00:00Sa kabila ng hamon, dulot ng mataas na presyo ng petrolyo, marami sa ating mga kababayan ang pinipili pa rin
00:07na lumaban ng patas at maging tapat.
00:10Kabilang na riyan ang dalawang jeepney drivers sa Davao City na nagsauli ng mga naiwang pera at gamit ng kanilang
00:17pasahero.
00:18Silipin yan sa sentro ng balita ni Regine Manuza.
00:23Kinilala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board 11 ang katapatan ng dalawang public utility vehicle drivers sa Davao City.
00:31Matapos pa salamatan ang kanilang mga pasahero dahil sa pagsasauli ng mga gamit na naiwan sa kanilang mga sasakyan.
00:38Isinauli ng jeepney driver na si Jonathan Bringas sa kanyang pasahero ang isang envelope na may lamang pera.
00:45Habang ang taxi driver naman na si Edgar Dugador, pickleball paddle at bola ang ibinalik sa nakaiwan na pasahero.
01:12Dahil dito, pinarangalaan bilang super hero ng LTFRB 11 ang mga tapat na driver.
01:18Ipinagmalaki ito ng ahensya dahil ang mga tapat na driver tulad nila ang isa sa mga dahilan kung bakit naging
01:24kilala ang lungsod ng Davao.
01:26Kahit pamahirap ang panahon ngayon dahil sa fuel price hike, hindi nila pinagsamantaraan ang kanilang mga pasahero.
01:32Yung isa nagsauli ng pickleball equipment na sa tingin ko sa mga 20,000 yun.
01:37Yung isa naman nagsauli ng cash na nasa sobre sa jeep, naiwan sa jeep ng 4,000.
01:43So binigyan natin ng recognition ang mga drivers na ito na kahit ganong hirap ng panahon ngayon,
01:50they still have the heart to really serve their pasahero well.
01:56Kasabay nito, patuloy ang panawagan ngayon ng nasabing ahensya sa mga pasahero na kung sakaling may maranasan silang pananamantala mula
02:03sa mga driver ay i-report agad ito sa kanilang tanggapan.
02:06Mayroon o manong ipapataw na parusa sa sino mang pampublikong driver na mapapatunayang naniningil ng mas mataas sa itinakdang pamasahe.
02:15So ang consequence naman is breach of franchise condition, overcharging.
02:20So ang mangyayari niyan ma'am kung first offense, bumabayad siya ng 5,000 so mas lalaki yung problema niya
02:25instead na liliit.
02:27Matatanda ang ipapatupad na sana noong buwan ng Marso ang dagdag pasahe sa ilang pampublikong transportasyon dahil sa mataas na
02:35presyo ng produktong petrolyo.
02:36Ngunit ipinatigil ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
02:40Mula sa PTV Davao, Rijin Lanuza para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments