:32upang maibsa ng baha.
01:34Hindi ito proyekto lamang.
01:36Ito ay usapin ng survival.
01:39Ngayong Earth Day,
01:40tandaan natin,
01:41ang pagtatanim ng puno
01:42ang pinakasimple climate action
01:45na kayang gawin ng kahit sino.
01:47Hindi natin kailangan ng dambuhalang budget.
01:50Ang kailangan natin ay punla
01:52at ang paninindigan para sa kinabukasan
01:55ng ating mga anak.
01:58Hindi mapipigilan ng isang puno ang bagyo,
02:00ngunit ang isang milyong puno
02:02na itinanim ng mga Pilipinong
02:04nagpas siyang lumaban,
02:06yan ang magpapalakas
02:08ng ating disaster resilience.
02:11Kailangan ng kalikasan
02:12ang ating pakikipagtulungan.
02:14Kailangan nito ang ating
02:16mga kamay sa lupa.
02:18Mahalin natin ang Pilipinas
02:20para sa Diyos sa bayan
02:21at sa bawat pamilyang Pilipino.
02:24Syukrat!
Comments